Chapter 45: "Babysitters (Part 1)"

19.4K 1K 2.7K
                                    

a/n: How many months has it been? I'm so sorry if this is taking so long to be updated. Your author needs to work to live and pay things. Haha. I'll try updating on my day-offs. Oh my, wish me luck.

Anyways, Enjoy reading!

*********

'Knock first, Dylan.'

'Yan ang sulat na nakadikit sa pinto ng classroom ng Feight ngayon. Nakatitig na nakatayo doon si Dylan habang nakasukbit ang backpack n'ya sa kaliwang balikat. Iniisip n'ya kung para saan ang sulat na 'yon na siguradong si Ayuri ang naglagay. Ito kasi ang palaging unang pumapasok sa kanila.

Walang buhay ang mga matang sinunod n'ya ang nakasulat. Binaba n'ya muna sa leeg n'ya ang suot na headphones bago kumatok nang dalawang beses. Ilang minuto ang nagdaan na walang nagbubukas. Kumatok ulit s'ya.

Tok.

Tok.

Tumaas ang dalawang kilay n'ya no'ng may kumatok din pabalik sa kan'ya mula sa kabilang side ng pinto. Saglit na naningkit ang mga mata ni Dylan bago ulit kumatok at tulad kanina, may sumagot na naman sa kabila. Is that Ayuri? Why is she just knocking back?

"Hey, stop playing with the door. Sabi nang 'wag ka d'yan pupwesto," rinig n'yang sabi ni Ayuri sa kung sino mang nasa pinto.

"Tayuwi, nok nok? Tinto nok nok!"

Kunot ng noo ang sunod na ginawa ng Top 2 ng Feight pagkarinig sa maliit na boses. That's a little girl's voice. Who is that?

"Someone's knocking?" How did she understand that?!

Nawala ang kunot ng noo ni Dylan no'ng bumukas ang pinto. Bumungad sa kan'ya si Ayuri na mukhang galing sa Chem Lab na kadugtong ng classroom nila. May suot kasi 'tong lab gown. Sa tabi nito ay isang batang babaeng may hawak na biscuit. Mayroon pa ngang naiwang dumi sa mukha nito mula sa kinakain.

Nakasuot 'to ng brown na short at puting sweater. Napili 'yong ipasuot ni Ayuri dahil malakas ang aircon sa classroom ng Feight. Hindi ito sanay sa gano'ng kalamig na temperatura. Nakasuot rin ang bata ng puting sapatos at light pink na medyas. Tapos ay naka-pigtails ang buhok na aabot sa balikat. Napakalayo ng itsura ni Aiko ngayon kung ikukumpara sa itsura nito kahapon.

"Dylan, good morning," kulang sa sensiridad na bati ng Top 1.

Nakikipagtitigan si Dylan sa batang nakatingala sa kan'ya. "Morning," sagot n'ya.

"Hindi ka ba papasok?"

"I'm in state of shock. Give me a minute," request n'ya sa babae. Tumango naman 'to na parang sinasabing, 'Okay. Naiintindihan kita.'

Hindi n'ya inalis ang tingin n'ya sa maliit na nilalang na inosenteng tintitigan din s'ya pabalik. Wala sa itsura n'ya ang 'shock' na sinasabi n'ya. Nagulat na ba talaga s'ya sa lagay na 'yan? Wala namang nagbago sa expression n'ya.

Matapos ang saktong isang minuto, huminga s'ya ng malalim sabay buga. Pinamulsa ni Ayuri ang dalawa nitong kamay sa bulsa ng lab gown habang pinapanood s'ya. Kumagat naman sa hawak na biscuit si Aiko na nakatitig pa rin sa kan'ya.

"Why did you put this letter?" pagsasawalang-bahala na n'ya sa bata. Ni hindi na s'ya nag-abalang magtanong kung sino 'to o kung kaano-ano 'to ni Yuri. He knows, that's not his business anymore.

Tinanggal n'ya ang pagkakadikit ng sign sa pinto saka naglakad papasok ng classroom. Sumunod naman sa kan'ya ang dalawa.

"Alam kong ikaw 'yong sunod na dadating. Hindi ko pwedeng iwang bukas 'yong pinto. Lalabas si Aiko. Hindi ko rin pwedeng basta isara 'yan ng walang sign. Baka bigla mong buksan at tamaan s'ya. I can imagine you storming in, hitting her with the door and you will not even notice it since lagi kang may suot na headphones papasok-"

FEIGHT (Famous Eight)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon