Chapter 47: "Babysitters (Last Part)"

5.1K 579 1.3K
                                    

a/n: Shoutout sa mga naghintay nang mahigit isang taon. Angkinin n'yo na 'tong chapter na 'to. Enjoy reading!

**********

"What's going on, Roi?" seryosong tanong ni Ayuri sa kaibigang hawak s'ya ngayon sa magkabilang balikat mula sa likod para maitulak s'ya nang mabagal papunta sa Juniors' Cafeteria.

"W-what do you mean, Yuri? I just want to treat you some snacks," sabi ni Leeroi sabay tawa nang alanganin.

"Why are we going to Juniors Cafeteria? We could eat at the nearest caf. This is just too far."

"Ah.. Ah! Alam mo ba 'yong authentic Vietnamese food na sine-serve nila rito? I wanna try that."

"That's in Sophomores' Cafeteria. You're mixing things up now."

"E-eh?"

Sa pang-ilang pagkakataon, lumingon si Ayuri para salubungin ang tingin ng Top 3 nila. Napalunok naman sa kaba si Leeroi. He's really not good with this kind of things. Siguradong papalpak s'ya lalo na't sobrang lakas makaramdam ni Ayuri. Plus, Ayuri Alvarez can really intimidate someone easily. Not fair at all.

Pinutol ng Top 1 nila ang tingin nito sa kan'ya bago nagsimula ulit maglakad. "May tinatago ka ba sa 'kin?" diretsong tanong nito. "Alam kong hindi mo kayang magsinungaling, Roi. What a terrible choice of character to be in this job?" Yeah. Why let the angel lie when they have a lot of devils in their group that will fit the job better?

Paghimas na lang sa batok ang nagawa ni Leeroi. Baka nga mas magandang sabihin na lang n'ya rito ang nangyayari. Baka mas mapabilis pa sila sa paghahanap kay Aiko. Thou, it's not in their options...

Bago makapag-attempt na umamin si Leeroi, isang kamay ng lalaki ang humawak sa isang balikat n'ya para pigilan s'ya.

"Then, let us switch roles," sabi nito sa walang kagana-ganang boses.

It's Dylan! Pumwesto 'to sa mismong gitna ni Leeroi at Ayuri.

"Leeroi, Ms. Valdez asked me to tell you that your reaction paper is missing," sabi ni Dylan habang sinusuri ng tingin si Ayuri mula ulo hanggang paa. Huminto ang tingin n'ya sa parte ng balikat nitong medyo nagusot dahil hinawakan ni Leeroi kanina.

"But-" Saglit na napatigil si Roi at dahan-dahang nanlaki ang mga mata matapos marealize ang message ni Dylan sa kan'ya. Alam ng Top 2 nila na mahihirapan s'yang idistract si Ayuri kaya nag-effort pa 'tong hanapin sila para makipagpalit sa kan'ya. Dylan being a life saver as always! That's at least what Leeroi De Villa thought.

"Really?! Then, I must go!" Wala nang sinayang na oras si Leeroi at tumakbo na agad papunta sa direksyon ng Main Building. Lumingon pa ulit 'to kay Ayuri at sumigaw ng, "I'm sorry, Yuri! This is urgent! I'll resched everything, don't worry! I promise!"

Walang ekspresyong bahagyang kumaway si Dylan sa kaibigan habang pinapanood 'tong tumakbo palayo. Humalukipkip naman si Ayuri sabay buntong-hininga. Ni hindi man lang s'ya pinagsalita ng Top 3 nila.

"Wala tayong pinasang reaction paper kay Ms. Valdez," Ayuri Alvarez uttered to inform Dylan that she knows he lied just now.

Nagkibit-balikat lang si Dylan bago sumagot ng, "I hope I can entertain you enough today with my lies."

Ayuri clicked her tongue before starting to walk in the opposite direction where Leeroi ran. "Then, tell me more lies in the cafeteria while I eat."

Walang pagdadalawang-isip s'yang sinabayan ng lalaki sa paglalakad. Hindi 'to nagpapakita ng kahit anong emosyon pero mahahalata mo ang kakaibang ilaw na naglalaro sa mga mata nito.

"With pleasure," Dylan responded.

**********

"Lumabas s'ya ng Main Building pero after ng footage na 'yon, hindi na namin s'ya makita sa iba pang footage," pagrereport ni Hannah sa mga kaibigan gamit ang cellphone. "Basta the last thing she did, lumiko s'ya sa kanan."

FEIGHT (Famous Eight)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon