Chapter - 19 You're Blushing

190 14 0
                                    

(Larice Joyce's POV)

"Besty, ano ba kase talaga yung sinabi ni Jungkook sayo at natutulala ka?" Tanong ni Mica.

"Besty, wala nga." Sagot ko sa kanya.

"Hindi ako naniniwala! Alam kong meron." Maarte nitong sabi. Ang kulit talaga ni Mica. Kanina pa siya tanong ng tanong nasa school pa lang kami.

Andito na kami sa bahay nila Jungkook grabe sobrang ganda ng bahay nila parang palasyo. Luxury house na luxury house talaga ang bahay nato at halatang mahal ang mga gamit. Andito kami nila Mica at Klea sa garden, meron na din ditong umuan at lamesa.

"Klea, ikaw nga magtanong kay Larice baka sakaling sumagot." Sabi ni Mica kay Klea.

"Besty, kahit si Klea pa ang magtanong sakin parehas lang ang isasagot ko. Wala naman talagang sinabi sakin si Jungkook, eh!" Pagsisinungaling ko. Ayukong masaktan si Klea, nahahalata ko na my gusto siya kay Jungkook.

Naaawa na nga ako, eh! Kaya pala parang umiiwas siya sakin dahil kay Jungkook pala. Kaya ngayon napag isipan ko na umiwas nalang kay Jungkook para hindi na kami mag-away pa ni Klea.

"Guys!! Tara na sa loob magmiryenda na daw." Tawag ni Armee samin.

"Sige." Sagot ko.

Naglakad na kami at naabutan namin sila na nakaupo na sa dining table kaya naupo na din kami. Katabi ko si Mica at sa isang side ko naman ay si Armee bali nakagitna ako kala Mica at Armee tapos ang katapat ko ay si Jungkook.

Habang kumakain kami bigla akong nailang kaya inilibot ko ang mata ko at nagulat ako ng magkatitigan kami ni Jungkook kaya ako na mismo ang umiwas ng tingin at napayuko. Binalik ko ulit ang tingin ko sa kanya at nakakunot ang noo niya sakin kaya umiwas nalang ulit ako.

"Pagkatapos nating magmiryenda magstart na tayo." Pag basag ni Namjoon sa katahimikan.

"Okay!" Nakangiting pagsang ayon ni Gillian. Napapansin ko din tong si Gillian na parang may crush kay Namjoon.

"Eh, saan kami matutulog?" Tanong ni Charice.

"Sa sofa." Pamumuwisit ni Suga.

"Ang epal mo talaga kahit kailan hano!" Inis na sabi ni Charice kay Suga.

"Yes! Epal ako pero hindi sing epal mo HAHA!!" Pamumuwisit na sagot ulit ni Suga.

Tinignan siya ni Charice ng masama. "Joke lang!" Pambabawi ni Suga sa pamumuwisit niya.

"Under ka pala, eh!" Pang-iinis naman ni Taehyung kay Suga.

"Ano naman kung under. Atleast pinapansin ako ni Charice, hindi tulad mo hindi pinapansin ni Gianna." Nakangising sabi ni Suga.

Tinaas ni Taehyung ang kamay niya at nagbad finger kay Suga natawa naman si Suga at napailing. "Maglubay na kayo ang iisip bata ninyo!" Biglang singit ni Namjoon

"Sorry, Master." Natatawa tawang sabi ni Taehyung.

Kaya nagtawanan ang iba. "Ay ginagago ka, Namjoon. Kung ako yun hindi ako papayag ng ginaganun ako." Pangsusulsul ni J-hope.

"Eh, hindi naman si Namjoon,ikaw eh!" Savage na sabi ni Suga.

Sinamaan siya ng tingin ni J-hope. "Panira ka ng trip hano!" Inis na sabi ni J-hope

"Panira lang walang trip." Sabi nanaman ni Suga kaya lalong nagtawanan kami.

"Savage ka talagang gago ka!" Gigil na aniya ni J-hope.

"Syempre!" Sagot ni Suga.

"Sa guess room nalang kayo matulog!" Biglang singit ni Jin kaya nagtinginan kaming lahat sa kanya.

Mr Playboy Is Inlove (BTS Series #1)|Jeon Jungkook||Complete|Where stories live. Discover now