Chapter - 9 Mocking

191 8 0
                                    

Larice Joyce's POV

"Besty, sino mauunang maligo satin?" Tanong ni Mica.

May pasok kase kami ngayon whole day na, kahapon kase half day lang. Nakaupo ako ngayon sa sofa 7:00 pa lang naman ng umaga. Ang start kase ng klase namin 8:00 may one hour pa kami.

"Ikaw nalang, besty." Sabi ko, tumango naman siya at pumunta na sa CR.

*Ff*

Nasa harap na kami ng university at nag-lalakad na kaming tatlo sa hallway. Bigla akong nailang kase first day pa lang ng totoong class namin ngayon, bat sila nakatingin samin, or should I say sakin lang. May mga nakangiti sakin may mga masama ang tingin may iniirapan ako.

"Anong problema ng mga yan?" Bulong sakin ni Klea.

Nag-kibit balikat ako. "Hndi ko nga alam, eh!" Sagot ko kay Klea.

"Mga besty, parang alam kona kung ano ang kinagagalit ng mga baliw na babaeng yan." Sabi ni Mica.

"Ano?!" Sabay naming tanong ni Klea.

Pumunta kami sa may gilid ng hallway at dun huminto. "Tignan ninyong dalawa to." Sabi ni Mica at ipinakita samin ang cellphone niya.

Napanganga ako ng makita ang sarili ko sa isang video at si Jungkook. Yung performance namin kahapon. Ang daming nag-comment ang damin din nag-heart, sa IG pinost ang video.

(Hindi sila bagay.)

(Masyadong assuming si ate ghorl.)

(Ang cute nila.)

(Sakin lang si Jungkook ate girl.)

(What a slut.)

(Delete this video. They are not good looking together.)

(Bagay sila.)

(Ang galing namang kumanta ni ate girl.)

(Ang sweet nila.)

(Guys, suko na tayo kay Jungkook. Feeling ko may something sila.)

(Akin lang si Jungkook.)

Edi sayo demonyo ka! Walang umaagaw hayop ka! Nakaka highblood sila. Pinagpatuloy ko ulit ang pag babasa ng comment kahit naiinis na ako.

(Who the hell is this fvcking girl. Don't you dare steal my Jungkook!! Or else.)

(Sanaol nakakaduet ang isang Jeon Jungkook.)

Hindi kona tinuloy ang pag-babasa ng comment nabubuwisit lang ako. Sino naman kaya ang nag-post nato? Ang dami tuloy nagagalit sakin. Nakakainis naman to, mapapahamak pa ako dito, eh!

"Ano namang masama dyan kumanta lang kayo diba?" Sabi ni Klea.

Tumango ako at napayuko nakakainis sino kaya ang nag-post nato. "Larice, don't tell me you like Jungkook?" Sabi ulit ni Klea. Parang may kakaiba sa tanong niya.

Kumunot ang noo. "Hindi! Naiinis lang ako, bat kase nila pinost yan. Ang dami ko tuloy nakuhang bad comments." Inis kong sabi kay Klea.

"Wag kang mag-alala, besty. Lilipas din yan." Sabi ni Mica.

"Kaya nga, wag nalang nating pansinin." Pag-sang ayon ni Klea kaya tumango ako. At bagsak balikat akong nag-lakad papunta sa room namin.

Naupo na ako sa upuan ko tapos ipinatong ko ang siko ko sa table ko at nangalumbaba. Nilingon ako ni Mica. "Besty, lilipas din yan." Sabi ni Mica.

Mr Playboy Is Inlove (BTS Series #1)|Jeon Jungkook||Complete|Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin