Chapter 28: "Feight vs. Stealers"

11K 732 753
                                    

“Han, bumitaw ka kaya sa ‘kin?! Hindi ako makatakbo ng maayos!” reklamo ni Sindrick. Sa pagrereklamo n’ya, lalo lang kumapit sa uniform n’ya si Hannah na tumitili.

“Hinahabol ba nila tayo?! Kyaaah! Sana hindi nila tayo napansin!” -Hannah

“Sa lakas ng boses mo, malamang, napansin na tayo!” -Zendra

“Acting lang naman lahat, ‘di ba? Hindi naman talaga ako judgmental, tama?” nangangambang tanong ni Leeroi.

Heto na naman ang awang-awang tingin ni Sindrick sa kaibigan n’ya. “Sorry, Roi. Ililibre ka na lang namin ng banana split mamaya, promise.”

Nagsosorry s’ya dahil nakokonsensya s’ya sa ginawa nilang damage sa buong pagkatao ni Leeroi para lang sa pag-acting. Alam nilang magiging ganito kalala ang epekto no’n kay Leeroi pero wala na sialng choice. Kailangan nilang sakyan ang sinasabi ng mga kasama nila para mas magmukhang kapani-paniwala.

“W-wait, acting lang ‘yon?” salubong ang kilay na tanong ni Charlie. Lumilingon ‘to sa likod. Tinitignan kung sinong humahabol sa kanila. Masyadong malawak ang building. Madami-dami pa silang kailangang daanan bago makalabas. Idagdag pang nasa second floor pa lang sila.

“Gurl, gano’n ang tamang pag-acting. If you want, bibigyan ka namin ng free workshop.” -Hannah

“Pero ‘yong badge! Tinapon n’yo ‘yon!” -Charlie

“I’m not that stupid,” sabi ni Dylan. Hinagis n’ya ang badge na sinalo naman ni Ayuri gamit ang dalawang kamay.

Mangha na lang na tinignan ni Charlie ang mga kasama n’ya sa pagtakbo. Paano nagagawa ng mga ‘to na gumawa ng plano kahit hindi nag-uusap? Buong umaga s’yang kasama ng mga ‘to. Wala s’yang nakita o napansing kahina-hinala. Kung gano’n, paano?!

Meron ba sa kanilang marunong ng telepathy? Sa isip na lang sila nag-uusap-usap? O sobrang kilala na talaga nila ang isa’t-isa kaya alam na nila ang tumatakbo sa isip ng mga kasama nila?

"Pero hindi pa rin kapani-paniwalang stealers ang pitong 'yon. Kay Misha lang ako sigurado." -Sindrick

"Nagdududa kang baka nagsisinungaling sila?" -Leeroi

"You know me. I can smell liars. They stink." Sindrick crinckled his nose.

"Sigurado ako sa apat. The other three are suspicious." -Ayuri

"Sinong tatlo?" -Zendra

Si Sindrick ang sumagot. "Yung Koreana, yung bad boy at yung huling babaeng nagsalita na parang nawawalang tropa ni Hannah." Lumingon s'ya kay Ayuri. "Tama?"

Tumango ng isang beses si Ayuri bilang pagsang-ayon. "Yes."

"Why? Anong meron dun sa tatlo para paghinalaan n'yo?" -Hannah

"Kulang sa interes ang mga reaksyon nila. You can easily hear insincerity with their voices. Hindi talaga sila interesadong makakuha ng badge. Nagsalita lang sila dahil alam nilang 'yon ang dapat gawin para isipin nating stealers sila." -Sindrick

"Kung gano'n, bakit hindi na lang nag-proxy lahat ng stealers? Bakit in-expose pa ng iba ang identities nila?" -Hannah

"Maybe, even Misha don't know that she's with some fake stealers." -Ayuri

"That's our advantage to them," sabi ni Leeroi. "We trust each members of our group. Sa grupo ng stealers, halatang hindi nila pinagkakatiwalaan ang isa't-isa."

"Tumpak," segunda ni Sindrick na nakipag-fist bump pa kay Leeroi.

"We need to get out of this building as soon as possible. Baka mas marami pa sila sa sinabi nilang bilang." -Ayuri

FEIGHT (Famous Eight)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon