Chapter 29: "Halloween Festival"

12.3K 723 894
                                    

Now Playing: Badass by NEFFEX

"The wind is blowing through her hair
We like to head out on the road
And you know we don't really care
Cuz we're just doing what we want"

Dylan put the last box above the other boxes he carried from the main gate to the front of the abandoned building. Madaming mga estudyante ang katulong nila sa pag-aayos para sa event. Ilang araw na lang, Halloween Festival na. Hindi na sila pwedeng makipaglaro sa kung sino-sino at magsayang ng oras.

Pinameywang n'ya ang isa n'yang kamay at nagpunas ng pawis gamit ang sleeve ng white polo n'yang nakatupi hanggang siko. Sandali s'yang lumingon sa paligid bago huminto ang tingin sa dalawang babaeng nag-uusap sa 'di kalayuan.

"She likes it when I treat her good
She likes it when I treat her bad
She likes to travel all around
I take her everywhere and back."

Malakas ang tugtog ng headphones n'ya kaya hindi n'ya naririnig ang mga estudyanteng patago s'yang pinapanood at pinag-uusapan. Sino ba namang hindi mapapatingin sa kan'ya? Kung hindi mo s'ya napanood magbuhat ng boxes at materials, aakalain mong artista s'yang kasalukuyang may shooting sa loob ng campus. Though, pawisan s'ya at wala na sa ayos ang suot na uniform, hindi magdadalawang-isip ang mga babaeng yakapin s'ya kung magkakaroon ng pagkakataon.

"Oh, you fvcking with the man girl
You throw it right back
Know I like that
Ima bite back."

Pero nasa kan'ya man ang atensyon ng halos lahat ng babaeng nasa paligid, wala sa mga 'yon ang tinapunan n'ya ng tingin. Mas pinili n'yang titigan at panoorin ang babaeng ni hindi man lang s'ya nililingon.

"You know I've become a fan girl
The way you throwback
Like a Kodak
Girl you own that."

She's talking to another female student with long braided hair. Pamilyar kay Dylan ang kausap nito. Madalas n'ya 'tong makitang tumutulong sa mga estudyante kapag naglilibot sila ni Lucas. The girl is popular around the campus. Kilala 'to ng halos lahat maliban sa Feight na bihira lang bumaba mula sa 11th floor.

"Cruise around with out a plan girl
We'll never go back
Girl you know that
You are so bad.
Let's just spend a couple grand girl
You know you fvcking with the man girl."

May tatlong estudyanteng sinadyang dumaan sa harap n'ya para magpapansin. Ni hindi n'ya 'yon sinulyapan. Nakapako lang ang tingin n'ya sa babaeng kausap ni Ms. Popular. Paano ba i-describe ang gano'ng tingin? He stares at her with full interest to the point that his eyes are already flashing glints of light.

Nagtataka na tuloy ang ibang estudyante. May gusto ba s'ya sa babae na 'yon? Bakit n'ya tinititigan. May crush na ba si Dylan Summers?! Hindi pwede! Magkakagulo ang lahat ng kababaihan sa campus!

"Oh, you could've been a good girl
But instead you chose the real world
Yeah, you've always been a savage
Oh, you've always been a bad chick."

'You could've been a good girl,' isip-isip ni Dylan. He's been wondering all this time. What made Ayuri Alvarez chose the reality? The real world? Tuwing tinitignan n'ya ang Top 1 nila, 'yan ang naiisip n'ya. She always has no time for fantasies. Laging may pinagbabasehan ang lumalabas sa bibig nito. Kailan 'to humintong maniwala sa mga bagay na sa tingin nito ay hindi naman mangyayari? When does she lose her innocence? And why?

"I don't care if you got issues
Daddy left but I'm with you
So, come with me never look back
We're living life like a badass."

Muling lumipad sa kawalan ang utak n'ya. May pagkakapareho silang dalawa kung tutuusin. Hindi rin s'ya naniniwala sa mga 'di makatotohanang bagay. Tulad ng himala. Sabi nga sa pelikula, 'walang himala'. Pero ang mga magulang n'ya, ang hilig maniwala sa himala. So, kanino s'ya nagmana?

FEIGHT (Famous Eight)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon