Chapter 8: "Feight and the Paper"

12.1K 689 166
                                    

Leeroi's POV

Sumasakit na ang ulo ko sa ginagawa kong 'to pero kailangan ko na 'tong matapos ngayon. Kawawa naman si Lianee kung hindi n'ya 'to mapapasa bukas. Buti na lang at breaktime namin ngayon kaya may pagkakataon akong pagtuunan ng pansin 'to.

"Handsome bunny, anong ginagawa mo?" tanong sa 'kin ni Chloe no'ng lumapit s'ya sa table ko.

Nag-angat ako ng tingin sa kan'ya saka ngumiti. "Tinutulungan ko 'yong kapatid ko na gawin 'tong school project n'ya."

"School project?" si Sindrick naman ang nagtanong. Inakbayan n'ya si Chloe habang sinisilip 'yong ginagawa ko. "What kind of school project is that?"

"Hm.." Nag-isip ako saglit ng sasabihin. "Recycling. Kailangan nilang mag-create ng kahit anong bagay gamit ang recyclable materials."

"Ah! Naaalala ko na. Nagkaroon din kami ng gan'yang project noon." -Sindrick

Tinignan ko si Sin. "Really? Anong ginawa mong project?"

"'Yong plastic bottles.." -Sin

Tumango ako habang tinitignan s'ya ng may curiosity sa mga mata. Madami ngang pwedeng gawin sa plastic bottles.

"..ginawa kong lagayan ng tubig." -Sin

Napakurap ako. Ahm..

"What?" tanong ko nang nagtataka.

"Ginawa kong bottled water! Ang ibang plastic bottles, hindi tubig 'yong dating laman tulad na lang ng bottled softdrinks at bottled juice. Kaya naisip kong gawin naman silang bottled water. Ang talino ko ba?" -Sin

Isang ngiting alanganin ang binigay ko kay Sindrick. Hindi ko alam kung paano ako magrereact.

"Ang pangit naman ng ginawa mong project, Sindrick! Walang effort. Lagi kayang ginagawa ng mga yaya ko 'yan! Siguro, naka-60 ka sa project na 'yon, 'no?!" sabi ni Chloe na may namimilog na mga mata at parang batang nakahawak sa bunny ears ng suot n'yang headband. Napa-facepalm na lang ako. Chloe talaga.

"Hoy, Chloe Zamora! For your information, naka-75 ako! Ang sakit mong magsalita, palibhasa cute ka!" -Sin

"Cute ako?" Nag-tilt pa ng ulo si Chloe. She looks so innocent, I forget that she tells scary things sometimes.

"'Wag ka sa part na 'yan mag-focus. Mag-focus ka sa part na sinabi kong 'masakit kang magsalita'." -Sindrick

Natawa na lang ako ng m1ahina bago ulit binalingan ang mga gamit sa harap ko. Papel.. plastic straws.. bottles.. Hm.. anong unique na bagay ang pwede kong gawin gamit 'to?

"Allowed silang ipagawa sa iba?" nahihiwagahang tanong ni Chloe no'ng nag-lean s'ya para matignan ng maayos ang mga gamit sa table ko.

Tumango ako. "Basta, pasahan na raw nito bukas."

"Then, you're with the right persons today, Roi. Ano bang matutulong namin, ha?" -Sindrick

"Ahm, actually wala pa talaga akong nasisimulan," medyo nahihiyang sabi ko. Napahimas pa ako sa batok. Ngayon ko lang 'to napagtuunan ng pansin kasi may mga ginawa akong school stuffs kanina. Hindi naman 'to nagawa ni Lianee dahil nagkasakit s'ya. Matagal na n'yang nirequest na tulungan ko s'yang gumawa nito pero dahil sa pagiging busy, nawawala sa isip ko. Kanina ko lang ulit naalala.

"Hala, handsome bunny. Hindi na 'yan mapapasa. Babagsak na 'yong kapatid mo tapos 'di na s'ya makakapag-aral." Hinawakan pa ni Chloe ang dalawang pisngi n'ya. 'Yong mga mata n'yang parang manika, takot na takot na nakatingin sa 'kin.

S-sobrang sama ko bang kuya..? Paano kung bumagsak nga si Lianee pag hindi ko 'to natapos? Baka magalit s'ya sa 'kin. Baka hindi na n'ya ako kausapin ulit.

FEIGHT (Famous Eight)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon