Chapter 3: "Official Members"

14.5K 786 312
                                    

Monday. Pangalawang linggo na ng klase. Wala nang enrollees. Wala na ring transferees. Ang mga teacher na hindi nagkaklase no'ng nakaraang linggo ay magkaklase na ngayon.

At dahil regular class na, magtitipon ang lahat sa malaking auditorium para sa announcement at opisyal na pagbubukas ng school year na 'to.

9:00 na ng umaga. Madami nang estudyante sa auditorium. Rinig na rinig ang mahihinang ugong ng mga salita nila dahil kulob ang auditorium. Prente lang na nakaupo si Sindrick sa harapan na halos tatlong metro ang layo sa stage. Ang walong upuan sa harapan ay naka-reserve. Tingin ko, alam n'yo na kung para kanino ang mga upuan na 'yon.

Nakaupo sa kaliwa ni Sindrick si Lucas na natutulog na naman. Sa kanan naman n'ya si Leeroi. Sa gilid ni Lucas ay si Hannah na mataray na naman ang itsura. Walang katabi si Hannah. May dalawang bakanteng upuan pagkatapos ay si Zendra na. Katabi ulit nito si Chloe. Wala pa si Dylan at Ayuri.

Huminto ang ugong ng mga boses at tumahimik. Hindi naman 'yon napansin ni Sindrick dahil ka-text n'ya ang auntie n'yang nagpapabili ng bagong blender sa mall.

Dumaan si Dylan sa harap nila papunta sa bakanteng upuan sa tabi ni Hannah. Nagkaroon ulit ng bulungan.

"Si Dylan Summers 'yon, 'di ba?"

"Upuan ba ng gods and goddesses 'yong harapan? Dapat pala, malapit do'n tayo umupo."

"May mga naririnig akong rumors na nakapili na raw ng Feight members."

"Omg, totoo?"

"Oo. At sabi pa, 'yong front row ng mga upuan ay naka-reserve para sa mga Feight members."

"Hala! Ibig sabihin..."

"Oh my gosh..."

Lumingon si Leeroi sa likod.

"Pinag-uusapan ba nila tayo?" inosenteng tanong pa nito. Medyo natawa si Sindrick.

"Kung tanggap mo sa sarili mong Feight member ka, oo," sagot n'ya nang hindi inaalis ang tingin sa cellphone. Matindi kasing tamaan ng topak ang auntie n'ya. Kapag nagalit ito, siguradong mapipingot na naman s'ya sa tenga.

"Bakit kailangan pa nila tayong pag-usapan? I mean, they can just ask us to know the things they want to know, right?"

Sa pagkakataong 'to, napatingin na s'ya kay Leeroi.

"Roi, are you freaking serious? Boring ang buhay ng mga babae kung wala silang pagtsitsismisan," sagot n'ya.

Inosente ulit na tumingin sa kan'ya si Leeroi. Mahina talaga ang lalaki sa babae. Kaya ang nasa isip ni Sindrick, ituturo n'ya kay Leeroi ang lahat ng alam n'ya tungkol sa babae. At least daw, may naiambag s'ya sa mundo. Hindi nga lang n'ya alam kung maganda 'yon. Gusto n'yang bahiran ng kasalanan ang anghel na si Leeroi. Bagay talaga sa kan'ya ang nickname n'ya.

"Sht. Walo nga 'yong naka-reserve na upuan."

"Ghad. Si Dylan. Wala pang nakaupo sa tabi ni Dylan ko. Isa na lang ang kulang sa kanila."

"Sino kaya 'yon, 'no? Gwapo rin kaya? Maganda? Mayaman? Huhu. Sana ako na lang 'yon."

"Grabe, kinikilig ako. Sobrang gwapo ni Leeroi."

"Leeroi De Villa? He's famous. Lagi s'yang pinag-uusapan ng mga classmates ko."

"Nooo. Mas pinag-uusapan kaya 'yong pagpasok dito ni Dylan Summers."

"But look at that guy. 'Yong natutulog. 'Di ba, ang cute n'ya rin?"

"Sindrick Harold is the true heartthrob. Sorry, girls."

FEIGHT (Famous Eight)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon