Chapter 48: "Exchange"

5.4K 545 765
                                    

a/n: Enjoy reading!

*********

"Yuri, this is too much." Dylan said with no hesitation. S'ya lang ang may lakas ng loob na magreklamo sa panahong 'to. Napaismid tuloy ang iba pang Feight members.

Maaga pa lang, sobrang busy na agad nila sa 11th floor. Ilang linggo na silang gan'yan. Hindi natatapos ang meetings, mga papel na kailangang i-review, reports na kailangang i-revise at kung ano-ano pang klase ng pang-torture sa utak.

Si Chloe nga na hindi na masyadong nagkakaroon ng oras na makalaro ang mga bunny n'ya ay magulo ang buhok ngayon habang hinahaplos ang picture ng mga alaga n'ya. Talagang nilagay n'ya pa 'yon sa frame para maidisplay sa sarili n'yang lamesa.

Si Sindrick, humihigop ng kape habang nakatitig sa laptop. Kung makikita mo ang itsura n'ya, sasang-ayon kang mas maitim na ngayon ang eyebags n'ya kaysa sa budhi n'ya.

Hannah and Zendra kept arguing about the proposal they're both doing. Napapansin nilang mas madaling uminit ang ulo nilang dalawa nitong mga nakaraang araw. Siguradong dahil sa pagod.

Si Leeroi naman, hindi na naubusan ng tinatawagang mga tao sa cellphone.

Mabuti pa si Lucas ay nasa labas at naglilibot sa campus. Siguradong natutulog lang 'to ngayon sa kung saan.

Ipinatong ni Ayuri ang kamay n'ya sa kumpol ng mga papel na nilapag n'ya sa lamesa ni Dylan. Halos matakpan na nito ang mukha ng lalaki. Doble ang dami ng mga papel na 'yon kaysa sa mga binigay n'ya sa iba pa nilang kamyembro.

"You like me, right? Then, do this for me," sabi pa ni Ayuri. 'Di alam ni Dylan pero sa pandinig n'ya, parang may kasamang pang-aasar 'yon.

"You know I was lying. I just tried saving them. Forgive me." Blangko ang ekspresyon n'ya habang sinasabi 'yan. Pansin n'yang ilang araw na s'yang pinagtitripan ni Ayuri. Mukhang gumaganti sa mga ginawa n'ya no'ng nakaraan. Kaya ngayon, tingin n'ya kailangan na talaga n'yang humingi ng tawad.

"What a shame? If you're serious, I could have liked you back."

Agad na napahinto sa akmang pagno-note sa papel si Dylan. Nag-hang sa ere ang hawak n'yang ballpen matapos marinig 'yon mula kay Ayuri. Parang hindi 'yon narinig ng iba nilang kaklase pero s'ya, rinig na rinig n'ya. Loud and clear.

Napangiti nang kulang sa sinseridad si Ayuri. "You should learn to recognize when I'm lying too, Dylan. You clearly can't."

Matapos sabihin 'yon ay tinapik s'ya nito sa balikat nang dalawang beses at lumipat kay Leeroi para tulungan 'to sa ginagawa. Napatakip s'ya ng mukha gamit ang dalawang kamay. He will never attempt to lie to Ayuri again.

"Hay. Gusto ko na lang maging saging," sabi ni Sindrick out of nowhere.

Napatingin tuloy sa kan'ya ang mga kaibigan n'ya. Hindi n'ya 'yon napansin kasi nakatutok pa rin ang mga mata n'ya sa screen ng laptop.

"Ayaw mong maging unan, Sin?" inosenteng tanong ni Chloe Zamora na nagkamot pa ng ulo. Hindi mo malaman kung naliligo pa ba s'ya.

"Bakit? Para mayakap mo ako gabi-gabi?" parang hindi interesadong tanong ni Sindrick.

Mabilis na umiling si Chloe. "Hindiii. Sabi kasi ni Yaya Meling, kailangan n'ya daw ng isa pang unan para sa paanan n'ya."

Nawala ang init ng ulo ni Hannah at bigla na lang napatawa na may kasamang matinding pang-aasar. "Pang-paa ka lang pala, Sinner. Mukha ka kasing paa." Sabay tawa ulit. Happy pill n'ya ang panglalait sa Top 6 nila.

Halos mapairap si Sindrick. "At least ako, mukhang paa lang. Ikaw, mukhang hindi magkakalove life at magiging grumpy-old-lady sa hinaharap." Eh sa kasamang palad, happy pill din ng Top 6 na mapasimangot ang Top 8.

FEIGHT (Famous Eight)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon