Chapter 51: "Exposed"

7.8K 512 1K
                                    

a/n: Another update~ Magmodule muna bago magbasa.

Ito nga rin pala ang Harper Yuwen fanart ko. Say hi to Stealer #1.

Enjoy reading, folks!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Enjoy reading, folks!

***********

Sindrick's POV

Hindi ko alam kung saan ako nagkulang. Sa gandang lalaki ba? Sa tikas ng katawan? Sa bango? Bakit?

"Bakit, Zen?" pagsasaboses ko sa iniisip ko with feelings. Konti na lang, may tutulo na ring luha sa isang mata ko. Bakit n'ya ako kailangang parusahan ng ganito? Mabait naman ako. Matalino. Talented. Mapagmahal-

"Tantanan mo ako, Harold. Hanggang dito, rinig ko 'yang mga pinagsasasabi mo sa utak mo. Hindi ka pwedeng magkape ngayon, utos ni Ayuri," sabi n'ya.

Ouch. Mas masakit kapag inuulit n'ya. Bakiiit?!

"Kahit one cup lang?" Nag-puppy eyes ako na may kasama pang finger heart. Baka sakaling maawa s'ya sa 'kin at bumigay na s'ya tapos papakasal na kami- este magkakape na kami.

Istrikto n'ya akong tinignan. "No."

Ahhhh! Hindi ko na kaya 'to! Para na akong mababaliw! Halos isang linggo na akong walang iniinom na kape dito sa classroom. Pakiramdam ko, kaya ko nang ihagis sa bintana si Chloe dahil sa frustration. Ayoko nito. Kailangan ko ng kape!

"Sinner, you're drinking too much coffee. Nakikita mo ba 'yang eyebags mo? Natutulog ka pa ba? Ghad. Mukha ka nang drug lord," sabi naman ni Hannah na nakaupo sa upuang katapat ko. Tulad ng mga dati naming ginagawa, pinagdikit-dikit ulit namin ang mga lamesa namin para makapagtrabaho nang maayos.

Yumakap mula sa likod ko si Chloe. Nakuha n'ya pang ipatong 'yong baba n'ya sa ulo ko. Feeling close 'tong bunny na 'to. Kung makadikit, akala mo hindi n'ya ako inaapi kapag wala s'yang ibang maistorbo.

"Sin, sabi nga ni Yuri, too much caffeine can give you fast heart rate. 'Yon siguro 'yong reason kung bakit magugulatin ka, Handsome Bunny #2."

Walang buhay ang mga matang tiningala ko si Chloe. "Clo, sinong magugula- Ahhh!"

Napatayo ako bigla sa inuupuan ko sabay atras ng ilang hakbang habang nakahawak sa bandang puso. Nagulat ako sa pagmumukha ni Zamora na inginudngod yata sa espasol dahil sa sobrang puti! Anong nilagay n'ya sa mukha n'ya?! Polbo?! Abo ng hinanakit at sama ng loob ko?!

"Jusko naman, Clo!" suway ko sa kan'ya. Ilang beses pa akong huminga nang malalim para pakalmahin 'yong heart beat ko. Hindi nakatakas sa 'kin 'yong ngisi ni Zendra tsaka paga-apir ni Chloe at Hannah habang nagpipigil ng tawa.

Ayan. Ang gagaling eh, 'no? Happy na kayo? You're welcome, ha? Salamat din sa inyo, naiisip ko na ngayong humimlay.

Nakasimangot akong bumalik sa inuupuan ko. Porque wala 'yong tatlo naming members, ako 'tong pinagtutuonan nila ng atensyon. Hindi kasi nila magulo si Ayuri na busy sa pagsesend ng emails.

FEIGHT (Famous Eight)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon