"This is not good. This is not good," 'yan ang panay na lumalabas sa bibig ni Hannah habang walang tigil sa paglalakad pabalik-balik. Salamat sa binigay na plushy ni Chloe na may hidden listening bug, naririnig nilang lahat ang usapan sa nagaganap na meeting.
"Mawawala sa 'tin si Yuri," parang tulalang usal naman ni Chloe. Wala sa loob na napahawak s'ya sa bunny ears n'ya. Pakiramdam n'ya ngayon, mawawalan s'ya ng isang kuneho. The best bunny.
"We can't allow this." Umiling ng sunod-sunod si Hannah sabay biglang kinwelyuhan si Sindrick na nananahimik. "We can't allow this to happen!" sigaw n'ya.
"Bakit parang sa 'kin ka galit?!" balik na sigaw ni Sin. Pinilit n'ya pang kumawala sa pagkakahawak ni Hannah pero matibay ang babae. Talagang halatang may kasamang gigil ang paraan ng paghawak nito.
"Kapag nawala si Ayuri, siguradong magiging magulo. Kung sino mang ipapalit sa kan'ya, hindi ko mapapangakong magugustuhan ko s'ya," nakapangalumbabang komento ni Zendra. Nakaupo s'ya sa tabi ni Lucas na nakasandal sa balikat n'ya. Kanina pa 'to tulog, naghihilik pa nga. Masyado 'tong puyat kakalaro ng online game na kinalolokohan nito ngayon.
Si Leeroi naman ang sunod na nagsalita. "Nag-aalala rin ako kay Ayuri. Paano kapag nasa regular class na s'ya? Madaming estudyanteng galit sa kan'ya ngayon."
"That's what I want to say," si Sindrick. Diniinan n'ya ang pagkakakurot sa dalawang pisngi ni Hannah para bitawan na s'ya nito. "Para na s'yang itinapon nila Sir Estebar sa bunganga ng leon kapag nilipat s'ya do'n!"
"Ooouch!"
"Sinny, stop Yuri!" sigaw ni Chloe sabay yakap sa bewang ni Sindrick mula sa likod.
"Yeah, stop her!" segunda ni Hannah. "Volunteer on her behalf!"
"Ikaw nakaisip, 'di ba? Ikaw gumawa!" balik ni Sin. Lumapit na sa kanila si Leeroi para umawat.
"I don't want her to gooo!" patuloy sa pagmamaktol ni Chloe. Nagpapadyak pa s'ya sa kinatatayuan habang yakap pa rin si Sin.
"Ayan na naman kayo eh! Sa 'kin na naman kayo nakadikit! Bigyan n'yo naman ako ng personal space!"
"Han, bitawan mo na si Sin. Papakawalan ka n'ya pag binitawan mo na 'yong kwelyo n'ya."
"S'ya dapat unang bumitaw, Roi! Hindi dapat s'ya lumalaban sa babae!"
"The girls pride! S'ya na naunang nanakit, s'ya pa nagdedemand! At bawal ba kaming mag-self-defense dahil lalaki kami?!"
"Let's help Ayuriii!"
"Han, please. Bitawan mo na s'ya,"
"Mas kinakampihan mo s'ya, Roi kaysa sa 'kin?!"
"W-wala akong kinakampihan."
"Syempre, sa 'kin kakampi si Roi! Best friends kami!"
"Best friend mo rin ba ako, Sinny?" sinilip pa ni Chloe ang mukha ng lalaking yakap n'ya sa likod.
"Oh, please, Zamora. Hindi ko pa nakakalimutan kung paano mo ako bully-hin."
"Waaah! I'm sorry!"
"I thought you're on my side, Roi!"
"I-I am, Han. I'm on both sides-"
"Hindi pwede!" sabay na sigaw ni Hannah at Sindrick. Dito sila natigil sa pag-aaway. Pareho nilang binitawan ang isa't-isa saka hinarap si Leeroi na biglang napalunok sa kaba.
Seryoso ang itsura ni Hannah at Sindrick habang nakatitig sa nakakaawa nilang Top 3. "Choose one."
"What?" Ilang beses napakurap si Leeroi. Hindi agad nag-sink in sa kan'ya ang gusto ng dalawang kaharap. Choose one? Bakit? Para saan?!

YOU ARE READING
FEIGHT (Famous Eight)
Teen FictionEight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives. They were fine doing their jobs as the perfect sons and daughters. Yet, the fate gave them somethi...