Chapter - 15 Assuming

183 13 0
                                    

Larice Joyce's POV

"Besty, bilisan mo!" Sigaw ko kay Mica.

"Oo, saglit nalang." Sigaw din ni Mica sakin.

Uuwi kase kami ngayon sa probinsiya ni Mica. Linggo naman kaya kami uuwi. Nakaligpit na kami ng damit namin ni Mica kaya umalis na kami sa apartment at nagpunta na sa terminal.

"Tara na." Aya ni Mica ng magsakayan na ang ibang mga tao sa bus.

Nasa may bintana ako. Habang bumibiyahe kami nakatulog kami kaya ng magising kami nagbababaan na ang ibang tao kaya nagayos na kami ni Mica at bumaba na din.

Pagbaba namin ng bus naginat-inat kami. "Nakakapagod." Sabi niya habang nakangiti.

Tumango naman ako at natawa. "Talagang nakakapagod." Natatawa tawa kong sabi.

"Tara, sakay na tayo sa tricycle." Sabi ni Mica at pumara ng tricycle.

"Besty, magtatricycle ba talaga tayo ang mahal kaya." Sabi ko kay Mica.

Napakamot naman ng ulo si Mica. "Wag ng madaming arte, tara na." Sabi niya at hinila na ako kaya wala na akong nagawa.

Tinignan ko si Mica at tinawanan lang ako ng gaga. May 30 minutes din ang biyahe namin at ng makarating na kami bumaba na kami. Nagbayad na din kami, 200 ang bayad namin naghati kami ni Mica sa bayad.

"Uy, Mica, Larice!!" Nagulat kami ni Mica ng may tumawag samin.

Sabay naming nilingon ang tawag na yun. "Bakit, Kath?" Tanong ko kay Kath.

"Wala kaming panahon para makipag tarayan sayo." Singit ni Mica.

"Hindi naman ako makikipagaway. Gusto ko lang itanong kung sino yung gwapong lalaki ang nasa inyo. At halatang mayaman." Sabi ni Kath. Sino naman ang lalaking yun?

Sasagot na sana ako ng sumingit si Mica. "Sa tingin mo alam namin. Kadadating lang namin diba." Mataray na sagot ni Mica.

Natawa naman ako. "Tumigil na kayong dalawa." Sabi ko at hinila na si Mica.

"Ang aarte ninyo nakapag manila lang kayo, eh! Chee!!" Sigaw ni Kath samin.

Huminto ako. "Inggit ka lang." Sigaw ko din sa kanya.

"Hindi no." Sigaw din ni Kath sakin.

"Inggit!!" Pamumuwisit ni Mica at dinilaan pa si Kath. Si Kath naman nagpapadyak at nagwalk out na.

"Kaarte talaga na yun no!!" Inis na sabi ni Mica.

Natawa naman ako at tinapik ang balikat niya. "Hayaan mo na siya." Sabi ko kay Mica.

Naglakad na kami papunta samin. "Oh!! Hindi kaba pupunta sa inyo?" Tanong ko kay Mica.

"Mamaya na." Sabi niya. Natawa naman ako kaya nagpatuloy na kami sa paglalakad at ng nasa bahay na kami.

Meron akong nakitang sasakyan na mustang sa may gilid ng bahay namin at kulay pula pa. Medyo familiar ang sasakyan na yun, pero imposibleng siya yun. Napailing nalang ako at mabilis na pumasok sa bahay namin.

"Mama!!" Sigaw ko kay mama at nakita ko si mama na nasa sala at bigla siyang niyakap.

"Anak, dahan dahan lang may bisita tayo." Sabi ni mama kay tinignan ko siya at napakunot ang noo.

"Sino po?" Takang tanong ko.

Ngumuso siya at tinuro ang nakaupo sa upuan naming mahaba na kahoy. Nilingon ko siya at nanlaki ang mata ko ng makita kung sino ang nasa harap ko ngayon. Alam kong nagulat din siya sakin, napatayo pa nga ito.

Mr Playboy Is Inlove (BTS Series #1)|Jeon Jungkook||Complete|Where stories live. Discover now