Chapter - 2 Manila

295 12 0
                                    

Larice Joyce's POV

Two Days Later

Nag-aayos na ako ng mga gamit ko para sa pag-alis namin ni Mica, tinutulungan din ako ni mama mag-ayos ng gamit ko. Nang matapos ko ang mga kailangan kong ayusin ay lumabas na ako sa kwarto ko.

Nakatayo si mama sa harap ko ngayon at umiiyak iyak na, natawa naman ako. "Ma, naman. Baka hindi ako maka-alis na yan iyak ka ng iyak, eh!" Sabi ko kay mama kaya lalong lumakas ang iyak niya.

Bigla namang tumawa ng malakas si papa. "Ayaw ka talagang paalisin ng mama mo." Natatawa tawang sabi ni papa.

"Anak, naman b-baka mapano ka d-dun." Sabi sakin ni mama habang umiiyak.

Ngumiti ako sa kanya at tinapik tapik ang braso ni mama at niyakap siya. "Mama, don't worry. Uuwi uwi ako pag weekends." Nakangiti kong sabi kay mama.

Tumigil na si mama sa pag-iyak. "Talaga anak?" Nakangiting tanong ni mama sakin.

Tumango ako. "Opo mama, uuwi uwi ako promise ko yan sayo." Nakangiti kong sabi sa kanya at niyakap siya. Niyakap din naman niya ako pabalik at hinalikan sa noo, bumitaw na si mama sa pag-yakap sakin.

Kaya ibinuka ko ang mga kamay ko at lumapit kay papa, niyakap ako ni papa at niyakap ko din siya pabalik. Hinalikan niya ako sa ulo at sa noo. "Mag-iingat ka dun, ah!" Bulong sakin ni papa.

Tumango tango ako. "Promise, papa." Sagot ko sa kanya at humiwalay na siya sa yakap niya at maya maya pa may narinig akong kumatok sa bahay namin alam kona kung sino yun.

"Besty!!" Sigaw ni Mica sa harap ng bahay namin at kumakatok pa.

"Oh! Ayan na yung maingay mong kaibigan." Natatawa tawang sabi ni mama.

Natawa naman ako kaya tinulungan ako ni papa upang buhatin ang bag ko at lumabas na kami ng bahay. "Hi po, tita, tito." Bati ni Mica kala mama.

"Hi, Mica, mag-iingat kayo sa Manila, ha!" Sabi ni mama.

Ngumiti si Mica at tumango. "Opo, tita."

"Oh! Tara na, ihahatid kona kayo. Baka mahuli kayo sa biyahe ninyo." Sabi ni papa.

"Sige po." Sabay naming sabi ni Mica.

Bago ako sumakay sa motor nilingon ko si mama at ngumiti sa kanya. "Mahal kita mama!" Sigaw ko sa kanya, bigla akong nag-iwas ng tingin ng umiyak siya.

"Mahal din kita anak, mahal kita palagi!" Balik na sigaw sakin ni mama. Ngumiti ako.

Sumakay na ako sa tricycle ni papa at inihatid na kami sa terminal, ng makababa na kami niyakap ko si papa. "Bye papa, mamimiss ko kayo ni mama. Mahal po kita " Sabi ko kay papa at nang-gilid na ang luha ko.

"Mamimiss ka din namin, anak. Mahal din kita." Malungkot na sabi ni papa.

"Mag-iingat kayo, ah!" Sabi ni papa.

Tumango kami ni Mica at nag-tinginan. "Kayo din po mag-iingat kayo." Sabay naming sabi ni mica sabay ngiti.

Tumango si papa. "Oh! Bilisan ninyo na maiiwan na kayo." Sabi ni papa kaya tumango nalang kami ni Mica at sumakay na sa bus.

Umandar na ang bus tapos nakita ko si papa kaya kumaway kami ni mica. Nawala na si papa sa paningin ko kaya naupo na ako ng maayos. "Excited ka?" Tanong ni Mica sakin.

Tinignan ko siya. "Medyo. Pero ikaw sure akong excited ka talaga." Nakangiti kong sabi kay Mica.

Tumawa siya at may pahawak hawak pa sa bibig niya. "Aba syempre!" Nakangiti niyang sabi.

"Pano pag hindi tayo nakapasa?" Kabado kong tanong.

Tumingin siya sakin at ngumuso. "Ayun lang, patay tayo. Uuwi tayo sa probinsiya na nakanganga." Natatawa tawa niyang sabi.

"Hay sana talaga makapasok tayo. Sayang lang yung binigay ni mama sakin kung hindi ako makakapasok sa LKU." Sabi ko kay Mica.

Tinapik niya ang balikat ko. "Wag kang mag-alala, makakapasa tayo kahit anong mangyari. Magtutulungan tayong dalawa kaya nga tinawag tayong besty diba." Nakangiti niya sabi.

Ngumiti ako kay Mica at niyakap siya. "Kaya love na love kita, besty, eh!" Sabi ko sa kanya habang nakayakap.

"Ayie keneleg eke, love din kita." Sabi ni Mica.

Umayos na kami ng upo at maya maya pa nakatulog na kami.

*Ff*

"Eto ba yung apartment natin?" Manghang tanong ni Mica.

Tiningnan ko siya at ngumiti tapos tumango na din. "Yes. Eto yun ang ganda diba?" Nakangiti kong sagot sa kanya.

Tumango siya. "Sobrang ganda. Tara na sa loob." Sabi niya kaya tumango nalang ako at pumasok na kami sa loob.

Naayos na namin ang mga gamit namin at ang kama namin ay double deck ako sa baba at siya sa taas. Malikot kase akong matulog baka malaglag ako mahirap na HAHAHA😂 naupo muna kami sa upuan.

Ang apartment namin at malapit sa university. "Gala kaya tayo." Pag-aaya ni Mica.

Tinignan ko siya. "Mag-pahinga muna kaya tayo." Sabi ko sa kanya.

"Hindi naman ako pagod, eh!" Sagot ni Mica.

"Ikaw hindi! Pero ako pagod!" Sabi ko sa kanya at tumayo sa pag-kakaupo ko tapos nahiga sa kama ko.

Habang nakahiga ako tumabi siya sakin pero hindi siya nahiga sa tabi ko nakaupo lang siya. "Anong plano natin?" Tanong niya sakin.

"Ahm! Bukas ng mga 9:00 ng umaga, pupunta tayo sa university." Nakapikit kong sagot sa kanya

Alam kong na ngiti siya sa sinabi ko. "Talaga ba?" Hindi makapaniwalang sabi niya.

Tumango ako ng ilang beses. "Oo." Antok kong sagot sa kanya.

"Sige na nga! Matulog kana." Aniya.

Nangiti naman ako. "Sige." Yun nalang ang nasagot ko at maya maya pa ay binalot na ako ng antok. Nag-dilim na din ang mga mata ko at tuluyan ng nakatulog.

***

Nagising ako ng may narinig akong nag-tatawanan hindi ko dinilat ang mata ko. Sinubukan ko pang matulog kase inaantok pa talaga ako pero ang ingay talaga nila sobrang ingay nakakabingi ang mga tawanan nila. Nanggigigil ako.

Iminulat ko ang mata ko at dahan dahang bumangon at nakita ko si Mica na nakaupo sa sofa at nanunuod ng TV tapos may kasama siyang isang babae. Kumunot ang noo ko. "Ehem!" Pag-paparinig ko kaya naman sabay silang tumingin sakin at sabay ding ngumiti.

"Hi!" Bati sakin ng kasama niyang babae.

Ngumiti ako sa kanya. "Hello." Sagot ko.

"Nga pala, Larice. Kapitbahay natin siya at may balak din siyang kumuha ng scholarship sa LKU." Nakangiting sabi ni Mica.

Tumango tango ako at ngumiti sa kanya. "Sabay sabay tayo, ah!" Sabi ko.

Tumango ang babae. "Sige ba. By the way, I'm Klea Villanueva." Nakangiti niyang bati sakin.

Tumayo ako sa pag-kakaupo ko at lumapit sa kanya tapos inilahad ang kamay sa kanya kinuha naman niya ang kamay ko at nag-kamay kami. "Larice Joyce Saquilabon. But you can call me Larice, in short. But also you can call me LJ for more shorter." Nakangiti kong sabi sa kanya.

Ngumiti siya at nag-bitaw na ang mga kamay namin. "So, mag-kapatid kayo?" Tanong niya samin ni Mica.

Nag-katinginan kami ni Mica at nag-tawanan. "No, we're besty. Pero parang mag-kapatid na din kami." Sagot ni Mica sa tanong ni Klea.

"Wow sanaol." Natatawa tawang sabi ni Klea.

"Don't worry. Now, your one of us, our besty." Nakangiti kong sabi sa kanya.

Lumawak lalo ang ngiti niya sakin. "Seryoso ba?"

Tumango kami ni Mica at ngumiti sa kanya. "Thank you." Masaya niyang pasasalamat.

"Your welcome." Sabay naming sabi ni Mica at ngumiti sa kanya.

_larayxssss_

Mr Playboy Is Inlove (BTS Series #1)|Jeon Jungkook||Complete|Donde viven las historias. Descúbrelo ahora