Chapter - 11 New Friend

178 9 0
                                    

Larice Joyce's POV

"Here oh! Punasan mo yang luha mo." Nakita ko ang isang kamay na nagabot sakin ng panyo.

Dahan dahan kong inangat ang ulo ko at paningin ko kung sino man ang nagbigay ng panyo sakin. Ng makita ko ang muka niya, napangiti ako ng pilit kinuha ko ang panyo niya at pinunas ko sa luha ko. Naupo siya sa tabi ko.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.

"Naglilibot lang." Sabi niya.

Natawa naman ako. "Nakalibot kana kanina sa mall tapos ngayon naman dito sa school." Sabi ko sa kanya.

Natawa siya. "Gala kase ako masyado, kaya kahit saan nakakarating ako." Natatawa tawang sabi niya.

Ng mapunasan kona ng tuluyan ang luha ko nilingon ko siya at nagkatinginan kami sa mata. "Thank you, Karl." Nakangiti kong sabi. Si Karl yung nakabunggo ko kanina sa mall.

Ngumiti siya sakin at ginulo ang buhok ko kaya umiwas na ako ng tingin at kumain ulit ng ice cream. "Your welcome." Sabi niya.

"Gusto mo?" Tanong ko sa kanya at inilahad sa harap niya ang strawberry ice cream.

Natawa siya at umiling. "Allergic ako." Aniya.

Napakamot naman ako sa ulo ko. "S-sorry, hindi ko alam." Sabi ko kay Karl.

Tumango siya. "Okay lang. Atleast now you know."

"Nga pala! Pano ka nakapasok dito?" Tanong ko sa kanya. Dito kase sa school nato bawal pumasok ang outsider.

"H-huh?" Napakamot siya sa ulo niya. "B-basta." Natatawa tawa niyang sabi.

Tumango ako. "Okay."

"Nga pala, Larice. Nakita kita kanina binibigay mo yan kay Jungkook." Sabi niya sakin.

Tumingin ako sa kanya. "N-nakita mo pala yun." Sabi ko sa kanya at umiwas ng tingin.

Inakbayan niya ako na kinagulat ko tumingin ako sa kanya pero diretso lang ang tingin niya sa harap niya. "Wala namang masama kung may gusto ka kay Jungkook, eh!" Sabi niya.

Bigla akong nainis nanaman tinanggal ko ang pagkakaakbay niya kaya tumingin siya sakin, nakakunot ang noo ko sa kanya kaya tumawa siya. "Ok, ok. Wala kanang gusto kay Jungkook." Natatawa tawang sabi ni Karl.

"Wala naman talaga akong gusto sa kanya, eh!" Sabi ko.

"Talaga?" Tumingin ako sa kanya nakatingin siya sakin at nakangiti, umiwas siya ng tingin. "I mean!! Akala ko may gusto ka sa kanya." Sabi niya habang hindi makatingin sakin ng diretso.

"Oo, wala talaga. Sa sama ba naman ng ugali na yun."

"Bat mo siya binigyan ng ice cream."

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko tapos dinala ko sa message ni Jungkook. "Oh!!" Sabi ko sa kanya at inabot ang cellphone ko. Kinuha naman niya at binasa ang text ni Jungkook.

"Ah, kaya naman pala, eh!" Sabi niya. Kinuha din niya ang cellphone niya tapos binigay sakin ang cellphone ko. "Eto ba yung pinost niya."

Tinignan ko ang pinakita niya sakin nanlaki ang mata ko ng makita ang picture ko na natutulog at may drawing sa muka. Bigla kong pinatay ang cellphone niya at narinig ko ang pagtawa niya.

Tinignan ko siya ng masama at nagpeace sign siya sakin. "Sorry naman." Natatawa tawa niyang sabi.

"Haisstt!!" Inis kong sabi at kumain ulit ng ice cream mendyo nalulusaw na kase.

Habang kumakain ako parang bigla akong nailang, inilibot ko ang mata ko at nakita ko si Karl na nakatingin sakin. Nagkatinginan kami at nginitian niya ako

"Nga pala ano pala ang buong pangalan mo?" Tnong ko kay Karl

"Karl Jeon. Ikaw?" Nakangiti niyang sabi.

Napanganga ako, Jon. Jeon. Tinignan ko siya. "J-jeon, kaano ano mo si Jungko--."

"Kapatid. Half brother ko siya." Sabi niya sakin.

"Ah!! Kaya pala." Sabi ko sa kanya. "Medyo hawig din kase kayo." Sabi ko.

Tumango siya. "Pero magkaiba naman kami ng ugali." Sabi niya

Natawa ako at sumubo ng ice cream. "Alam ko. Ikaw mabait." Nakangiti kong sabi. "Siya HINDI!!" Dagdag kopa at nawala ang ngiti ko sa muka. Talagang idiniin kopa ang HINDI kase totoo naman, eh! Hindi siya mabait.

Natawa siya tapos inilahad niya ang kamay niya sakin kaya natingin ako sa kanya. "Friends?"

Ngumiti ako sa kanya at kinuha ang kamay niya tapos nakipagkamay. "Friends." Sabi ko.

Tumango siya. "Tara." Aya niya sakin.

Kumunot ang noo ko. "Saan?" Tanong ko.

"Sa room mo." Sabi niya.

"Ayuko!! Mabubuwisit lang ako sa kapatid mo." Inis kong sabi sa kanya.

Natawa siya sa sinabi ko. "Magkaklase pa pala kayo." Hindi makapaniwalang sabi niya.

Tumango ako ng walang gana. "Hindi lang magkaklase. Magkatabi pa ng upuan, at laging kong kagroup sa mga activity." Inis kong sabi sa kanya.

"Mukang destiny pa ata kayo, ah!" Nakangisi niyang sabi.

Tinignan ko siya ng masama at tinaasan ng kilay. "Anong sabi mo!!" Sigaw ko sa kanya.

"A-ah!! A-ano. A-ang s-sabi ko." Tumayo siya sa kinauupuan niya. At napakamot sa ulo.

"Ano kako yung sinabi mo!!" Sigaw ko sa kanya.

Ngumiti siya ng mapait at napakamot na nanaman sa ulo. "A-an-- Wha!!" Sigaw niya at tumakbo ng mabilis.

Ang ginawa ko naman tumakbo din ako para habulin siya, iniwan kona ang ice cream sa kinauupuan ko kanina. "Karl!!" Sigaw ko habang tumatakbo.

"W-wala naman kase akong sinabi, eh!" Sigaw na depensa niya sa sarili niya.

"Papatayin kita!!" Sigaw ko nanaman.

Kakatakbo namin nakapunta na kami sa main building, habang tumatakbo ako hindi sinasadyang may nabunggo ako. Sa halip na ang nabunggo ko ang matumba ako pa ang natumba, ang tigas kase niya, eh!

"Larice!!" Sigaw ni Karl at lumapit sakin. Tapos tinulungan akong tumayo.

Tinignan ko ang nabunggo ko at napanganga ako ng makita ko siya. "S-sorry, N-namjoon." Kinakabahan kong sabi.

Tumango siya. "Okay lang." Sagot niya at naglakad na paalis.

Nakahinga ako ng malalim at napahawak sa dibdib ko. "Ikaw kase, eh!" Sisi ko kay Karl at inirapan siya.

"Bat ako?" Sabi din niya at napakamot sa ulo.

"Ehem!!" Napabalikwas ako sa nagparinig. Napahawak tuloy ako sa braso ni Karl. At ng tignan ko si Karl tumatawa.

"Anong nakakatawa?" Inis kong bulong sa kanya, umiling lang si Karl at tumayo pa.

Tinignan ko ang nagparinig at biglang kumulo ang dugo ko ng makita ang pagmumuka ng hayop na Jungkook nato. Inirapan ko siya, nakatayo siya sa harap namin ni Karl habang nakahalukipkip.

Binitawan ko ang braso ni Karl. "Mauna na ako Karl. Bukas nalang." Sabi ko kay Karl.

Tumango ito at ginulo ang buhok ko. "Okay!! Take care." Nakangiti niyang sabi sakin. At ng tignan ko si Jungkook, nakataas ang kilay niya sakin kaya dinilaan ko siya at kumaripas na ng takbo palayo sa kanila.

"At kailan kapa naging malapit sa mga babae?" Rinig kong bulong ni Jungkook. Pero hindi ko maintindahan ang sinabi niya.

"It's none of your business." Sagot na bulong ni Karl, medyo huminto pa ako. Hindi ko kase marinig ang pinaguusapan nila.

"Leave her alone." Ayun nanaman yung bulong. Hindi kona pinansin at umalis nalang.

Lumabas na ako ng campus at sumakay ng taxi tapos umuwi na sa apartment namin.

_larayxssss_

Mr Playboy Is Inlove (BTS Series #1)|Jeon Jungkook||Complete|Where stories live. Discover now