Chapter 4: "Game Plan"

12.8K 765 383
                                    

Zendra's POV

"What in hell happened?" bungad na tanong ko sa kanila habang tinitignan sila isa-isa, mula ulo hanggang paa. Hindi ko alam kung matatawa ako o matatakot sa mga itsura nila ngayon.

Kakababa ko lang ng kotseng naghatid sa 'kin no'ng biglang akong hinila ni Leeroi patago sa eskinitang nasa gilid lang ng school. Lahat sila, nandito. Mukhang mga nagahasa.

Magulo ang mga buhok nila at suot na uniform. Si Dylan nga, pilit inaayos 'yong headphone n'yang mukhang natapakan. Si Ayuri, nakatulalang nakaupo sa isang tabi. Hawak n'yang mabuti 'yong bag n'yang wala na atang laman.

"Zen, 'wag kang pupunta kahit saan na malapit sa school. Delikado!" nag-aalalang sabi ni Leeroi habang hawak n'ya pa ako sa magkabilang braso.

"We can't go in school anymore, Zenny!" iyak pa ni Chloe bago yumakap sa bewang ko. Takang-taka na talaga ako sa nangyayari. Ano bang problema sa Royalonda at parang ayaw nilang pumasok?

"Those bitches! They ruined my hair!" pagmamaktol ni Hannah.

Tinignan ko ulit sila isa-isa. Nakaharap sa pader si Lucas habang nakadikit 'yong noo n'ya doon. Para rin s'yang nawala sa sarili tulad ni Ayuri. Si Leeroi, nagpalakad-lakad sa harap ko. Si Sindrick, tumatawag ng pulis sa cellphone n'ya. Nagmamaktol pa rin si Hannah tungkol sa kuko at buhok n'ya. Pinangpunas naman ni Chloe ang uniform ko sa mukha n'yang nabasa ng luha.

Sumeryoso ang itsura ko.

"Sinong nang-away sa inyo? Isang grupo ba 'yan? Ituro n'yo sa 'kin. Tuturuan ko ng leksyon."

"T-tuturuan? Hindi mo sila kaya, Zen! Masyado silang madami!" si Leeroi.

"Black belter ako sa taekwondo at nag-aral din ako ng judo sa nakaraan kong school. Ilan ba sila? Lima? Anim? Sampu? Kahit sampu pa sila, kaya ko 'yon."

"Hindi mo naiintindihan, Zen-" nangangambang sabi ni Leeroi na naputol dahil biglang sumigaw si Sindrick ng..

"Nandyan na sila! Takbooo!"

Nagulat ako no'ng bigla silang nagtakbuhan papunta sa kabilang dulo ng eskinita. Nanguna pa nga si Lucas. Hindi ko alam na mabilis palang tumakbo ang antukin na 'yon!

"Teka!" sigaw ko habang hila ako ni Leeroi at Chloe. Sino bang tinatakbuhan namin?!

"Takbo lang, Zen! 'Wag kang hihinto!"

Parang hangin kaming nilagpasan ni Ayuri na seryoso pa rin ang mukha at ni Dylan na manlalaki na lang ang mata mo sa mga binubulong n'yang english bad words. Sinong mag-aakalang mahilig s'yang magmura?! Tsaka bakit ang bibilis magsitakbo ng mga tatahi-tahimik sa 'min ngayon?!

"Waaah! Alam kong gwapo ako pero 'wag po!" sigaw pa ni Sindrick kaya napalingon kami sa kan'ya. Nakita namin kung paano s'ya hinila ng mga nagkakagulong estudyante.

"Sindrick, payakap!"

"Kyaaah! Nahawakan ko s'ya!"

"Oh my ghad! Ang bango-bango n'ya!"

What the actual fu- Sinaniban ba 'yang mga 'yan?! Para silang mga zombie! No'ng sinabi ni Leeroi na masyado silang marami, wala namang nagsabi sa 'king buong Royalonda pala ang tinutukoy n'ya!

Walang pagdadalawang-isip kong kinuha kay Chloe ang backpack n'ya sabay hila sa kan'ya patakbo. Alam kong hindi magaling sa takbuhan si Chloe. Pag nakuyog s'ya, kargo de konsensya ko!

"Bilisan mo, Chloe!" natatarantang sabi ko. Nahuhuli kaming tatlo, kasama si Leeroi. Si Ayuri, Lucas at Dylan, biglang lumabas ang pagiging athletic. Papasa na silang varsity ng track and field sa ginagawa nilang 'yan.

FEIGHT (Famous Eight)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon