Chapter 52: "Top 1 vs. Stealer #1 (Part 1)"

4.6K 383 461
                                    

a/n: Warning! This update includes sensitive contents that some people may find offensive or disturbing.

I feel like I need to give a warning. Enjoy reading, thou!

*********

'Yan ang nakadisplay sa 34 inches gaming monitor ni Lucas Madrid. Mataman n'ya lang 'yong tinitigan habang nakapangalumbaba gamit ang kaliwang kamay. This was his fifth lose as of 2:20 AM. Hindi pa s'ya nanalo sa kalaro n'ya ngayong gabi ni isang beses.

Madilim sa malaking kwarto ni Lucas. Gawa sa malalaking salamin ang dingding nito kaya kapag hinawi mo ang mga kurtina ay bubungad sayo ang makikinang na ilaw ng syudad kapag gabi. Dito pa lang, malalaman mo nang nasa mataas na lugar ang tinitirhan ni Lucas.

Ang king size n'yang kama ay nakalagay sa gitna ng kwarto. Tanging ang ilaw lang galing sa tatlong monitor ang nagbibigay ng liwanag sa kan'ya.

Sumandal s'ya sa upuan at saglit na tumingala sa kisame. May pasok s'ya sa school ng 7AM pero hindi pa rin s'ya natutulog.

Ilang araw na no'ng sinimulan n'yang laruin ang isang role playing game. He's a beta tester. Hindi pa narerelease ang game sa kahit saan. Isa s'ya sa mga inalok na subukan 'to nang dalawang buwan. Even though he had never enjoyed or played an RPG, he agreed to participate as a beta tester since he was intrigued in the game's creator.

The creator... is someone he might know. There are clues he sees. He wants to confirm it.

Bumalik ang tingin n'ya sa monitor nang tumunog ang message notification.

Pandora: Come on. Play with me seriously.

Nag-type si Lucas.

Casie: I was serious. You're just too good. Like you own this game.

That's a lie. Hindi n'ya sineseryoso ang mga laro nila. May dahilan s'ya kung bakit hindi n'ya gustong ientertain ang kalaro n'yang ni hindi n'ya alam ang pangalan at itsura. Pareho silang beta tester. Ilang araw na s'ya nitong kinukulit na magkaroon sila ng friendly duel.

Hindi n'ya 'to masisisi. Siguro ay gusto lang nitong subukan ang galing ng player na may pinakamabilis na progress sa nilalaro nila. Tatlong araw pa lang kasi simula ng naging beta tester sila ay level 52 na agad si Lucas. He's the strongest and has the highest level so far.

Pandora: Hahaha. Silly. If I'm the owner of this game, I would've unlocked Chloe's character. She looks fun to play.

Yeah. This is why Lucas Madrid accepted the offer as a beta tester. This game's every character's appearance and names are all similar with the members of Famous Eight, including him.

Si Lucas ay isang anonymous gamer. He never revealed his identity to anyone ever since he started playing games. Username n'ya lang sumikat sa mga gamer. Casie. That's his trademark username. Kahit saang game s'ya mapunta, kilala s'ya ng mga pro gamers.

He chose that username mainly to raise doubts about whether he is a guy or a girl. Pangalawa, ang Casie ay parang girl version ng pangalan n'ya na tunog inosente. Para sa kan'ya, the name Casie exudes innocence and demureness, despite the fact that its actual meaning is quite the opposite. He just like playing innocent.

Bagong buong kompanya ang may-ari ng nilalaro n'ya ngayon. Sigurado s'yang hindi lang coincidence ang pag-iinvite kay Casie na maging beta tester. Kilala s'ya ng creator bilang Lucas at Casie. At paano nakakuha 'to ng impormasyon tungkol sa Feight? Nag-aaral kaya 'to sa Royalonda? Mga taga-Royalonda lang ang nakakaalam sa existence ng Feight.

Ang ginagamit na character ngayon ni Lucas ay si Zendra. She is a knight, and her weapon is a thin sword. Base on characters abilities, si Zendra ang may pinakamataas na damage at agility. Bukod do'n, sa lahat ng characters na pwedeng ma-unlock, si Dylan ang wala. Hindi s'ya isa sa mga character na pwedeng gamitin. Maybe, he's not part of the game?

FEIGHT (Famous Eight)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon