Chapter 34: "First Assignment"

9K 616 575
                                    

a/n: Fanart alert! Thank you ulit sa napakagaling nating artist na si shy_rahhh

a/n: Fanart alert! Thank you ulit sa napakagaling nating artist na si shy_rahhh

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pa-shout out daw si KristineMaeMacaraig Haha. Enjoy reading!

**********

"I'm baaack!" masiglang bungad ni Chloe sa mga kaklase n'yang naiwan sa classroom. Nginitian s'ya ni Leeroi na nasa harap ng white board. Si Sindrick, kunwaring hindi s'ya napansin. Nagpatuloy lang 'to sa pagtatype sa laptop. Si Hannah at Zendra na may pinag-uusapan, saglit lang s'yang tinignan at bumalik rin agad sa topic na dini-discuss nila sa isa't-isa. Abala na naman ang classroom ng Feight ngayon.

Kakabalik lang ni Chloe mula sa pagtu-tour kay Elizabeth. Matapos makapasok ng silid, nagsimula s'yang mag-hum at punong-puno ng energy na kumandirit palapit kay Ayuri na may ginagawang paperworks para sa darating na event.

"I'm baaack!" pag-uulit n'ya habang nakangiti ng malawak. Itinaas n'ya pa sa ere ang dalawa n'yang kamay. Chloe Zamora is a walking energy ball. Mukhang hindi man lang s'ya napagod kahit konti mula sa pagtu-tour.

"Welcome back," simpleng sagot ni Ayuri. Hindi ito nag-angat ng tingin dahil kasalukuyan 'tong may binabasa.

"Yuriii. You know, I met Lucas and Dylan outside! They're really good at doing their jooob." Lumuhod s'ya at dinikit ang pisngi sa harap ng lamesa ni Ayuri para makita n'ya ang mukha ng napakaganda nilang kaklase. Full package na sana ito kung hindi lang 'to parang robot kung kumilos at magsalita.

Monotone ang boses na sumagot ulit si Ayuri. "Good to know."

"Ang cool talaga ni Cool Bunny. Tsaka tingin ko, magician talaga si Lucas! Niligtas nila kami sa bullies kanina!"

"Did you get hurt?"

"Nooope. Ayos na ayos ako. Alam mo rin ba, Yuri? Super ganda at bait ni Lizzy! I love her! Waaah! She's sooo carrotable!"

"Who's Lizzy?" Ibang klase rin talagang mag-multi task si Ayuri Alvarez. Habang pinapakinggan ang makulit na si Chloe, nakukuha n'ya pa ring magbasa ng reports at mag-mental arithmetic. Idagdag mo pang sumasagot din s'ya sa mga sinasabi ng Master Bunny. S'ya ang tipo ng taong hindi madaling mawala sa focus. Kaya s'ya ang palaging ginugulo ni Chloe.

"Si Lizzy! The one I toured around! Elizabeth Cordel!"

Tumango si Ayuri. "Hm. Cordel." May sinusulat s'ya sa planner no'ng bigla s'yang napahinto. Naglipat s'ya ng tingin kay Chloe na mukhang tutang nakatingin din sa kan'ya. "Cordel?"

Chloe exaggeratedly nod her head. "You know her family?"

Feight's Top 1 clicked her tongue. "Cordel is a famous clan."

"Eh? Gano'n ba talaga kakilala ang family ni Lizzy?"

Nangalumbaba sa lamesa n'ya si Sindrick. Kanina pa s'ya nakikinig sa usapan ng dalawa. Kahit naman kasi ayaw mong pakinggan, maririnig mo pa rin sa lakas ng boses ni Chloe. "Hindi ka ba nanonood ng TV, Clo? Lagi silang nasa balita."

FEIGHT (Famous Eight)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon