Chapter 32: "Freshmen No More"

9.8K 707 590
                                    

"We will not do it! Tapos ang usapan!" -Zendra

"Paanong natapos?! Pumayag na ba kami?!" -Sindrick

"Ano pa bang pinaglalaban n'yo?! Valentine's Day lang 'yan!" -Zendra

"Wow! Napakapait ng pagkakasabi mo, Zendra Mendia!" -Sindrick

Today is just a regular day of Famous Eight. Balik-eskwela na ulit sila matapos ng mahabang Christmas vacation. Sa kasalukuyan, nagkakaroon ng diskusyon ang mga myembro ng Feight kung magkakaroon ba sila ng event para sa Valentine's Day o hindi. Pumanig sa 'oo' si Sindrick, Hannah, Chloe at Ayuri. Sa 'hindi' naman si Zendra, Leeroi, Dylan at Lucas. Simple lang ang patakaran nila para malaman kung anong team ang mananalo. Oras na may lumipat na isang Feight member sa kalabang team, tapos na ang laban.

Sindrick is still the usual him. Parang walang nangyari noong birthday nito. Sabi nito, naiyak lang 'to dahil sa allergic reaction. Hindi na nagtanong ng kahit ano pa ang Feight tungkol doon. Ayaw nilang manghimasok sa personal nitong buhay hangga't hindi 'to nagsasabi ng kusa.

"Listen here, kiddos." Nameywang si Zendra. Nasa tabi n'ya ang mga kasama n'ya sa 'Team Bitter Gourd'. S'ya lang ang may kakayahang makipagtalo kila Sindrick sa ngayon. Hindi marunong makipag-away si Leeroi para sumali sa sagutan. Si Dylan at Lucas naman, parehong hindi mo maaasahan sa pagsasalita. Magsasalita lang ang mga 'to kapag trip nila. "Maging makatotohanan tayo rito. Hindi natin kakayaning mag-handle ng isa pang event sa ganitong panahon!"

"You're just making excuses. Where did your love cells go? Mga wala na ba talaga kayong puso?!" sagot ni Sindrick na nasa 'Team Sugarcane'. Nakahalukipkip na tumango ng sunod-sunod si Hannah bilang pagsang-ayon. Si Chloe, nagmamartsa paikot sa kanila habang sumisigaw ng 'Va-len-tine's! Va-len-tine's!' "Saan ka nakakita ng school na hindi nagse-celebrate ng Valentine's Day?" dugtong ni Sindrick sa sinasabi n'ya.

"Royalonda High stopped celebrating Valentine's seven years ago," pagbibigay ng impormasyon ni Ayuri. "The day when Mr. Estebar's only daughter got dumped by its long-time crush."

"Kahit 'yon, alam mo?" hindi makapaniwalang tanong ni Hannah.

"See? Bawal naman pala rito ang Valentine's," si Zendra.

"Yuri, saang team ka ba talaga kasali, ha?" -Sindrick

"Here." -Ayuri

"Why are you on that team in the first place? Ngayon ko lang nalamang mahilig ka sa love-love na 'yan." -Zendra

"I'm not. I'm just here so I can watch an argument. Hindi magkakaroon ng argument kung lamang sa members ang isang team. Magiging unanimous decision agad." -Ayuri

"Hah! Heard that? Hindi raw s'ya papayag na matalo kami." -Sindrick

"That's not what we heard, idiot!" -Zendra

Binalot ng mabigat na aura ang buong 11th floor. Iniisip na nga ni Leeroi na siguro, mayroon nang namumuong maiitim na ulap sa ibabaw ng main building dahil lang dito. Malapit nang magkaroon ng delubyo.

Naghikab si Lucas. "Valentine's Day is just for dumb people."

Ding! Ding! Ding!

Uh-oh! Lucas just snapped some nerves out of Hannah and Sindrick!

"What did you say, sleepyhead! Come here! Tell it to my face, you loveless monkey!" pagwawala ni Hannah na pinipigilan ni Ayuri.

"You really want war?! Lumapit ka lang saglit dito sa 'min, Lucas! Sasampalin kita ng pagmamahal!" segunda ni Sindrick. Yakap s'ya ni Chloe mula sa likod para pigilan s'yang sugurin ang kabilang team.

FEIGHT (Famous Eight)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon