Chapter - 5 Exam

230 11 0
                                    

Larice Joyce's POV

Naalimpungatan ako ng may yumugyog sakin. "Bestyy!!" Sabi niya at yugyog nanaman.

"Mmm?"

"Gumising kana." Sabi niya.

Pero hindi ko siya pinansin at tumagilid tapos nag-kulambo ng kumot, kaso hinila niya ang kumot at ang unan ko kaya napadilat ako tapos napakamot sa ulo ko. "Ang aga aga." Inis kong sabi.

"Maaga nga. Maaga din ang schedule natin sa exam." Sarcastic niyang sabi.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya shit!! Hindi kami pwudeng malate kakainis naman oh. Bigla akong napabango at kumaripas ng takbo sa banyo at naligo. Natapos na akong maligo at naalala ko na wala nga pala akong dalang tuwalya.

"Besty! Tuwalya nga, bilis." Sigaw ko kay Mica.

"Ayan kanina pa kase ginigising. Napaka batugan kase." Sigaw niya sakin.

"Wag kana ngang dada ng dada dyan ibigay mo nalang ang tuwalya." Sigaw ko kay Mica.

Kumatok siya sa banyo at kamay ko lang ang inilitaw ko at ibinigay sa kanya ang tuwalya. "Salamat." Sigaw ko at nagpunas na at nagbihis na din.

*Ff*

Nasa harap na kami ng university at pumasok na kami, iniwasan na namin ang mag-harutan baka may masira nanaman ako baka tuluyan na akong hindi makapasok sa university nato.

Nag-hawak hawak kami ng kamay at sabay sabay na pumasok sa main building ng LKU (Leonie Kim University) ang daming mga estudyante. Tinignan namin ang pangalan namin at malayo pa naman kami.

Kaya minabuti namin na mag-lakad lakad muna naisipan namin na pumunta sa cafeteria papasok pa lang kami ng cafeteria ng may marinig kaming nag-sisigawan ng malakas at nagtatawanan medyo familliar sakin ang mga boses nila, mga lalaki eh. Kaso hindi ko alam kung san ko narinig.

Hindi kona pinansin at hawak kamay kaming tatlo na pumasok sa loob. Naupo kami sa isang table iginala ko ang tingin ko grabe cafeteria palang ang ganda na. Pano pa kaya pag-room na or CR, siguro may aircon sa CR nila dito kase sa cafeteria may aircon kaya nakasara ang pinto. Glass naman ang pinto nila at detulak.

Nanlaki ang mata ko na mapagtanto kung sino ang mga lalaking nag-tatawanan. Shit sila Jungkook yun, si Jungkook yun yung nasira ko yung kotse niya. Pito silang lalaki at medyo malapit lang ang table samin dalawang table lang ang pagitan. Kainis naman bigla akong umiwas ng tingin sa kanila hindi naman ata nila ako nakita eh. Ipinatong ko sa lamesa at kamay ko at iniharang sa muka.

"Anong nangyayari sayo?" Takang tanong ni Klea.

Ngumuso ako at tinuturo ang nasa likod namin. "Huh?" Tanong nilang dalawa ni Mica.

Napapikit ako at huminga ng malalim tapos ngumuso ulit ako at ginagalaw ang nguso ko para sabihin kung sino ang nasa likod namin. "MAGSALITA KA KASE!!" Sabay nilang dalawa na sigaw. Napapikit ako ng matagal sa inis at napahilamos sa muka ko ang tatanga kakainis.

"Ehem! Look who's here." Lalo akong napapikit ng mag-salita ang isa sa mga pito na yun buti nga hindi tumayo at nilapitan kami.

Napatingin naman sila Mica sa kilod namin at nakagat labi ng marealize na yun yung kanina kopa nginunguso. Bat ba kase ang slow nila, eh!

Ngumisi sila ng pilit at tinignan ako. "Bat kase ayaw mong mag-salita." Sabi nila habang nakangiti pa. Kunyareng hindi nag-sasalita.

Ngumiti din ako sa kanila. "Kanina pa ako nguso ng nguso ang iislow ninyo." Nakangisi kong sabi at hindi nag-abalang igalaw ang bunganga ko.

Napahinga ng malalim ang dalawa at tumingin sakin. "Anong dapat gawin pag-nakita mo ang taong pinag-gawan mo ng kasalanan?" Tanong ni Mica.

Nag-katinginan kami ni Klea at ngumisi ng pilit tapos tumingin kay Mica. Sabay sabay kami tatlong tumayo sa kinauupuan namin at nag-hawak kamay. "Takbo!!" Sabay sabay naming sabi at kumaripas ng takbo palabas ng cafeteria.

Mr Playboy Is Inlove (BTS Series #1)|Jeon Jungkook||Complete|Where stories live. Discover now