Chapter 5: Some Fun

12K 760 205
                                    

"Gosh. It's been months. When was the last time we saw Feight members?"

"'Di ko na nga masyadong maalala. Gusto ko pa namang makita si papa Dylan."

"Huy. Second year ka na. Mas bata sa 'yo 'yon."

"Wapakels. E, sa ang gwapo n'ya."

"Pero kung iisipin, ang layo nila sa nakaraang Feight."

"Ay, oo. 'Yong naabutan nating Feight no'ng freshmen tayo, makikita mo kahit saan. May sarili pa nga silang pwesto sa cafeteria. Ang gwapo rin ni Tres no'n. Sayang lang kasi gumraduate na sila."

"'Di ko tuloy feel ang Feight ngayon."

"Yeah. Wala akong motivation para mag-aral."
Halos lahat ng estudyante ng Royalonda, 'yan ang laman ng usapan ngayon. Kesyo boring ang generation ng Feight na 'to dahil hindi nila ramdam. Na parang pinagtataguan sila. Ang mga Feight noon ay madaling lapitan. Madaling hagilapin at approachable. Samantalang ngayon, swertihan na lang pag nakita mo ang isang myembro nila.

"Akala ko pa naman gagraduate ako sa Royalonda na maraming baon na kwento tungkol sa Feight."

Pagpapatuloy ng isang grupo ng mga babae sa usapan nila.

"Malay mo naman busy lang sila kaya mahirap makita?"

"Duh. Saan naman sila magiging busy? Wala pa namang events sa school."

"Sa bagay."

Madami nang klase ng usapan ang nagpasa-pasa sa buong campus. May kumalat pa ngang binuwag na ang Feight at palihim na naghahanap ngayon ang president ng mga bagong miyembro.

Pero ano nga bang ginagawa ng Feight ngayon?

"What the fu-"

Mabilis na natakpan ni Leeroi ang bibig ni Dylan bago pa nito matapos ang sinasabi. Galing silang dalawa sa 10th floor kung nasaan ang office ng teachers nila. Pinatawag silang dalawa dahil sila ang naka-assign para mangokolekta ng daily assignments.

"Do you really need to cuss, Dyl?" pabulong na tanong ni Leeroi. Hindi sumagot si Dylan dahil una, tinatakpan pa rin ni Leeroi ang bibig n'ya. Pangalawa, nawalan na s'ya ng ganang magsalita dahil sa nakikita n'ya ngayon.

Ang classroom nila.. punong-puno ng bunnies. Buhay na bunnies.

"Kyaaah!" tili ni Chloe no'ng biglang tumakbo ang isang hawak n'yang koneho palabas ng pinto. "Carrol! Come back!"

Agad na sinalubong ni Leeroi ang koneho saka hinuli. "B-bakit ang daming koneho?"

"Whoo! Muntik na 'yon!" sabi ni Chloe habang tumatakbo palapit sa kanila.

Sinara ni Dylan ang pinto pagkapasok nila ni Leeroi. As usual, nawalan na s'ya ng pakielam sa paligid n'ya at boring na naglakad papuntang front desk at nilapag ang mga nacheck-an nang assignment nila do'n. Pagkatapos ay dumiretso s'ya sa upuan n'yang katabi ng kay Ayuri.
"Sorry. Kailangan ko kasing dalhin ang ten bunnies ko sa vet after school for vaccinations," si Chloe ulit habang naka-pout.

"What?! May rabies pa 'tong mga 'to?!" naghi-hysterical na sigaw ni Hannah habang nakatungtong sa lamesa n'ya. Nakawala ang sampung bunnies sa kulungan kaya nagkalat sila ngayon sa buong classroom.

"Don't worry. Rabbits don't have rabies, Hannah." -Leeroi

Ang dalawang bunnies ay hawak ni Ayuri habang tahimik s'yang nakaupo sa upuan. Pinahawak sa kan'ya 'yon ni Chloe no'ng hinuhuli nito ang iba pa. Malikot ang mga hawak na koneho ni Ayuri pero nanatiling blangko ang itsura n'ya.

Boring s'yang pinanood ni Dylan bago nagtanong ng, "You need help with those?"

Monotone ang boses na sumagot si Ayuri. "Yes, please."

FEIGHT (Famous Eight)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon