Chapter - 18 You're Mine

193 12 0
                                    

(Larice Joyce's POV)

Naalimpungatan ako ng marinig ang tawanan at kuwentuhan. Mga boses lalaki at babae. Wait!! Lalaki? Mabilis akong bumangon at binalot ng kumot ang katawan ko wala pa naman akong bra.

Napukaw ko naman ang atensiyon nila kaya sabay sabay silang napatingin sakin. Ganun nalang ang pagkagulat ko ng andito sila Jungkook kasama ang mga kaibigan nila at sila Charice andito din.

"Besty, magbihis kana ikaw nalang ang hinihintay namin!" Sigaw sakin ni Mica.

Tumango ako at napalunok tapos humalukipkip para hindi maging halata ang dibdib ko pag naglakad ako. Nakamaigsi pa naman akong short at spaghetti na sando. Mabilis akong tumakbo sa banyo at naligo, dun na din ako nagbihis ng uniform ko.

Lumabas na ako nagulat naman ako ng makita si Mica nainaayos ang bag niyang maliit lang naman at naglalagay ng damit. "Besty, san ka pupunta?" Tanong ko kay Mica.

Kaya nagtawanan sila except kay Jungkook na epal. "Dun muna kayo matutulog sa mansion namin dahil madami tayong gagawin. Buti na nga lang kamo at wala si grandma dahil nasa brazil siya for business trip." Paglalahad ni Jimin.

Kaya nginitian ko siya at nagfist bomb kami. "Faster!!" Napabalikwas ako sa sigaw ni Jungkook habang nakaupo sa sofa namin.

"Easy, hyung. Hindi kita aagawan." Natatawa tawang sabi ni Jimin. To be honest hindi ko magets ang sinasabi ni Jimin kase aaminin ko na may pagkaslow ako HAHAHA.

Napailing nalang ako at nag-ayos din ako ng gamit ko isang gabi lang naman kami matutulog dun, eh. Nagdala ako ng isang pangtulog at pag-alis in case na madumihan ang uniform ko.

"Besty!!" Nagulat ako ng bumulong sakin si Mica.

"Ano ba?! Nakakagulat ka naman." Inis kong sabi kay Mica.

"Nagseselos nanaman si Jungkook." Sabi ni Mica.

"So?!" Pairap kong sabi sa kanya.

"Haistt!! Kayong dalawa ni Jungkook ayaw pang umamin na nagseselos sila. Halata naman na may gusto sila sa isa't isa." Rinig kong bulong ni Mica pero medyo hindi ko naintindihan.

"May sinasabi ka?" Mataray kong tanong sa kanya.

"Ay wala besty." Sagot ni Mica at ngumiti ng mapait.

Nakasakay ako ngayon sa sasakyan ni Jungkook na nasira ko haha buti nga napalitan agad niya yung salamin. Gusto ko sanang sumabay kala Jin at Mica kaso sabi ni Jin kay Jungkook daw ako sumabay para daw partner partner. Tsk.

Sobrang awkward ng katahimikan na namamagitan saming dalawa. Kaya naglakas loob na akong magsalita. "Ahm! Didiretso ba tayo sa school or may iba pa tayong pupuntahan?" Tanong ko kay Jungkook. Pero ang gagong lalaking to parang walang narinig.

Napahinga nalang ako ng malalim at nilaro ang sarili kong daliri at tumahimik nalang tapos binaling ang tingin ko sa bintana. Nagulat ako ng biglang pumereno ang sasakyan niya kaya napatingin ako kay Jungkook at sa paligid. Nasa school na pala kami ang bilis ni hindi ko man lang namalayan.

Bumaba na ako at bumaba na din si Jungkook nagtama ang paningin namin kaya nginitian ko siya pero inirapan lang niya ako. Natawa naman ako at napailing nalang ako, ewan bat ba ang saya ko ngayon nakasama ko siya. Haistt!! Larice!! Ano bang iniisip mo.

Sabay sabay kaming naglakad papasok sa first building at syempre kasama namin ang pinakapopular dito sa school kaya hindi maiwasang pagtinginan kami. Napatingin naman ako sa likod ko at nakita ko dun si Klea na tahimik, bat kaya ayaw niya akong pansinin.

Nagmabagal akong maglakad at ng nagkasabay kami at inakbayan ko siya kaya napatingin siya sakin. Nginitian ko siya. Si Klea naman ay ngumiti at alam kong pilit na ngiti ang ibinigay niya sakin.

Mr Playboy Is Inlove (BTS Series #1)|Jeon Jungkook||Complete|Where stories live. Discover now