Chapter 9: "Feight and the Code"

10.8K 689 77
                                    

Leeroi's POV

Hindi ako mapakali sa inuupuan ko habang pinapanood ko si Ayuri na um-order sa counter. Naka-order na kaming lahat at nakaupo na rin pero s'ya, hanggang ngayon ay nagsasabi pa rin ng mga pagkain na hindi na yata masundan ng cashier dahil sa dami. Sobrang haba na rin ng pila.

Idagdag mo pang may mga estudyanteng pumapalibot sa 'min. Kumukuha ng pictures, nagha-hi, may mga nagbibigay pa nga ng regalo. Laking pasasalamat ko na lang talaga at hindi nila kami sinusugod.

"Pakidagdagan ng cheese yung nachos. Isang burger. Dalawang slice ng pizza. Gusto ko ring subukan 'yong spaghetti n'yo at-" -Ayuri

"Alam ba ni Ayuri na um-order na tayo o manlilibre s'ya ng lunch sa buong cafeteria?" -Sindrick

"Kaya n'ya bang ubusin lahat 'yan? Puro cholesterol 'yang ino-order n'ya. Hindi maganda sa katawan." -Zendra

Tama si Zendra. Hindi nga 'yon maganda sa katawan. Dapat maghinay-hinay si Ayuri.

"Leeroi?"

Napalingon ako sa likod ko no'ng may tumawag sa 'kin. Agad namang nagtilian 'yong mga babae 'don. Nahihiya ko silang nginitian. Hindi ako sanay sa gan'tong atensyon ng mga tao.

"Kyaaah! Leeroi, pinag-bake kita ng cookies! Kainin mo lahat, ha?!" sabi no'ng babae na nag-abot sa 'kin ng cookies.

"Sa 'yo na 'tong tumbler ko, Leeroi! Walang gayuma 'yan!" sabi naman no'ng katabi n'ya.

May nag-abot din sa 'kin ng nakabalot na regalo. Tapos may nagtanong din kung pwede magpa-picture. May nagsabi rin na kung pwede n'ya ba akong maging tutor. Hindi ko na alam kung sino ang papakinggan ko sa kanila. Gusto kong marinig lahat ng sasabihin nila pero hindi ko naman 'yon maiintindihan kung magsasabay-sabay sila sa pagsasalita.

"Okay, guys!" agaw ni Sindrick sa atensyon ng mga estudyante. "Konting favor lang. Hanngang dito muna kayo, okay?" At sumenyas pa s'ya ng linya na halos isang dipa ang layo sa lamesa namin gamit ang kamay n'ya. "Kakain lang kami. Ayaw n'yo namang magutom kami, 'di ba?"

Nakakagulat na mabilis na nakinig sa kan'ya ang mga estudyante at nagsiatras nga 'to ng kaunti. Malakas talaga ang charms ni Sindrick sa kahit sinong tao.

"Sige, Sindrick! Basta pa-kiss mamaya!"

"Kain ng madami, baby ko! Dito lang kami!"

Malakas ang charms n'ya lalo na sa mga babae.

Sa wakas, nakadating na rin sa lamesa namin si Ayuri. Tumayo pa ako para tulungan s'ya sa pagbubuhat ng tray. Mas ikinagulat ko pa no'ng may dumating pang isang tray tapos dalawa tapos tatlo. Ngayon, naiintindihan ko na kung bakit gusto n'yang pagdikit-dikitin kanina ang apat na lamesang kasya ang anim na tao sa isa.

"Ngayon ka lang ba makakakain ng mga gan'yang pagkain? Poor." -Hannah

"Oh, eh 'di ikaw na ang mayaman." -Zendra

Namamanghang tinignan ni Chloe lahat ng pagkain. "Wow, Yuri, ang damiii. 'Yan ba 'yong secret mo sa long and silky hair mo?"

"I don't like people watching me eat. Mind your own businesses," pagsasalita ni Ayuri. Napa-pout si Chloe. Umiling naman si Sindrick.

"Napakaimposible naman yata ng gusto mo, Ayuri? Sa dami ng nakapalibot sa 'tin ngayon dito sa cafeteria, imposibleng walang makapanood sa 'yong kumain," sabi ni Sindrick pero hindi na s'ya pinansin ni Ayuri dahil kumakain na 'to nang tahimik. I chuckled. May bago kaming natutunan tungkol kay Ayuri ngayon. Malakas s'yang kumain.

"Suppeeer sarap pala talaga ng cheesecake na 'to!" si Chloe habang kinakain 'yong in-order n'yang cheesecake. Nag-alala ako dahil 'yon lang ang in-order n'ya kaya in-order ko rin s'ya ng pasta. Baka magutom s'ya mamaya kung 'yong cheesecake lang ang kakainin n'ya.

FEIGHT (Famous Eight)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon