Chapter 15: "Troubled"

8.5K 614 177
                                    

Sindrick's POV

"Hanggang 5 PM ka na lang ngayon, naiintindihan mo?"

Napahilamos ako ng dalawang kamay sa mukha dahil sa walang humpay na panenermon ni Auntie. Sinabi na kasing 'wag na n'ya akong ihatid papasok. Pareho lang kaming mai-stress.

"Hoy, Sindrick. Ano? Naiintidihan mo ba ako o gusto mong mas paagahin ko pa 'yang curfew mo?"

"Auntieee," nagmamaktol na sabi ko sa kan'ya. "5 PM? E, hindi pa nga ako nakakalabas ng classroom sa oras na 'yon. Pa'no kung may kailangan akong bilhing libro o school supplies? Baka kahit candy, hindi na ako makabili! Tsaka, pinaliwanag ko na sa 'yo, 'di ba? Na-late ako ng uwi kahapon dahil niligpit pa namin 'yong mga natirang kalat sa quadrangle."

Hanggang ngayon, masakit pa rin 'yong buong katawan ko kakalinis ng mga kalat sa acquaintance party. Maaga dapat kaming natapos maglinis kung hindi lang nila pinaglaruan 'yong foam machine at hose. Ayun. Nauwi sa laro at basaan 'yong kalahati ng araw namin.

"Two days. Two days ka nang nale-late sa curfew mo. Tapos ano? Malalaman ko na lang isang araw na nakabuntis ka na?"

"A-ano-"

Ang advance mag-isip!

Umupo ako ng maayos para makapagpaliwanag ulit ako ng maayos sa makailang beses. "Auntie, hindi gano'n kadaling maglinis ng kalat sa party, okay? Lalo na kung walo lang kayong nagma-manage. And what's wrong kung makabuntis ako? Natural lang 'yon kasi lalaki ako."

Isang malakas na hampas sa likod ng ulo ang natanggap ko galing kay Auntie. Syempre, napa-aray ako! Kung hindi ako naka-seatbelt, malamang tumama na ako sa dashboard.

Napakasadista talaga nito! Nagbibiro lang naman ako!

"Sindrick Harold, oras na makabuntis ka ng wala sa tamang edad, ako mismo ang puputol d'yan sa-!"

"Auntie, babangga ka sa gate!"

Napatakip ako sa mukha ko gamit ang dalawang kamay habang sumisigaw no'ng makita kong babangga kami. Bakit ba hindi s'ya tumingin ng maayos sa daan?! Ayoko pang mamatay! Sa susunod talaga, hindi na ako sasakay kapag s'ya ang driver!

Kung may susunod pa!

Halos lumabas sa dibdib ko 'yong puso ko no'ng nagpreno si Auntie. Sumilip ako sa pagitan ng mga daliri ko para makitang konting-konti na lang, babangga na talaga kami sa gate ng Royalonda. Parehong shock 'yong mukha naming dalawa. Sa ilang segundo na 'yon, nakita ko lahat ng happy moments sa buhay ko. Sa totoo lang, ilang beses ko nang nakita ang mga 'yon dahil kay Auntie na ilang beses na rin akong muntik patayin. Tulad no'ng Friday. Nagkapasa ako sa pulsuhan dahil nahulog n'ya sa kamay ko ng hindi sinasadya 'yong malaking vase na hawak n'ya! Nahirapan tuloy akong tumugtog ng drums!

May kumatok sa bintana sa side ko kaya napasigaw ulit ako dahil sa gulat. Dumoble pa ang lakas ng sigaw ko no'ng makita kong si Zendra 'yon!

Namatay ba ako?! Sinusundo ako ng anghel! Aaah!

"Woy!" hinampas ako ni Zendra sa braso no'ng nabuksan n'ya 'yong pintuan. "Nasaktan ba kayo? Bakit ka sumisigaw?!

Oh, shoot! Totoong tao s'ya. Ang sakit ng hampas, eh.

Agad-agad kong tinanggal ang seatbelt ko sabay sunggab ng yakap sa kan'ya. "Zeeen! Akala ko, mamamatay na ako. Hindi ako makahinga ng maayos. Kailangan ko ng CPR!"

"CPR mo mukha mo! 'Wag ka ngang yumakap!" sabi n'ya.

Habang tinutulak n'ya ako palayo sa kan'ya, sumulpot naman sa gilid n'ya si Leeroi. "Sin!" natatarantang tawag n'ya sa 'kin. "Okay lang ba kayo? Nakita namin 'yong nangyari. Nagkaroon ba ng problema sa kotse n'yo? Tatawag kami ng tulong!"

FEIGHT (Famous Eight)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon