SPECIAL CHAPTER: "DELETED SCENES"

9.6K 653 651
                                    

THIS IS NOT AN UPDATE. Ito ay special chapter para i-celebrate ang 200k reads ng Famous Eight. It contains deleted scenes that I never planned to publish kaso may nag-suggest. Haha. Una ko 'tong pinost sa group page sa facebook. If you're interested with that group page, just search MYSTERIAS. Kasali ako ro'n at nagpopost din ako ng mga bagay-bagay doon tungkol sa stories ko.

Okay. Here are the deleted scenes. Enjoy!


*****

DELETED SCENE #1

(A week before Sindrick's 16th birthday)

Sindrick's POV

Hay, pambihira.

"Ayusin mo nga 'yang pagtutulak mo sa cart," utos ni Auntie.

Nagmamaktol kong ginulo ang buhok ko. Kanina ko pa sinusundan si Auntie habang namimili s'ya. Ang dami nang laman nitong shopping cart. Nahihirapan na akong kontrolin kung saang direksyon ko 'to itutulak.

"Ang dami mo yatang budget ngayon?" sabi ko. Well, karaniwan, kuripot si Auntie. Masyado s'yang matipid. Lahat ng ginagastos n'ya dapat naka-budget. She owns a coffee shop with eleven branches around the country. At her age, 32, malaking achievement na 'yon. Kaso, at the same time, mukhang marami rin s'yang insurance na binabayaran. May mga tauhan s'yang pinapasweldo. Tapos kailangan n'yang bumili ng mga gamit sa bahay. Foods.. Gas.. Electric bill.. Water bill.. Nag-iipon din s'ya para makabili ng pinapangarap n'yang mga bagay. And.. she has me. S'ya ang nagbabayad ng tuition ko at nagbibigay ng allowance kahit may sarili akong pera sa bangko. Pareho naming hindi ginagalaw 'yong pera ko. Naiipon lang nang naiipon 'yon sa bangko tuwing magbibigay sila Dad.

"Maganda ang business this year," sagot n'ya sa 'kin. Kasalukuyan s'yang namimili kung aling baso ang bibilhin.

Tignan mo 'yan, nagpapakahirap pa s'yang mamili ng design ng baso kesa bilhin na lang n'ya pareho. Tapos kung manamit, ni walang kaelega-elegante sa katawan. Iisa lang 'yong suot n'yang gold. 'Yong relong niregalo sa kan'ya ng nanay n'ya no'ng naka-graduate s'ya ng college.

Nangalumbaba ako sa hawakan ng cart. "Paano ka magkaka-boyfriend n'yan? Mukha ka nang nanay ng limang bata."

"Aba't-!" Umamba s'yang ihahagis sa 'kin 'yong hawak n'yang baso. Kaso kusa rin s'yang huminto no'ng nakita n'ya 'yong presyo. Tinawanan ko s'ya.

"Kaya masarap kang asarin sa department store, Auntie. Hindi mo ako masasaktan."

"Bwisit ka talaga," irap n'ya sa 'kin. Napatawa ulit ako nang nang-aasar. No'ng nakita kong may padaan na cute na babae, tumigil ako sa pagtawa at nag-ayos ng buhok. Nginitian ko s'ya no'ng nagkatinginan kami. Nahihiya naman s'yang ngumiti pabalik. Ayos.

Naputol 'yong ngitian namin pagkatapos akong hampasin ni Auntie sa braso ng sobrang lakas!

A.R.A.Y.

Nakita kong natawa ng mahina 'yong babae bago nagpatuloy sa paglalakad paalis. Kumaway pa s'ya sa 'kin na parang nagbaba-bye na talaga. Bawas pogi points!

"Auntie naman!"

"Ano, Sindrick Harold? Ikaw pa 'tong galit? Tigilan mo 'yang pakikipaglandian mo! Napakabata pa, nakikipagngitian at kindatan na?!"

"Magsisixteen na kaya ako sa isang linggo. Tss."

"So? Pag sixteen na, pwede nang makipaglandian sa kung sino-sino? Sinasabi ko sa 'yo, Sin-"

Hindi ko na s'ya pinatapos sa sasabihin n'ya dahil may nakita akong hindi kapani-paniwalang bagay!

"Holy macarons!" sigaw ko saka ako nagmamadaling pumunta sa toys section. Hinablot ko 'yong nag-iisang natirang bagong merch ni Spongebob Squarepants! "Sht, isa na lang." Tinignan ko 'yong presyo na nagpakunot sa noo ko.

FEIGHT (Famous Eight)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon