Chapter 36: "Club Fair"

10.3K 699 826
                                    

a/n: Ops! 100k reads na tayo. Thank you sa mga reader na walang sawang naghihintay ng update. Here's another chapter for you. Enjoy reading!

**********

Nakatayo sa harap ng bulletin board si Misha Fernandez habang tinititigan ang naka-post na announcement. Tungkol 'yon sa gaganaping Club Fair next week. Lahat ng estudyante, 'yon na ang pinag-uusapan.

Patagong kumuyom ang mga kamay n'ya sa inis.

"She countered your attack really well," sabi ni Harper no'ng tabihan s'ya nito. Tinutukoy nito ang pagvo-volunteer ni Ayuri Alvarez bilang sponsor. "What did I tell you about digging your own grave?"

Sa ilang araw n'yang pagmamamanman kay Ayuri, hindi kailanman pumasok sa isip n'yang kaya nitong mag-sponsor ng malaking event.

"Siguradong nangolekta lang s'ya ng pera sa mga kaibigan n'yang uto-uto," matalim ang tingin sa poster na sagot ni Misha.

"Nasabi sa 'kin ni Darren 'yong nangyari sa meeting. Nabanggit n'yang nagulat din ang ibang Feight members sa pags-sponsor ni Ayuri." Si Darren ang presidente ng Astronomy Club kung saan kasali si Harper. "Nagkaroon pa nga raw sila ng maliit na away. Ibig sabihin, wala silang kamalay-malay sa plano ni Ayuri. Solo n'ya ang sponsorship."

Pumadyak si Misha. Hinarap n'ya si Harper at pilit pinigilan ang sarili na 'wag sumigaw. "Magagaling silang umarte, Harper. Pinlano nila 'to."

"Kahit ano pa 'yan, Misha, patunay lang 'to na hindi mo sila kaya. Napanood mo kung anong ginawa ni Ayuri. Inannounce n'ya sa harap ng club leaders na may pera s'ya. Bakit? Dahil 60% lang ng royal students ang active sa online forum at 95% naman ang may sinalihang clubs. Club leaders will spread rumors faster and better than online forum."

No'ng hindi nagsalita si Misha, nagpatuloy si Harper. "Unang araw pa lang ng pagpasok ni Elizabeth, nag-send na agad sila ng email sa inyo na may mangyayaring meeting about clubs' budget." Lumapit ng konti si Harper sa kan'ya para ibulong ang sunod nitong sasabihin. "See? Sa umpisa pa lang, alam na ni Ayuri kung anong gagawin mo at kung paano 'yon babaliktarin."

Madiing kinagat ni Misha ang ibaba n'yang labi. Wala nang kwenta ngayong isiping commoner lang si Ayuri. Kung gagawan n'ya 'yon ng article, sino pang maniniwala? Alam na ng lahat ang pagiging sponsor nito. Hindi na n'ya kayang kontrahin 'yon.

Umiling si Harper at akmang aalis na no'ng hinawakan s'ya ni Misha sa braso. "Harper, help me," paghingi nito ng tulong sa kan'ya. Mukhang paiyak na nga 'to. "Tulungan n'yo ako ni Errol. I'll do everything, just help me get in Feight!"

Bumuntong-hininga si Harper Yuwen bilang sagot.

"Dapat tinutulungan natin ang isa't-isa, 'di ba?" dugtong pa ni Misha. "Pare-pareho tayong stealer! Tayo ang magkakakampi!"

"Hindi kami interesado ni Errol sa badge."

Dalawang beses na tapik sa balikat ang ginawa ni Harper kay Misha bago n'ya 'to tuluyang iniwan. Wala silang balak ni Errol Buenavista na maging Feight members.

Pwera na lang kung hihingin ng pagkakataon.

*********

Alas-kwatro pa lang ng umaga, gising na agad si Ayuri Alvarez. Nakapaghanda na s'ya ng pagkain para sa tanghalian. Nakakain na rin s'ya ng umagahan. At ngayon, kakatapos n'ya lang maligo. Nakasampay ang tuwalya sa balikat n'ya habang naglalakad papuntang kusina ng apartment. Tinuyo n'ya pa ng bahagya ang buhok saka tumingin sa oras.

6:30 na. Ilang minuto na lang, siguradong tatawag na ang nanay n'ya.

Malalakas na katok ang nagpalingon kay Ayuri. Isang tingin pa sa kalendaryo bago s'ya naglakad papunta sa pinto. Kahit magulo ang buhok ay binuksan n'ya 'yon at tinignan ang babaeng nakatayo sa harap n'ya habang nakapameywang. Kasing edad n'ya lang 'to pero ang laki ng pagkakaiba nila lalo na sa mukha. Kakasikat pa lang ng araw pero ang kapal na ng make-up nito.

FEIGHT (Famous Eight)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon