Chapter 21: "The Commoner"

9.3K 657 292
                                    

Zendra's POV

It's nine in the morning at kasalukuyang nagle-lecture si Ma'am Athens sa harap tungkol sa circumscribing circle. Kahit gumagana ng maayos ang aircon, napakainit pa rin. Tag-ulan dapat ngayon, ha? Abnormal na talaga ang panahon.

Habang nagsusulat ng lecture at nakikinig, kinapa ko ang tumbler ko sa bag. Dapat mas malaking tumbler na ang dalhin ko sa susunod. O kaya, magpe-petition ako ng water dispenser dito sa loob ng classroom. Itong mga kasama ko, pahirapan pa minsang painumin ng tubig. Puro juice at softdrinks ang gusto.

Sa kalagitnaan ng pagpapaliwanag, biglang huminto si Ma'am at nameywang. "Hay, bakit ba may natutulog na naman? Hindi porke't matatalino kayo, hindi na kayo makikinig sa lectures."

Si Lucas na naman. Hindi nagsasawa sa sermon ang isang 'yan. Tsaka bakit ba ang antukin n'ya? Hindi ba s'ya natutulog sa gabi? Ah, ang alam ko gabi-gabing naglalaro ng online games 'yan. Kalaro n'ya si Sindrick, Dylan at Leeroi. 'Yong dalawa n'yang kasama, katanggap-tanggap pa pero si Leeroi? Nah. Wala sa itsura. Nakakagulat.

"Alvarez," tawag ni Ma'am.

Napahinto tuloy ako sa pagsusulat at napalingon sa likod. Kitang-kita ko kung paano nag-angat ng ulo si Ayuri mula sa pagkakadukmo n'ya. S'ya ba 'yong sinasabi ni Ma'am na natutulog?

What the-

"Sorry. I dozed off," sabi ni Ayuri sa mahinahong boses.

Anong problema n'ya? Aba, kahit kelan, hindi pa natulog si Ayuri sa klase. Nakakahawa ba si Lucas o galing s'ya sa byahe kaya mukhang pagod s'ya? Tingin ko, kakabalik n'ya lang dito sa Pilipinas.

"Come here in front." Tinap ni Ma'am ang chalk sa blackboard na sinusulatan n'ya. "Find the radius of the circle using Brahmagupta's formula."

Tumayo naman agad si Ayuri at pumunta sa harap. Easy lang sa kan'ya 'yan. Parang sinabi lang ni Ma'am na, 'Pumunta ka rito sa harap at huminga.'

Nagkibit-balikat na lang ako. Sinimulan kong sagutan ang problem sa sarili kong notes. Nakuha ko na 'yong area ng quadrangle no'ng nagsalita ulit si Ma'am.

"Anong problema, Alvarez?"

Sa pangalawang pagkakataon, nag-angat ulit ako ng tingin. Sinabayan ko pa 'yon ng pag-inom sa tumbler ko. Nakita kong nakahinto lang si Ayuri sa harap ng blackboard. Walang buhay n'yang tinititigan 'yong mga nakasulat do'n. Wala pa s'yang naso-solve na kahit ano.

Naibuga ko 'yong iniinom ko no'ng sumagot s'ya kay Ma'am ng, "Nakalimutan ko po 'yong formula."

Hanep, Yuri! Marunong ka palang mag-joke?!

Napanganga saglit si Ma'am Athens. Bakit hindi?! Dati, nagsa-suggest pa s'ya ng ibang paraan ng pagso-solve ng math problems. Tapos ngayon, simpleng formula lang, nakalimutan n'ya?!

"T-that's okay. Nangyayari talaga 'yan minsan. Sige, maupo ka na," nauutal na sabi ni Ma'am.

Tahimik na naglakad pabalik sa upuan n'ya si Ayuri. Nakasunod naman kaming lahat ng tingin sa kan'ya habang pare-parehong hindi makapaniwala 'yong itsura. Sinenyasan ko pa si Leeroi ng, 'What happened?'

Gulat na gulat ang itsurang umiling s'ya bilang sagot. Si Chloe nga, first time kong nakitang hindi nakapagsalita. Daig pa namin 'yong taong na-surprise sa araw ng birthday n'ya. Grabe.

Chemistry class...

"Liquid nitrogen's boiling point is -196 degree Celsius.  Top restaurants started using this liquid for instantly freezing foods and drinks, or creating an impressive cloud of vapour when exposed to air.  Now, I want you to choose anything from the foods and drinks in front of you. What do you guys want to mix with the liquid nitrogen? Ingat sa mga sumasabog, okay? Let's see some cool stuffs!" malawak ang ngiting sabi ni Ma'am Flores, chemistry teacher namin. S'ya 'yong isa sa mga teacher namin na paborito ko. Napaka-positive n'ya kasing tao.

FEIGHT (Famous Eight)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon