Chapter 20: "Morning Headaches"

9.3K 642 277
                                    

Nakaupo sa loob ng office ng isang doktor si Ayuri Alvarez. Thursday na kaya suot n'ya ang uniform ng Royalonda High. Hindi pa s'ya fully recovered. Ang totoo, mukhang masama pa rin ang lagay n'ya pero mas pipiliin na lang n'yang pumasok kaysa manatili sa apartment n'yang hindi nauubusan ng ingay sa paligid.

Kasalukuyan n'yang hinihintay bumalik ang doktor na may-ari ng office. Habang naghihintay, hindi n'ya mapigilang sulyapan 'yong batang nakaupo sa tabi n'ya. It's a one-year-and-eleven-months-old girl, doing it's best to annoy her.

"Aaamingpap. Blis. Blis. Aaaaamingpap," sabi ng bata sabay hila ng mahina sa blazer n'ya.

Yumuko si Ayuri para maipatong ang noo sa kamay n'yang nakatukod sa kan'yang hita.

"Dooon. Aaaunta mammmy."

Napapikit s'ya dahil sumakit yata lahat ng brain cells n'ya sa kakakulit sa kan'ya ng cute na bata. And it keeps pulling her uniform to get her attention.

"Aaalis. Blis," sabi pa ng bata.

Dito na nagsalita si Ayuri. "Kid, I'm not in the mood today to decipher your language. Give me some silence."

"Amingpaaaap. Pis."

"Argh." Bumibilis ang tibok ng puso ni Ayuri. Nakikisabay pa do'n ang matinding kirot sa ulo. Halos sabunutan na n'ya ang sarili n'ya dahil sa sobrang pagkairita. This is not the usual her. Lagi s'yang kalmado at mahaba ang pasensya n'ya pero hindi sa pagkakataong 'to. Naiirita s'ya kahit sa mga konting bagay lang lalo na sa maingay na paligid. She can't think properly. Sumasakit kasi ang ulo n'ya at may lagnat pa.

Minsan, mahirap maging matalino ng sobra. Tulad ngayon, sa dami ng laman ng utak n'ya, parang naghahalo-halo na lahat ng impormasyon. Hindi n'ya makontrol ang sarili n'ya pati na rin ang emosyon n'ya. Nakakabaliw 'yon. Idagdag mo pang walang humpay ang paligid n'ya sa pagbibigay ng stress.

"Oh. What's going on here? Kinukulit mo na naman s'ya, Aiko?" bungad sa kanila ni Dra. Olivia Miller, a living deity. Unang tingin mo pa lang sa kan'ya, alam mo nang may halong ibang lahi ang dugo n'ya. Her brown eyes have this magical green flecks. And her wavy copper hair looks so soft and pretty. Hindi mo maiisip na doktor s'ya kung hindi s'ya naka-lab gown. Mas mukha s'yang International actress.

"Aaamingpaaap," pangungulit na naman ng batang si Aiko. Sinubukang huminga ni Ayuri ng malalim para maging mahinahon ulit s'ya kaso walang naging epekto 'yon. Napahilamos na lang s'ya ng isang kamay sa mukha.

Tumawa si Olivia. "Lollipop daw kasi. Tsk. Tsk." Kinapa n'ya ang bulsa ng lab gown n'ya para kumuha ng lollipop tapos ay nakangiti n'yang binigay 'yon kay Aiko. "Ayan. Behave ka na, okay?" Pinat n'ya pa sa ulo ang bata bago s'ya naupo sa swivel chair n'ya. Pinanood n'ya saglit si Ayuri na pilit hinihilot ang noo nito.

"You okay?" tanong n'ya.

"Just give me something to calm myself," sagot nito sa kan'ya. Ni hindi 'to nag-abalang tignan s'ya habang nagsasalita. Nakikita n'ya kung paano 'to nahihirapan ngayong kontrolin ang sarili. Para 'tong nagsa-suffer sa panic attack. Sa mga ganitong pagkakataon nawawalan ng kakayahan si Ayuri na mag-isip ng tama at malalim.

Olivia crossed her arms. Nagsimula s'yang manermon. "I told you, hindi mawawala 'yang sakit mo kung pasaway ka. Magpahinga ka lang. Drink your medicines on time. Doktor ako, Yuri. Hindi magician. Hindi ko kayang pagalingin ka sa isang kumpas lang. Bakit ba kasi ayaw mo pang magpa-admit dito sa ospital?"

"I don't like people monitoring me," walang kautal-utal na sagot ni Ayuri. Besides, mukhang pagaling naman na s'ya. Wala na s'yang sipon at ubo. At hindi na rin ganoon kataas ang lagnat n'ya. Sadyang sobrang bigat lang ng pakiramdam n'ya ngayon sa 'di malamang dahilan.

FEIGHT (Famous Eight)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon