Chapter - 55 The Truth

141 8 0
                                    

(Larice Joyce's POV)

"Anak, ayos ka lang ba?" Bigla akong napa-ayos ng upo sa tanong ni mama.

Tumingin ako sa kanya at ngumiti ng pilit. "Opo mama." Walang ganang sagot ko kay mama.

Ilang araw na din simula ng pumunta si Jungkook dito nung gabi. Ni hindi na siya nagparamdam sakin! Walang text, walang tawag, walang kung ano man. Iniisip ko nga kung nag-sawa na ba siya sakin. Kung nag-sawa naman siya bat naman ganun ang bilis. Hindi ba niya ako mahal talaga para magsawa siya sakin ng ganun ganun nalang?

"Larice, panis na yang pagkain mo!" Nagulat ako ng si papa naman ang nagsalita.

Yumuko ako. "S-sorry po, papa." Sagot ko.

Huminga ng malalim si papa. "Kumain kana. Ilang araw kana ding matamlay." Sabi ni papa.

"Opo, kakain na po." Sabi ko.

Mabilis akong kumain at ng matapos ako lumabas ako ng bahay at naupo sa harap namin ulit. Habang nagmumuni-muni ako dito biglang nagvibrate ang cellphone ko. "Akala ko matitiis niya ako." May guhit ng ngiti ang mga labi ko.

Ng tignan ko ang cellphone ko nawala ang ngiti ko ng makitang hindi si Jungkook ang magtext sakin. Akala ko pa naman siya na! Si Klea ang nagtext sakin. Ano kaya ang kailangan niya? Sasabihin ba niya sakin na wag konang babalikan si Jungkook kahit kailan? Or baka naman pagsasalitaan niya ako ng masama dahil inagaw ko sa kanya si Jungkook.

Napailing iling ako sa iniisip ko. Imposible naman yun ang bait bait ni Klea. Binuksan ko ang message niya.

[Let's talk! Pupunta ako sa inyo pag may time na ako. At pagnatapos kona tong gagawin namin] from klengkleng.

Napahinga ako ng malalim mukang tama nga ang iniisip ko baka nga sasabihin niya sakin ang mga bagay na yun. Pero baka iba naman ang sabihin niya. Pero pwude ding yun.

"Hay! Ang nega mo self." Sabi ko sa sarili ko.

"Yeah! Sobrang nega ko." Aniya ko ulit.

Napahinga ako ng malalim at napailing na din. I guess this is the end of our story. Me and Jungkook are now nothing but a stranger! Napangiti ako ng mapait. Shit! Shit, bat di man lang niya ako sinuyo.

Kasalanan ko din naman kase, eh. Sobrang hard to get ko. Ni hindi ko man lang pinakinggang ang pageexplain niya. Hay, wala na talaga. Wala nang pag-asa ang relasyon namin ni Jungkook.

*kringkringkring*

"Ay palaka!!" Napaigtad ako sa gulat ng tumunog ang cellphone ko. Hay kape pa Larice. Napaka nerbyusa mo.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko at tinignan ang tumawag. Napangiti ako ng makita ang pangalan ni Karl. Mabilis kong sinagot ang tawag niya.

"Hello, karl." Nakangiti kong sagot sa kabilang linya.

"Hi! Larice, aalis na ako bukas papuntang mexico. Merong company si mama dun. At kailangan namin ng bagong magtatrabaho. Kase nagresign na ang iba, tapos naman na ang schoool year natin. So, if you want kayo ni Mica pwudeng magtrabaho dun. Pero kung ayaw mo naman ok lan---." Hindi kona pinatapos ang sasabihin niya.

"Kailan ang alis mo?" Mabilis kong tanong.

"Bukas ng tanghalin." Sagot ni Karl.

"Ok daanan mo kami ni Mica dito sa bahay. Gusto naming magtrabaho." Sagot ko.

"Okay! Copy."

Mr Playboy Is Inlove (BTS Series #1)|Jeon Jungkook||Complete|Where stories live. Discover now