Chapter - 14 Party

170 12 0
                                    

Larice Joyce's POV

"Larice!!" Napaigtad ako sa kinauupuan ko dito sa sofa ng sumigaw si Mica mula sa labas at biglang pumasok dito sa loob.

"Bakit ba?" Iritang tanong ko sa kanya.

"May party." Masaya niyang sabi at naglulundag pa.

"Ano bang party?" Takang tanong ko.

"May pa party sila Jin my loves. At imbitado lahat ng college at syempre kasama tayo." Nakangiti niyang sabi.

Napailing ako. "Jin my loves ka dyan. Love kaba?" Inis kong sabi sa kanya.

Napakamot siya sa ulo. "Ayun nga lang ewan ko kung love ako." Sagot niya kaya napailing nalang ako.

Tumabi siya sa tabi ko at ipinalupot ang braso sa braso ko tapos ipinatong sa balikat ko ang ulo niya. "Punta tayo." Sabi niya.

Mabilis kong tinanggal ang braso niya sa braso ko pati ang ulo niyang nakahiga sa balikat ko at tumayo sa pagkakaupo. "Ikaw nalang kung gusto mo." Sabi ko kay Mica at pumunta sa kama ko at nahiga.

"Per--."

"Inaantok ako, Mica. Kayo nalang ni Klea." Sabi ko sa kanya at tumagilid paharap sa pader.

"O-okay."

Katatapos lang naming maglunch at sabado ngayon, ewan ba kung bakit biglang nagpaparty ang mga yun. Imbitado pa ang lahat! Sabagay bat ko nga ba aalalahanin yun, hindi naman ako pupunta sa party na yun.

Alam ko naman na mapapahiya lang ulit ako sa party na yun. Pagtitripan nanaman ako nila Jungkook, bigla nanaman akong napahawak sa dibdib ko at dun nakapa ko ang necklace ko or should I say necklace ng kapatid ko.

"Lassie, kung andito ka lang hinding hindi ako pupunta ng manila." Sabi ko sa sarili ko.

At naramdaman ko nanaman ang pagtulo ng luha mula sa mata ko! Pag naaalala ko ang kapatid ko naiiyak ako. Sobrang big deal niya sakin, at hindi ko siya makalimutan kahit anong gawin ko. Mahal na mahal ko ang kapatid ko, kahit anong presyo ng pera hinding hindi mabibili ang pagmamahal ko para sa kapatid ko.

Napaayos ako ng higa ng bigla akong maghikab at maya maya pa ay humapdi na ang mga mata ko. Kaya pumikit na ako at unti unti na akong kinain ng dilim.

*Ff*

Nagising ako ng walang dahilan ewan kung bakit? Bumangon ako sa pagkakahiga ko. "Mica!! Klea!!" Tawag ko sa dalawa kong kaibigan.

Tumayo ako at nag-inat inat na, lumapit ako sa banyo at wala dun si Mica kaya nagpunta ako sa kusina wala rin. Napahilamos ako sa muka ko at napahalukipkip ng maalala na may party nga pala. Tiyak ako na nagpunta ang dalawang yun.

Napailing nalang ako at naupo sa sofa tapos inon ang TV, kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko at nakita ko na 10:00 na pala. Sure ako na nagsisimula na ang party na yun, habang nanunuod ako ng TV biglang nagvibrate ang cellphone ko.

Kinapa ko ito sa sofa habang nakatingin sa TV at binuksan ko ang cellphone ko.

[Larice, sunduin mona si Mica. Lasing na] from klengkleng

[Ikaw na mag-uwi] to klengkleng

[Hindi ko kaya, may tama na din ako. Nahihilo ako] from klengkleng

Napahilamos ako sa muka ko, kasisimula pa lang ng party lasing na agad. Sa bagay hindi naman sanay uminom yun. Tumayo ako sa kinauupuan ko at pinatay ang TV bago ako magpalit ng damit nireplyan ko muna si Klea.

[Sige, susunduin ko kayo] to klengkleng

Nagbihis na ako at mabilis na umalis ng bahay, sumakay din ako sa taxi para mabilis at pinuntahan namin ang bahay nila Jungkook. Siguro nagtataka kayo kung bakit ko alam ang bahay ng gagong yun hano? Pero hindi ko talaga alam itinext lang sakin ni Klea ang address.

Mr Playboy Is Inlove (BTS Series #1)|Jeon Jungkook||Complete|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon