Chapter 11: "Feight and the Stealer"

10.1K 601 128
                                    

Zendra's POV

"Ano ba? Lumayo, ka nga? Mga 100 meters," irap sa 'kin ni Hannah. Halos mapairap din ako. Kakalabas lang namin ng main building, nakailang pagtataray na agad s'ya. Wala talaga s'yang patawad, 'no? Madalas n'yang sabihan ng 'hopeless case' si Chloe pero s'ya naman talaga 'tong hopeless case.

"Nakakainis naman kasi. Like ew, may kasabay akong baduy. Nakakahiya 'to," sabi pa n'ya.

Do'n na ako napahawi ng buhok ko pataas. Alam kong nangako akong susubukan ko, Roi, pero ibang klaseng umubos ng pasensya 'tong isang 'to. Nakakapanginig-laman.

"E-excuse me."

Sabay kaming napalingon sa gilid nitong si Bratinela dahil sa nagsalita. Napaatras pa kaming dalawa no'ng makita namin si Sadako- este si Misha.

"A-ahm.. Nag-request sa 'kin si Ayuri na kung pwede samahan ko kayo.." mahinang sabi n'ya. Muntik ko na ngang hindi marinig. "At i-ito raw 'yong walkie-talkies para sa communication."

Inabot n'ya sa 'min ang tag-isang walkie-talkie. Ang una kong ginawa ay suriin 'yon. Si Hannah naman, hindi makapaniwalang tinignan ang kaharap namin.

"Another baduy?! With me?! Roam around the campus?! This is nightmaaare!" sigaw n'ya habang nagtatatakbo palayo sa 'ming dalawa ni Misha. Hindi ko na napigilang mapahalukipkip at mapasimangot. Karmahin sana s'ya sa mga pinagsasasabi n'ya.

Nag-aalalang nagsalita si Misha. "A-ayaw n'yo ba?"

Umiling ako. "Hindi sa gano'n. Okay lang sa 'min," sagot ko matapos ibulsa sa blazer ko 'yong binigay n'ya."Don't mind her." Tinapik ko s'ya sa balikat saka ko pinamulsa ang dalawa kong kamay. Nagsimula na akong maglakad at agad naman s'yang sumabay sa 'kin. Mas okay nga 'to. Hindi ko kailangang pagtyagaan si Hannah.

"Wala ka bang klase?" pagsisimula ko ng conversation. Hindi ako magaling pagdating sa pakikipag-kapwa tao. Hanggang basic questions lang ako.

"M-meron pero nagpaalam na ako sa adviser namin na t-tutulungan ko kayo."

Ako 'yong nabubulol sa kan'ya.

"First year ka rin ba? O higher year?" sunod na tanong ko. Sa height n'ya kasi, mukhang bata pa s'ya.

"F-first-"

Hinarap ko s'ya sabay palakpak ng isang beses sa tapat ng mukha n'ya para gulatin s'ya kaya napahinto s'ya sa pagsasalita. Napa-ismid pa nga s'ya dahil sa gulat. "Stop stuttering. Wala kang dapat ika-kaba."

Napalunok s'ya saka tumango. "First year pa lang ako," diretsong sagot n'ya sa 'kin. Napangiti tuloy ako dahil do'n. Fast learner.

"Hey, mga baduy!" tawag sa 'min ni Hannah. Nakapameywang s'ya habang tinitignan kami na parang naiinip. "Can't you both walk any faster?! Lapit dito, bilisan n'yo!"

Hinipan ko ang konting buhok kong napunta sa mukha ko. Kaya kong manapak ng babae lalo na kung katulad ni Hannah.

"Oo na! Tss." Masama ang tinging hinila ko si Misha palapit sa kan'ya. Pagkalapit namin, mayabang ang ngiti n'yang itinuro sa 'min ang malaking structure na nasa harap n'ya.

"Here! This is the place!" Tinignan ko 'yong tinuturo n'ya saka nawalan ng buhay ang mga mata ko. Really?

"Now, are we done here? Yes? Okay! Ciao!" Kumaway s'ya sa 'min at akmang aalis na pero mabilis ko s'yang hinawakan sa likod ng collar para pigilan. Pinagkatitigan ko pa ng matagal ang itinuro n'ya sa 'min.

Gaano kalakas ang tama mo para maisipang mag-party dito?

"What?! Ano ba?! Don't touch me nga!" -Hannah

FEIGHT (Famous Eight)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon