Chapter 53: "Top 1 vs. Stealer #1 (Part 2)"

13.7K 605 1.2K
                                    

a/n: I'm doing my best to update whenever I have time. Hindi ko alam kung ilang beses ko na 'tong sinabi kaya alam kong sawa na kayo sa linya kong 'yan. Haha. Salamat sa mga hindi nagsasawang maghintay kahit matagal akong mag-update. I appreciate you all.

Enjoy reading.

**********

Do you think love has the power to save humanity?

Or do you think love is an illusion that can destroy one's ability to think rationally?

Harper Yuwen desires to believe the initial sentence. Ayuri Alvarez thinks the second sentence is more plausible.

Dito pa lang, masasabi mo na kung anong pinagkaiba nilang dalawa.

"Grabe naman 'tong comments about Yuri! Akala mo mga hindi nabilib sa kan'ya," pagsimangot ni Daisy habang binabasa ang laman ng online forum. Avid fan s'ya ni Ayuri kaya hindi n'ya matanggap ang ibang mga nababasa n'ya.

"What's happening?" nagtatakang tanong ni Errol kay Harper. Pangalawang araw na 'tong anim lang silang pumasok sa section nila. Karaniwang walang interes sa paligid n'ya si Errol kaya madalas, hindi s'ya updated. Pero alam n'ya ang nangyari sa main gate no'ng isang araw.

Tinignan n'ya si Harper na tahimik lang sa tabi n'ya. Nakakapanibago rin ang mga kinikilos nito. Na parang may iniisip 'tong malalim.

"Harp." He poked Harper's mole in left eye. Ilang segundo pa bago 'to napalingon sa kan'ya. "Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong n'ya.

"Ha? Ah, oo," sagot nito na may kasama pang mahinang tango.

"Is something bothering you? Ni hindi mo binraid 'yong buhok mo ngayon. At kanina ka pa tinitignan ni Misha." Sinulyapan n'ya ang nabanggit n'yang kaklase. Tahimik lang din 'to. Malayong-malayo sa kilala nilang Misha na dapat ay nagyayabang na ngayon.

"Uy, Harper, baka may ginawa na naman 'yang si Misha sa idol ko, ha? Naalala ko pa rin 'yong sapilitan n'yang kinuha sa 'kin 'yong pictures ni Ayuri na pinaghirapan ko!" Umaktong maiiyak si Daisy kaya tinapik-tapik agad ito sa balikat ng isa pa nilang kaklaseng si Nadia.

"Why do you like Ayuri, Daisy?" tanong ni Harper.

Tumaas agad ang dalawang kilay ni Daisy na parang nagtataka. Iniisip nitong bakit pa nagtatanong si Harper eh obvious naman 'yong dahilan. "Because she's a beauty and brain, of course! Tsaka ang cool din n'ya."

"Hm." Isang tango ang ginawa ng Stealer #1. "Nakausap ko s'ya no'ng nakaraan. May naging topic kami na medyo sensitive. She said, we should leave suicidal people alone. If they want to die, let them do it."

Todo kunot ang noong nilingon ni Errol ang katabi. Hindi naman s'ya tinignan nito pabalik. Nakatingin lang 'to kay Daisy na nagulat.

"No way. She said that?" Hindi makapaniwalang sabi ni Daisy. "Hala, bakit naman sasabihin 'yon ni Ayuri? She's a good person. Ilang beses ko nang nakita 'yong kindness n'ya."

"Did I ever lie?" Napangiti pa ng bahagya si Harper pero malungkot naman ang mga mata. "Sa opinyon mo, tama lang ba 'yong sinabi n'ya?"

"H-ha?" Nag-isip si Daisy at ang iba pang mga estudyanteng nakarinig sa usapan. Nanatiling tahimik si Misha sa inuupuang pwesto malapit sa pinto. "Para sa 'kin, hindi s'ya magandang pakinggan. Kung totoo ngang sinabi 'yan ni Ayuri, medyo nakaka-disappoint. Ahh... I mean everyone is just waiting to be saved. And if I have the capabilities and the opportunity to help someone, I'll gladly do it even if I don't know them. Masarap sa feeling makatulong at maisip mong may nailigtas kang buhay."

Nagsimula na ring kumunot ang noo ni Daisy. Matagal na n'yang idol si Yuri, simula pa lang ng pinakilala 'to bilang myembro ng Famous Eight. Maganda 'to at sobra ang talino pero aanhin mo ang gano'ng mga katangian kung wala naman pala 'tong malasakit sa buhay ng ibang tao? Mukhang wala sa nature nito ang pagtulong.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 03, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

FEIGHT (Famous Eight)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon