Chapter - 7 Celebrate

207 11 0
                                    

Larice Joyce's POV

"Ohmyghad!! Hindi ako makapaniwala na nakapasa tayo mga, besty." Masayang sabi ni Klea at nag-tatalon pa. Andito na kami ngayon sa harap ng university.

"Grabe, siguro pag nag-simula na ang school natin madaming mga gwapo hano!" Maarteng sabi ni Mica.

Nag-katinginan kami ni Klea at sabay na napailing. Habang si Mica ay nakangiti habang nakatingin sa langit at nag-iimagine kuno ng mga gwapong lalaki. Napahagikgik ako ng tawa ng biglang sapukin ni Klea si Mica. Tapos si Mica muntik ng maout of balance buti na balance niya ang katawan niya.

Bigla niyang inambaan si Klea at nagulat ako ng ako ang masapok niya "ARAY!!" Sigaw ko dahil ako ang nasapok niya. Tapos biglang nag-tago si Klea sa likod ko.

Tinignan ko si Mica at ngumiti siya ng mapait sakin. "S-sorry, besty"sabi niya

Susuntukin ko sana siya ng bigla siyang umiwas. "Gago ka. Ang sakit nun." Reklamo ko kay Mica.

Nag-peace sign siya at ngumiti sakin. "Sorry." Sabi niya.

Tumango ako habang hinihimas ang may ulo ko. "Tara na kumain nalang tayo." Sabi ko sa kanila.

"Libre mo?" Tanong ni Mica.

Napangiwi ako sa tanong niya. "Sira ba ulo mo. Sa tingin mo may pera ako?" Sabi ko sa kanya.

Napakamot siya sa ulo niya. "Ay oo nga pala parehas tayong walang pera." Natatawa tawang sabi ni Mica.

"Guys, wag na kayong mag-talo. Ako nalang ang mang-lilibre." Singit ni Klea.

Nakinaliwanag ng muka namin ni Mica sabay kami ni Mica na tumingin kay Klea na nasa gilid ko. "Seryoso?" Sabay naming sabi ni Mica.

Tumango siya at ngumiti. "Oo." Tipid niyang sabi samin habang nakangiti.

Nag-katinginan kami ni Mica at nilingon si Klea habang nakangiti kami sa kanya at nakangiti din si Klea samin. "Saan naman, aber?" Tanong ko kay Klea.

"Sa sofitel." Sabi niya.

Napanganga ako sa sinabi niya, grabe ang mahal dun at may hotel pa yun. "Ahm! Klea sa iba nalang kaya mahal dun, eh!" Sabi ko.

Medyo tinulak ako ni Mica. "Gaga kaba? Hindi naman ikaw ang mag-babayad, eh! Hayaan mona at ng makakain naman tayo sa pang-mayaman." Sabi ni Mica.

Nilakihan ko siya ng mata at inirapan. "Klea. Sigurado kaba?" Tanong ko kay Klea.

Ngumiti siya at inakbayan ako. "Yes, Larice. Dun tayo kakain." Sabi ni Klea.

Ngumiti ako. "Sige, thank you in advance." Nakangiti kong sabi.

Inalis niya ang pag-kaakbay sakin at nakipag apir kay Mica tapos nakipagfist bomb sakin. "You're welcome in advance." Nakangiti niyang sakin.

"Let's go na. Nagugutom na ako." Sabi ni Mica.

Tumawa kami ni Klea. "Okay." Sabay naming sabi.

*Ff*

Nasa harap na kami ng restuarant at grabe sobrang ganda dito. Pang mayaman talaga sila. "Table for... how many maam?" Tanong ng waiter.

"Table for three." Sagot ni Klea. Feeling ko ang yaman ni Klea, sanay na sanay kase siya sa mga gantong kainan pang mayaman talaga.

Nakaupo na kami grabe sobrang tahimik dito ang maririnig mo lang ang music na dimo maintindihan kung ano ba yung hanep na yun. Itinaas ni Klea ang kamay niya kaya lumapit sa kanya ang waiter.

"Yes, maam?" Tanong ng waiter.

"Menu." Maigsing sabi ni Klea.

"Here maam." Sabi ng waiter at umalis na.

"Umorder na kayo." Sabi ni Klea samin.

"Sige." Masayang sabi ni Mica.

At ng buksan ko ang menu parang lumuwa ang mata ko sa presyo grabe ang mahal shit. Bat ganun, napalunok ako kung mag-tubig nalang kaya ako mas ok pa yun.

"Larice, ano ang order mo?" Nagulat ako ng biglang mag-salita si Klea at tinanong ako.

"H-huh? A-hm kung ano nalang ang sainyo." Sabi ko sa kanya at isinara na ang menu at inilapag sa lamesa.

"Sige, steak ang sakin." Sabi niya.

Nanlaki ang mata ko. "S-steak?" Hindi ko makapaniwalang tanong.

Tumango ito sakin at tumawa. "Ano kaba? Ok lang yan, ako naman ang mag-babayad. Tyka nag-cecelebrate tayo." Sabi ni Klea.

"Kaya nga naman, besty. Minsan lang ito, eh!" Sabi ni Mica.

Napahinga ako ng malalim. "S-sige." Sagot ko.

Naka-order na si Klea at maya maya pa ay dumating na ang order namin at napanganga ako dahil amoy pa lang parang ang sarap na. "Wow. Ang bango bango." Sabi ni Mica.

Tumawa naman si Klea. "Mas mabango pa sayo yan." Pang-iinis ni Klea.

Inirapan siya ni Mica tapos uminom kami ni Klea ng tubig. "Mas masarap naman ako." Pag-kasabi ni Mica na yun. Para kaming nasamid dahil sa sinabi ni Mica.

Umubo kami ng umubo ni Klea. "Shitt! A-ang tapang ng hiya mo." Umuubong sabi ni Klea.

Natawa ako habang umuubo. "Kakadiri ka!" Sabi ko din sa kanya.

Inirapan kami ni Mica. "Lubayan ninyo ako." Gigil niyang sabi at nag-simula ng kumain.

Kaya kumain na din kami ni Klea habang kumakain kami nag-kukuwentuhan kami nila Klea. "Nga pala Klea, saan ka nag-highchool?" Tanong ko kay Klea.

"Sa abrod ako nag-highchool. At dito ako nag-elementary sa pinas." Sabi niya.

"Wow. Ang yaman mo pala." Sabi ni Mica.

Natawa si Klea. "Grabe, hindi naman, sakto lang." Natatawa tawa niyang sabi samin.

"So, may naging boyfriend kana ba?" Tanong naman ni Mica kay Klea.

Biglang nalungkot ang muka ni Klea at huminga ng malalim kaya nag-katinginan kami ni Mica. Tinignan kami ni Klea at ngumiti. "Yes, I have before, but pinagpalit ko siya para sa pag-aaral ko sa ibang bansa. Sana nga mapatawad niya ako, eh! Mahal na mahal ko pa naman siya kahit ngayon." Pag-lalahad niya.

"Ay sorry." Malungkot na sabi ni Mica.

Tumawa si Klea at tinapik ang balikat ni Mica. "Okay lang yun. Past is past. But now that we meet again, I can't lose him again. I want him back." Seryosong sabi niya.

Kaya bigla kaming natahimik sino kaya ang lalaking iyon? "Ahm, kumain nalang tayo." Singit ko kaya natawa silang dalawa at nag-kainan na kami.

Nakalabas na kami sa resto. At pauwi na din nag-taxi kami at ng makarating na kami sa apartment namin at huminto muna kami sa harap ng apartment ni Klea. "Thank you sa masarap na dinner. Good night." Nakangiti kong sabi sa kanya.

"You're welcome." Sagot ni Klea habang nakangiti sakin.

"Thank you, klengkleng. Good night." Nakangiting sabi ni Mica.

Niyakap kami ni Klea kaya niyakap din namin siya. "You're always welcome mga besty." Sagot niya at bumitaw na sa pag-kakayakap at nag-sipasukan na kami sa mga apartment namin.

Nahiga ako sa kama ko habang si Mica nakaupo sa sofa at hinihimas himas ang tiyan niya. "Busog." Wika niya.

Natawa naman ako. "Lagi ka namang busog." Natatawa tawang sabi ko sa kanya.

"Grabe hiyang hiya naman sayo." Pikon niyang sabi.

Tumawa ako. "Matutulog na ako. Good night." Sabi ko sa kanya at tumagilid na ng higa at humarap sa pader.

Naramdaman ko na din na umakyat siya taas ng double deck ng kama namin. "Good night din. Sleep well." Sabi niya. At kinain na ako ng dilim dahil sa pagod din.

_larayxssss_

Mr Playboy Is Inlove (BTS Series #1)|Jeon Jungkook||Complete|Where stories live. Discover now