Chapter 25: "Spy"

8.9K 624 406
                                    

Hinawakan ni Hannah sa magkabilang balikat si Ayuri. Kitang-kita mo sa kan’ya na maiiyak na s’ya sa kaba. Kinakain na s’ya ng pagpapanic! “What should we do?! Kinuha ba talaga s’ya ng multo?! I can’t hear her screaming! Is she dead?! Kailangan nating tumawag ng teacher! Or a priest!”

“Han, stop! Hindi kami makapag-isip ng maayos!” pag-awat ni Zendra rito. Nagpalakad-lakad s’ya ng pabalik-pabalik sa pwesto n’ya habang nakapameywang gamit ang dalawang kamay.

“Anong sasabihin natin sa pamilya n’ya? Lagot tayo!” -Sindrick

“Chloe is fine. ‘Wag kayong mag-isip ng kung ano-ano,” sabi ni Leeroi na hindi rin mapakali sa pwesto n’ya. “Should we call the police?”

“I can go inside again and-” -Dylan

“No!” sabay-sabay na sigaw nila kaya napatigil sa pagsasalita si Dylan.

“Hindi pwede. Pag pumasok ulit tayo, may mawawala ulit!” -Sindrick

“You actually believe that bullsh*t?” boring na tanong ni Dyl. Binaba n’ya ang suot n’yang hood at tiningala ang building na dumoble yata ang nire-release na nakakatakot na aura. Tuluyan nang nawalan ng interes ang mga mata n’ya. “I’m going in-”

Isang hakbang pa lang papunta sa gusali ang nagagawa ni Dylan pero hinila na agad s’ya ng mga kasama n’ya pabalik. Kan’ya-kan’ya pa nga ‘to ng hinihilang parte ng damit n’ya. Si Leeroi sa kaliwang sleeve ng jacket, si Zendra at Hannah sa likod, si Sindrick sa hood at si Ayuri sa kanang sleeve.

Nakatingin sa entrance ng building si Ayuri habang hila ang sleeve ni Dylan gamit ang isang kamay. Hinihila n’ya ‘yon dahil may nakikita s’yang taong palabas.

“Waaah!” Tumatakbong lumabas ng building si Chloe. Nakataas ang dalawang kamay n’ya sa ere na sinabayan n’ya pa ng sunod-sunod na pagtawag sa mommy n’ya. “I saw monters! Aahhh!”

Nakanganga at puno ng pagtatakang nagkatinginan ang mga myembro ng Feight. No one said anything. Gulat na gulat silang makita ito. Nagugulat ba silang nakalabas ‘to ng buhay mag-isa? Maybe.

Hinayaan muna nilang magpaikot-ikot sa kanila ang sumisigaw na si Chloe ng halos dalawang minuto bago nagsalita si Ayuri. “What happened to you?”

“You left me behind!” Dito na napalitan ang sigaw ni Chloe ng iyak. “Super nakakatakot do’n tapos iniwan n’yo ako! Huhuhu! Mean bunnies! Waaah!”

Dito na sila medyo natauhan. Napahimas sa batok si Sindrick. Halos magdikit naman ang mga kilay ni Leeroi sa pag-aalala. This is a miracle! Wala pa silang nababasang chismis sa online forum na may nakalabas sa building na ‘yan mag-isa. Isa nang buhay na bayani si Chloe ngayon.

“Woah. Ang tapang mo,” sabi ni Zendra. Napapailing pa nga s’ya dahil sa pagkamangha.

Tumaas ang isang kilay ni Hannah habang naka-cross arms na tinitignan si Chloe mula ulo hanggang paa. Ang mataray na mukha n’ya ay unti-unting napalitan ng pagkamangha na katulad ng kay Zendra. Sabay sabi ng, “Gosh..”

“Baka naman sinapian ka sa loob, ha? Ayaw namin ng kasamang may masamang espiritu sa katawan,” si Sindrick. May kasamang pagdududang sinusuri n’ya si Chloe. Siguro ay nakalabas nga ‘to ng ligtas pero may kapalit namang kamalasan.

Umiling-iling ulit si Zendra para gisingin ang sarili n’ya mula sa pagka-amaze. “A-anyways, it’s a good thing, you’re here now! Hindi na naming kailangang bumalik sa loob. Phew.”

Nakatingin sa ibang direksyong bumulong si Dylan ng, “Cowards.” Alam n’yang sinamaan s’ya ng tingin ng mga kasama n’ya pero hindi n’ya ‘yon pinansin. Wala s’yang pakielam kung bigla s’yang kuyugin ng mga kaibigan n’yang tinamaan sa sinabi n’ya.

FEIGHT (Famous Eight)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon