Chapter - 30 I'm Sorry

140 11 0
                                    

(Larice Joyce's POV)

"Besty, bilisan mo late na tayo!!" Sigaw ni Mica sa labas ng banyo namin.

"Oo, matatapos na." Balik na sigaw ko din at nagmadaling magbuhos. Hindi kase nag-alarm ang alarm clock namin kaya di kami nagising.

Ng matapos akong maligo nagpunas na agad ako at nagbihis na. Pagkatapos ko lumabas na ako ng banyo at pumasok naman ngayon si mica tapos naligo na. Inayos ko ang bag ko pati na din ang bag ni Mica inayos kona din tapos kinuha ko ang cellphone ko sa saksakan at inilagay sa bag ko.

Ng matapos si Mica maligo lumabas na kami apartment at pumunta sa harap ng pinto ni Klea at kinatok kaso walang sumasagot. Tinignan ko si Mica at natawa ako sa itsura niya, hindi pa nagsusuklay. Kaya tinignan niya ako ng masama.

"Wala pa ata." Sabi ni Mica.

"Muka nga, eh!"

"Tara na. Hayaan mona siya dyan." Sabi ulit ni Mica tapos kumaripas na kami ng takbo.

Ng makarating kami sa may kanto at naghihintay ng tricycle, nagulat kami ni Mica ng may tumapat samin na kotse. At dahan dahang bumukas ang bintana ng kotse niya. Napahinga ako ng malalim ng makita kung kaninong sa sakyan iyon.

"Tara na. Late na tayo." Nakangiting sabi ni Karl.

Ngumiti ako. "Sige. Salamat."

Pumasok na kami ni Mica sa sasakyan, andun si Mica sa likod. At ako naman dito sa tabi ni kuarl sa harap. "Salamat talaga, Karl. Late na kase kami." Sabi ko kay Karl at hinarap siya.

Ngumiti siya. "Susunduin talaga kita. Itinext kita hindi mo ba nabasa?" Tanong niya

"Huh? Hindi, teka nga." Sabi ko at kinuha ang cellphone ko sa bag tapos binuksan ang message.

[Susunduin ko kayo] from karl

Ng mabasa ko ang text tumingin ako kay Karl at ngumiti. "Sorry, hindi ko nabasa. Naghintay kapa ata." Sabi ko sa kanya.

Ngumiti siya. "Ok lang. Sanay akong maghintay para sayo." Sabi niya sakin habang nakatingin sa mga mata ko. Parang bigla akong nailang sa kanya.

Umiwas ako ng tingin at tumawa naman si Karl. "That was a joke." Sabi ni Karl.

Tumawa ako. "Sabi ko nga." Natatawa tawa kong sabi kay Karl.

Ng makarating kami sa school bumaba na kami ni Mica. "Mauna na kayo magpapark lang ako." Sabi ni Karl habang nakaduwang sa binta ng driver seat.

Tumango ako. "Sige. Thank you sa free ride." Nakangiti kong sabi kay Karl.

"Hindi yun free. Sabay tayong maglunch mamaya." Sabi niya.

Natawa naman ako. "Sige ba! Basta libre mo." Sabi ko kay Karl kaya tumawa ng malakas si Karl.

"Oo ba!" Sabi niya

"Okay!!"

Pagkasabi ko nun kumaripas na kami ng takbo ni Mica papunta sa room namin. At pagtapat namin sa pinto ng room namin, wala pang teacher pero lahat ng kaklase namin andun. Pumasok na kami ni Mica at napansin ko si Jungkook na parang may hinihintay. At ng makita niya ako at nagtama ang tingin namin para nakita na niya ang hinihintay niya. Ang assuming ko talaga.

Naupo na ako sa tabi niya tapos naupo na din si Mica sa tabi ni Jin. Na nasa harap lang namin ni Jungkook.

"Good morning." Bati samin ni Mica nila Armee.

"Good morning din." Balik na bati namin sa kanila.

Umayos ako ng upo at napansin ko na parang hindi ata nakadukdok ang katabi ko ngayon. Mukang nawala ang antok sa katawan, ah! Ano kaya nakain ng utong to. Nagulat ako ng bigla humarap sakin si Mica.

"Ok lang. Sanay akong maghintay. Para sayo! Ayieee." Pang-iinis ni Mica at inulit pa talaga ang sinabi ni Karl.

Pagkasabi ni Mica nayun tinignan ko si Jungkook at nakita ko na nakakunot ang noo niya kay Mica. Pero hindi siya nakikita ni Mica kase sakin nakatingin. "Pwude ba, besty." Inis kong bawal kay Mica.

"Ayiee!! Kunyare kapa kinilig ka naman kanina." Pagiinis niya.

"Hindi ako kinilig. Maglubay kana." Inis kong sabi sa kanya.

Magsasalita pa sana si Mica ng biglang sumingit si Jungkook kaya sabay kaming napatingin ni Mica kay Jungkook. "Who's that?" Tanong niya. Ang tinutukoy ni Jungkook yung nagsabi sakin ng ok lang basta para sayo maghihintay ako. Echos, Tsk!

Nagkatinginan kami ni Mica at nilakihan ko siya ng mata kaya mabilis siyang umayos ng upo at humarap na sa harap.

"Who's that?" Mahinahon pero may diing tanong ni Jungkook.

Napakunot ang noo ko. "Wala!" Walang gana kong sagot kay Jungkook at kinuha ang notebook ko para dun matuon ang pansin ko. Nabubuwisit lang ako kay Jungkook! Kung makapagtanong kala mo naman boyfriend ko.

Kunyare nagsusulat ako sa notebook ko pero nagulat nalang ako ng biglang mawala sa mga kamay ko ang notebook at ballpen ko. Tinignan ko si Jungkook ng masama. "Ano bang problema mo?" Inis kong tanong sa kanya.

Tinignan niya ako ng masama. "Who's that?" Galit niyang sabi.

"Ano bang paki mo!!" Inis kong sabi sa kanya.

"Again! Who's that?" Madiin niyang tanong.

"Again! Wala kang paki. Your not my boyfriend. Even friend, your not." Inis kong sabi sa kanya habang nakatingin sa mga mata niya tapos kinuha sa kanya ang notebook at ballpen ko.

"Yes, I'm not. But i am just asking you!" Gigil niyang sabi sakin. Natawa ako ng bahagya. Bat kailangan pa niyang tanungin, ano bang paki niya. Siya na mismo ang nagsabi na bumalik kami sa dati.

"Jungkook, wala kang paki kung sino yun. Tyka ikaw na mismo ang nagsabi na wag na tayong magpansinan at bumalik tayo sa dati. Tapos ngayon ikaw patong kausap ng kausap sakin. At tanong ng tanong kung sino yung lalaking tinutukoy ni Mica. Eto ang tatandaan mo, wala kang paki sa buhay ko kase wala din akong paki sa buhay mo!!" Madiin kong sabi sa kanya.

Bigla siyang napaiwas ng tingin sakin kaya napailing nalang ako at dumukdok. Ewan kung bakit nasasaktan ako sa sinabi ko sa kanya. Dapat ko naman talagang sabihin sa kanya yun eh. Kase una palang siya na ang nagsabi sakin na mag-iwasan na kami. Tapos ngayon siya ang kausap ng kausap.

"I-i'm sorry." Para akong nanigas ng kinadudukdukan ko ngayon sa sinabi niya.

Hindi ko tinayo ang ulo ko at hinintay ang idudungtong na sasabihin niya. "I-i'm sorry for saying that words. I d-didn't mean to say that." Sabi niya. Kaya itinayo ko ang ulo ko.

"But you say it." Seryoso kong sabi sa kanya.

"Kaya nga ako nagsosorry diba. I can't hold not talking to you." Sabi niya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.

"Why?"

Natawa siya. "My heart can't." Sabi niya na lalong kinagulo ng isip ko.

"Hindi ko magets." Sabi ko sa kanya.

Tinignan niya ako ng seryoso. "It's not time. Para malaman mo ang totoo." Sabi niya.

"Anong totoo?" Tanong ko kay Jungkook.

"The truth. That my heartbeat wants." Makahulugan niyang sabi.

"I don't get it." Sabi ko sa kanya.

"Mabuti!!" Tipid niyang sabi.

Tinignan ko siya ng seryoso. "Ano bang gusto mo?" Seryoso kong tanong sa kanya. Dahil na iinis na ako sa mga pinagsasabi niya. Diko alam kung pinagtitripan lang ba ako ng gagong to

"You want to know?" Seryosong tanong niya habang diretsong nakatingin sa mga mata ko.

"Yes, i want to know." Sagot ko.

"You!" Parang nageco sa buong katawan ko ang sinabi niya

You!

You!

You!

You!

You!

Natawa ako para hindi niya mahalata ang pagkagulat ko. "Crazy!!" Sabi ko sa kanya at hindi na siya pinansin. Dahil dumating naman na din ang teacher namin.

_larayxssss_

Mr Playboy Is Inlove (BTS Series #1)|Jeon Jungkook||Complete|Where stories live. Discover now