Chapter - 4 Necklace

248 13 0
                                    

Larice Joyce's POV

Tulala akong nakaupo sa sofa ng apartment namin sa hiya na nagawa ko kanina. "Besty, ano bang nangyayari sayo bat tulala ka dyan?" Tanong ni Mica sakin.

Nag-papadyak ako at napakamot sa ulo ko. "Nahihiya kase ako, eh!" Sabi ko sa kanya.

"Bakit naman?" Tanong nato.

Kinuha ko ang pillow dito sa sofa at binalibag sa kanya. "Kakainis ka naman parang hindi mo alam ang nangyari kanina." Inis kong sabi sa kanya.

"Ikaw kase, eh! Ang bigat mo kaya nakasira ka." Sabi niya at tumabi sakin.

"Kaibigan ba talaga kita?" Inis kong tanong sa kanya.

Ngumiti siya sakin at tumango. "Oo naman." Mapang-inis na sagot nito.

Inirapan ko siya at iniwanan mag-isa sa sofa tapos nahiga ako sa kama ko. Habang nakahiga ako nakatingin lang ako sa taas ng kama ni Mica. Napahawak naman ako sa kuwintas ko habang nagmumuni muni.

Napamura ako ng mahina at biglang napatayo ng marealize na hindi ko pala suot ang kuwintas ko. Ang kuwintas na iyon ay sa kapatid ko kaso namatay ang kapatid ko bata pa lang siya. Tapos bago siya mamatay ay binigay niya sakin ang kuwintas nato kaya sobrang halaga sakin.

"BESTY!!" Sigaw kong tawag sa kanya.

Nakita ko pa ang pag-kagulat niya habang nakaupo sa sofa at nanunuod ng TV. "Ano ba yan nakakagulat ka naman." Inis niyang sabi sakin at napakamot pa siya sa ulo niya.

"Nakita mo ba yung kuwintas ko?" Nag-aalala kong tanong sa kanya.

Umiling siya. "Hindi. Bakit?" Takang tanong niya.

"Nawawala, eh!" Sagot ko. Habang kinakabahan na.

Tumayo siya sa kinauupuan niya at lumapit sakin. "Saan mo ba iniwanan?" Tanong niya sakin.

Nagkibit balikat ako. "Ang alam ko hawak ko kanina habang papunta tayo sa university, eh!" Sagot ko sa tanong niya.

Napakamot siya sa ulo. "Gaga ka, besty. Baka naiwala mo sa daan." Sabi ni Mica sakin.

Napahilamos ako sa muka ko at ngumiti ng mapait sa kanya. "Grabe ka naman, hindi siguro." Aniya ko.

"Tama na nga ang dada nating dalawa. Hanapin nalang natin." Sabi niya na ikinangiti ko. Kaya mahal na mahal ko ang bestfriend ko nato eh. She can do everything for me. And also me, I can do everything for her, she like my sister after all.

Hinanap namin ang kuwintas ko sa higaan ko pati sa higaan niya hinanap na din namin. Sa kusina pati sa banyo sa may sala hinanap na din namin. Sa damitan namin at halos buong apartment namin nahalughog na namin kaso wala pa rin eh!

Napaupo ako sa sofa at hiniga ang ulo ko sa sandalan ng sofa tapos huminga ng malalim. Naramdaman ko naman na tumabi sakin si Mica at hinimas himas ang braso ko. Biglang nanggilid ang luha ko, I can't lose that necklace, it's my younger sister necklace. It so important to me.

Nagulat ako ng pahidan ni Mica ang pisngi ko. Ngayon ko lang napagtanto na tumutulo na pala ang luha ko. "Wag kang mag-alala, besty. Hahanapin natin ang necklace mo kahit anong mangyari." Nakangiti niyang sabi sakin.

Pinunasan ko ang luha ko at ngumiti sa kanya. "Thank you." Nakangiti kong sabi sa kanya at niyakap siya.

Niyakap din niya ako at tinapik tapik ang likod ko ng mahina. "Your always welcome, besty." Sabi niya.

Parehas kaming napabitaw ng yakap sa isa't isa at napahinto ang drama namin ng may pumasok. Si Klea pala, may hawak siyang CD na parang movie at may dalang popcorn kinakain na niya ito.

Kaso naiba ang tingi ko sa may leeg niya, nanlaki ang mata ko ng suot niya ang necklace ko. Isang silver necklace iyon at may pendant na pangalan at ang pangalan ay (Lassie) pangalan iyon ng kapatid ko.

Bigla akong tumayo sa kinauupuan ko at bigla siyang sinapok. "Hoy!" Sigaw niya sakin. "Ang sakit ah!!" Sigaw nanaman niya at hinimas ang ulo niya dahil sinapok ko.

"Kanino yang necklace mo?" Seryoso kong tanong sa kanya.

Nag-papadyak siya palayo sakin at naupo siya sa sofa tapos nasa kandungan niya ang popcorn habang kinakain niya. Tapos yung CD na dala niya ay inilagay niya sa maliit na table.

"Sayo malamang." Sigaw niya sakin at hinimas ulit ang ulo. "Sakit eh!" Sigaw nanaman niya.

"Ang ingay mo." Sigaw din ni Mica

Medyo lumapit ako sa kanya ng unti at humalukipkip sa harap niya. "At bakit mo naman suot ang necklace ko, aber?" Taas kilay kong tanong sa kanya.

"Hala! Hala! Grabe yung kilay niya." Natatawa tawang sabi ni Klea. Akmang sasapukin ko ulit siya mag-salita na ito. "Matanda kana ba at hindi mo naalala? Pinahawak mo sakin tong necklace mo bago tayo umalis dito sa apartment. REMEMBER!" Naniningkit mata niyang sabi sakin at diniin pa talaga ang salitang REMEMBER.

Napakamot naman ako sa ulo ko, Oo nga pala no. Pinahawak ko sa kanya, aish. "Sorry naman po nakalimutan ko." Sabi ko.

Tapos hinubad niya ang necklace at ibinigay sakin. "Oh!" Aniya sakin at inabot sakin ang necklace habang hindi nakatingin sakin. Kunyare pang nag-tatampo tampo ang gaga napangiti ako at kinuha ang necklace sa kanya.

"Thank you." Nakangiti kong sabi.

Tumingin siya sakin saglit at inirapan ako, natawa naman ako. "Che!" Sabi niya at ibinaling sa TV ang paningin at humalukipkip.

Tumabi ako sa kanya at niyakap siya. "Ayie, hindi na yan galit. Sorry na." Panunuyo ko.

Natawa naman si Mica. "Anong nakakatawa." Inis kong bulyaw sa kanya.

"Hindi bagay sayo ang manuyo." Natatawa tawang sabi ni Mica.

Nag-pout naman ako at tinignan sila nakatingin pala sila sakin at humagikgik sila ng tawa na lalo kong kinainis at mas lalo pang nag-pout." Mas lalong hindi bagay sayo. Hahaha!!" Sabay nilang sabi sakin at nag-tawanan.

Tinignan ko sila ng masama. "Ah ganun, hindi pala bagay sakin. Pwes! Mag-luto kayo ng sarili ninyo pag-kain." Sigaw ko sa kanilang dalawa.

Bigla naman silang nabahala sa sinabi ko parehas pa naman silang hindi marunong mag-luto, si Klea maglaga lang ng itlog ang alam tapos mag-saing din. Habang si Mica naman marunong mag-saing, nag-luluto naman siya kaso nga lang sunog HAHAHA tapos ang alat ng niluluto tapos mapait minsan wala pang lasa, kawawa magiging asawa nato.

Ngumiti sila sakin at sabay na napakamot sa ulo. "Syempre, joke lang." Sabay nilang sabi sakin.

Pinagtutuldok ko ang noo nilang dalawa tapos tumayo sa kinauupuan ko at humalukipkip sa harap nila. "Ayun dun kayo magaling sa pang-bobola." Sigaw ko sa kanila.

"Hindi kaya." Sabi naman ni Klea.

"Kaya nga naman." Pag-sang ayon naman ni Mica.

"Hay, ewan ko sa inyo. Ano bang gusto ninyong ulam?" Tanong ko sa kanila.

"Adobong manok." Sabay nilang sigaw at sabi.

Napangiti ako at napatango sa kanila. "Here we go." Sabi ko sabay takbo sa kusina. "Adobong manok." Sabay sabay naming sabi. Pare parehas kami na paborito ang adobong manok.

Si Klea ang nag-hihiwa ng bawang sibuyas habang ako hinihiwa ang manok. Tapos si Mica nag-saing na din halos dito na din nakatira si Klea. Nag-bibigay siya ng pera pang grocery tapos pang-bili ng ulam kaso dun siya natutulog sa apartment niya sa tabi namin dito na din nga siya nag-lalaba, eh! Si Klea ang taga lagay sa wasing machine ng mga damit at taga hango na din, ako naman ang taga banlaw tapos si Mica ang taga sampay tinutulungan din siya ni Klea.

Tapos pag-katapos naming kumain si Klea ang mag-liligpit tapos si Mica ang mag-uurong habang ako mag-pupunas ng lamesa. Toka toka kami sa gawaing bahay ganun naman talaga dapat, eh! Para hindi mag-kagulo at para din lahat gagawa.

Natapos na akong mag-luto kaya kumain na kami at habang kumakain kami ay nag-kukuwentuhan kami. Natapos na kaming kumain at nag-ligpit na gaya nga ng sinabi ko toka toka kami.

_larayxssss_

Mr Playboy Is Inlove (BTS Series #1)|Jeon Jungkook||Complete|Donde viven las historias. Descúbrelo ahora