Chapter - 8 Performance

208 10 0
                                    

Larice Joyce's POV

"Wha!" Nagising ako ng may mag-sigawan.

Kinusot ko ang mata ko at idinilat. "Ang ingay ninyo ang aga aga." Sabi ko kala Mica at Klea.

Nagulat ako ng hilahin ako ni Klea. "Bakit?" Irita kong tanong dahil inaantok pa ako.

"Bumangon kana!" Sabi niya at hinila ulit ako.

Ang apartment kase namin isang malaking kwarto andun na ang mga sofa at banyo. Tapos may lutuan na din at ang double deck na hinihigan namin.

"Kabatugan mo talaga kahit kailan!" Singit ni Mica.

"Ano ba kase yun?" Inis kong tanong at nag-pahila na kay Klea tapos naupo sa sofa.

Kinuha ni Klea ang isang box, tatlo kase ang box at may nakalagay na pangalan namin tapos nakalagay ang pangalan ng school Leonie Kim University. Binuksan ni Klea ang box. "Look!" Sabi niya at kinuha ang damit. Wait! Hindi damit yun, kundi isang uniform.

"Wow!" Yun nalang ang lumabas sa bibig ko

Tinignan ko si Mica na tuwang tuwang habang tinitignan ang uniform niya. At idinidikit sa kanya para kunyare isukat. "Ang ganda diba?" Sabi ni Klea.

Tumango ako at ngumiti tapos kinuha sa kanya ang uniform ko at hinimas himas ito. Grabe sobrang ganda niya, kulay black and violate ang kulay may necktie din, napangiti ako dahil eto na yun. Makakapagaral na ako sa isang magandang school at mabibigyan kona ng magandang buhay ang pamilya ko.

"Ano pang hinihintay ninyo mag-bihis na tayo." Biglang sabi ni Mica.

Nag-katinginan kami ni Klea at tumingin kay Mica. "Bakit?" Sabay naming sabi ni Klea.

"May pasok daw ngayon. Kaso half day lang, knowing each other ata ang gagawin at may mga onting activity daw." Pag-lalahad ni Mica.

Tumango ako at mabilis na tumakbo sa banyo at nag-bihis, hanggang hita ang haba ng palda at yung medyas niya ay hanggang tuhod. Then black shoe na may heels na unti, napangiti ako ang ganda grabe, tapos long sleeve ang pang itaas niya. Ang unang kong isinuot ay ang white na plain na long sleeve tapos pinatungan ng coat na long sleeve din na ang kulay ay black and violate tapos yung necktie na. Then yung palda na.

At syempre hindi mawawala ang kuwintas ng kapatid ko na ngayon ay nasakin. Sinuot ko ang kuwintas na silver ng kapatid na kinuha ko sa kanya nung namatay siya at isinuot ko, lalo akong napangiti dahil pagnasakin ang kuwintas nato. Feeling ko lagi kong kasama ang kapatid ko.

Pag-labas ko sa banyo nakabihis na din si Mica at si Klea ay wala, baka andun sa apartment niya at nag-bihis. "Bagay ba sakin?" Tanong ni Mica at umikot pa.

Ngumiti ako. "Oo, bagay na bagay sayo. At syempre sakin din." Sabi ko at umikot din.

Ngumiti sakin si Mica at tumakbo papalapit sakin at niyakap ako. "Syempre naman!! Lahat naman ng isuot natin bagay satin, eh!" Sabi niya sakin at inakbayan ako.

"Picture tayo." Sabi ko sa kanya

Tumingin siya sakin at kinuha ang cellphone niya at kinuha ko din ang cellphone ko tapos nag-picture. Habang nag-pipicture kami dumating si Klea kaya nag-picture kaming tatlo. Ipapadevelop ko to tapos ilalagay ko sa frame.

*Ff*

Napahinga ako ng malalim at ngumiti. Andito na kami sa harap ng university. Inayos ko ang shoulder bag ko at nag-lakad na kami papasok sa campus. Nga pala ang section namin ay CMBS - 1 (classroom main building section - 1).

Pumunta na kami sa section namin at nagulat kaming tatlo na ang andun pa lang ay dalawang estudyante. Tinignan nila kami at hindi man lang pinansin kaya naupo nalang kami sa upuan, isang table lang pero dalawa ang upuan.

Mr Playboy Is Inlove (BTS Series #1)|Jeon Jungkook||Complete|Where stories live. Discover now