Chapter 6: "Feight and the Bully"

11.9K 789 287
                                    

Malalakas na tawanan ang maririnig mo mula sa isang classroom sa building ng mga freshman. This is the kind of 'hell day' for first years. Ang araw kung saan walang teachers dahil nasa meeting. Walang magpoprotekta sa kanila.

"Hahaha! Ang titigas naman ng mga katawan n'yo! Ayusin n'yo nga 'yang sayaw n'yo!" tumatawang utos ng isang lalaki habang nakaupo sa lamesa. Sa likod ng lalaki ay ang tropa n'yang pare-parehong 4th year na nakikitawa rin. Nasa harap naman n'ya ang tatlong babaeng freshmen na hiyang-hiyang ginagawa ang mga utos nila.

Ang ibang kaklase ng tatlong babae ay nasa pinakalikuran. Ni isa sa kanila, walang gustong umawat. Pag umawat sila, dalawa lang ang pwedeng mangyari. Una, sila ang papalit sa pwesto ng tatlong babae. Pangalawa, matutulad sila sa kaklase nilang si Ares na sinubukang lumaban.

"Hoy, ano ba?!" galit nang sigaw ng lalaki. S'ya si Bren Aurillo. Kilala s'yang siga. Noong mga nakaraang taon, hindi s'ya makapanggulo ng katulad nito dahil sa 4th Generation ng Feight. Ngayon, kampante s'yang manggulo kasi alam n'yang hindi papalag ang bagong Feight. Bukod sa may mga bagong myembro ang Feight ngayon, puro first year pa. Sigurado s'ya sa sarili n'yang hindi uubra sa kan'ya ang walong nerd na first year.

Lumapit si Bren sa babaeng nasa gitna. "Hindi ka ba marunong gumiling? Ha? Para kang poste ng ilaw."

Nakayukong nagpipigil na umiyak ang babaeng si Chelsy habang dinidikdik ni Bren sa pagmumukha n'ya na wala s'yang talent sa pagsasayaw. Hindi naman kasi s'ya pumasok sa Royalonda para gumiling. Pinangarap n'yang makapag-aral sa Royalonda dahil akala n'ya, ito na ang dream school ng lahat. Hindi pala.

Lumingon si Bren sa mga kasama n'ya. "Anong gagawin natin sa isang 'to?"

"Patahulin mo na parang doggo."

"Pagulungin mo d'yan sa sahig, oh."

"O kaya, hubaran mo na lang!"

"Pucha, oo nga! Kahit poste 'yan, pagtsagaan na natin!"

Binundol ng matinding kaba si Chelsy. Napaatras s'ya ng ilang ulit no'ng binalik ni Bren ang tingin nito sa kan'ya habang nakangisi. Napahinto lang s'ya sa pag-atras no'ng tumama s'ya sa isang lamesa.

Lalong lumawak ang ngisi ni Bren.

"Hawakan n'yo." Sinenyasan n'ya ang dalawa n'yang kasama na sumunod naman agad sa kan'ya. Hinawakan ng dalawang lalaki si Chelsy sa magkabilang braso habang tumatawa pa.

"Teka, 'wag!" palag ni Chelsy. "Please, kahit ano, 'wag lang 'yan!" Saka s'ya humagulgol ng iyak. Sinubukan n'yang makawala pero wala s'yang kalaban-laban. Nilingon n'ya pa ang mga kaklase n'ya para humingi ng tulong kaso sabay-sabay na nagsiiwas ng tingin ang mga ito.

"Ang ingay. Parang tatanggalan lang ng damit," sabi ni Bren sabay hila sa ribbon ng uniform ni Chelsy.

"Kyaaah!" Nagtitili na si Chelsy habang pumapalag. Pumadyak s'ya at hinila ang braso n'yang hawak ng dalawang lalaki kaso walang umubra sa ginawa n'ya.

Lalo lang nagsiksikan sa sulok ang mga kaklase ni Chelsy. Hindi sila makatingin sa kaklase nilang harap-harapang hina-harass ngayon.

"Ano ba namang butones 'to? Nyeta, ayaw matanggal." Nilipat ni Bren ang tingin n'ya sa mukha ni Chelsy. "'Wag kang malikot! Gusto mo ng sapak?!"

Nakuha pa n'yang kwelyuhan ang nakakaawang babae. Nanlilisik ang mga mata n'ya sa gigil. Kaya hindi ka magdududa kapag sinabi n'yang kaya ka n'yang sapakin. Dahil siguradong kaya n'ya talaga at gagawin n'ya.

Mukhang hindi lahat ng nakakapasok sa Royalonda, may good manners.

"Bilisan mo na, Bren! Tapos patakbuhin natin sa field!"

FEIGHT (Famous Eight)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon