Chapter 23: "The Bunny Lover"

9.3K 621 249
                                    

The rain is pouring hard outside. May kasama pa nga 'yong malalakas na kulog at kidlat. Bilang tapos na ang term exam ng Feight, wala na silang ibang ginagawa sa classroom nila kundi ang panoorin ang pagbagsak ng malakas na ulan mula sa glass window. Ang ilang myembro ay nakaupo sa mga lamesa na malapit sa bintana. Samantalang si Hannah at Ayuri naman ay nakaupo sa kabilang sulok ng classroom, nakatutok sa notebook na sinusulatan nila.

"Argh. I still don't get it," naiiritang sabi ni Hannah. Kasalukuyan s'yang nagpapaturo kay Ayuri kung paano i-solve ang ilang problem na nasa exam nila kanina. Kahit tapos na ang exam, nag-aaral pa rin sila.

"Let's try again," sabi naman ni Ayuri. Halos 30 minutes na silang natigil sa isang word problem na may kahirapan. Hindi na mabilang ang pagkakataong inulit ni Ayuri ang solution sa problem na 'yon pero kahit gano'n, matyaga n'ya pa ring iniisa-isa ang bawat paliwanag para maintindihan ni Hannah.

Nag-pout at nangalumbaba si Chloe sa harap ng bintana. "Sana tumigil na 'yong ulan. Magha-hide and seek pa kami nila Carroline mamaya." Tinutukoy n'ya ang mga bunny n'ya.

Hindi inalis ni Sindrick ang tingin n'ya sa cellphone n'ya katulad nila Dylan, Lucas at Leeroi. Naglalaro na naman sila ng online game. Kahit hindi nakatingin, nag-reply s'ya kay Chloe ng, "Palabas na 'yong bagyo bukas. Titigil din 'yan."

"Hay. Akala ko, sasaya na ako pag nagtag-ulan na. Hindi rin pala. This weather is depressing me," sabi ni Zendra. Dinikit n'ya ang noo n'ya sa glass window. Medyo nakakalungkot ngang panoorin at pakinggan ang ulan. Parang umiiyak ang langit. Pero may iba rin namang gustong-gusto ang ulan tulad ni Lucas. Mas napapasarap kasi no'n ang tulog n'ya.

"Just be optimistic about it, Zen. At least, hindi ka na parang mamamatay ngayon dahil sa sobrang init." payo ni Leeroi. Sinulyapan n'ya pa nga si Zendra at nginitian.

"Pero sa lakas ng ulan na 'to, siguradong bumabaha na sa kung saan. Lalo lang tuloy akong nade-depress." -Zendra

"Ahm.." -Leeroi

"Don't talk to a pessimist, Roi. Baka ikaw naman 'yong madepress." -Sindrick

"Ha-ha." -Zendra

"Speaking of baha.. Yuriii!" parang batang sigaw ni Chloe habang hawak ang bunny ears n'ya. Umikot s'ya sa inuupuan n'ya paharap kay Ayuri. "Hindi ba babaha doon sa tinitirhan mo?"

Hindi nag-aangat ng tinging sumagot ito ng, "The area has a good drainage system. Everything's fine."

"Look at her checking the drainage system of that place," natatawang sabi ni Sindrick. "You must be really bored, Yuri."

"I just noticed. I'm always walking home." -Ayuri

"Should I walk you home sometimes-" Napatagil bigla sa pagsasalita si Sindrick no'ng namatay ang gamit n'yang avatar sa online game! "Shoot! Ano 'yon?! Anong nangyari?!"

"Sorry, Sin! Hindi na kita na-heal. Naubusan ako ng spell," kumakamot sa ulong sabi ni Leeroi.

"Eh, 'yong swordsman at archer natin? Mga bro, pinanood n'yo lang akong mamatay! 'Yong totoo? May hinanakit kayo sa 'kin?" -Sindrick

"Watching you die gave me pleasure, actually." -Dylan

"Damn you." -Sindrick

"Nakatulog ako saglit." -Lucas

Isang hampas na lang sa noo ang nagawa ni Sindrick. Sino ba talagang tunay na 'cancer' sa grupo nila? S'ya ba o ang dalawang 'to na hindi mo maintindihan ang pag-uugali?

"Oh my ghad. Oh my ghad. My ghaaad! Naintindihan ko na!" tuwang-tuwang sigaw ni Hannah. Halos mapatalon sila Leeroi sa inuupuan nila dahil sa gulat. Nagpapadyak naman si Hannah habang humahagikgik. Sinimulan n'yang ligpitin ang mga gamit n'yang nasa lamesa. "Iih. Thank you, Yuri," she said with a big smile.

FEIGHT (Famous Eight)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon