Chapter 24: "Missing Member"

9.7K 642 474
                                    

*Sin sent a photo*

Sin: Guys, check this out.

Napahinto si Chloe sa pagpapakain sa hawak n'yang koneho saka n'ya binasa ang na-receive n'yang message. Tinignan n'ya ang picture na sinend ni Sindrick. Picture 'yon ng isang building na kung tititigan ay parang karaniwang setting ng mga horror movie.

Roi: Ah. Yan yung building sa likod ng chapel. Anong meron dyan, Sin?
Zen: Oo nga. Ano bang meron dyan? Yan laman ng online forum.
Han: Ihh. Creepy.

Humagikgik si Chloe bago nag-type.

Clo: I know that place! Haunted daw yan. Awooo~
Sin: Buti pa yung bunny, alam.
Han: Haunted building?! Creepy nga!
Zen: So, ano ngang meron dyan?
Sin: Puntahan natin!

"Waaah!" sigaw ni Chloe. Hindi s'ya sumigaw dahil sa nabasa n'ya. Sumigaw s'ya dahil nakita n'ya si Carson na tumakbo palabas ng built-in garden nila sa loob ng bahay. Mabilis s'yang tumayo mula sa pagkaka-indian sit n'ya at hinabol ang cute na bunny.

Habang tumatakbo, nagrereply s'ya sa usapan sa group chat. Multi-tasking.

Clo: Maksjatskoy yum!
Han: Whut?
Clo: Mafsmi eaw naqswalk dyn!
Sin: Translator, please.
Zen: I think, she just lost it.
Yuri: "Nakakatakot yun!"
Yuri: "Madami raw nawawala dun!"
Han: Ah.. What are you saying, Ayuri?
Yuri: I'm translating her messages.
Roi: Hahaha. Mabuti na lang talaga, may phone na si Yuri ngayon.
Clo: Dorruuui! timatahbp si vaeson!
Yuri: "Sorryyyy! Tumatakbo si Carson!" I'm not sure with the name but all of her bunnies' names start with 'Car'.
Yuri: I think, she's chasing one of her bunnies.
Zen: HAHA. I'm speechless.
Sin: How in hell did you understand those weird construction of letters?
Yuri: Tinignan ko lang ang mga katabing letra.
Roi: That's Ayuri, Sin.
Zen: Yeah. Hindi ka na dapat nagtatanong ng ganyan. Haha
Han: Yes!
Clo: Wasaasjhh!
Yuri: "Waaaaahhh!"
Zen: Hahahaha.
Sin: Hoy, Zamora. Huminto ka kaya muna bago mag-type?
Roi: And you have asthma. Wag kang tumakbo, Clo.

Huminto naman agad si Chloe. Napatukod pa ang dalawang kamay n'ya sa magkabila n'yang tuhod dahil nakaramdam s'ya ng konting hingal. Tinanaw n'ya si Carson na huminto sa ilalim ng dining table. Konti na lang at mahuhuli na n'ya 'to.

"Ms. Chloe! Ms. Chloe!" nag-aalalang tawag ng mga maid. Nagmamadaling nagsitakbo ang mga 'to palapit sa kan'ya at agad s'yang pinalibutan. Kitang-kita mo ang pagpapanic sa mga mukha nila.

"Ms. Chloe, ayos lang po ba kayo? Bakit po kayo tumatakbo?" tanong ni Yaya Meling. A 24-year-old maid. Ang pinaka 'babysitter' ni Chloe. S'ya ang nag-aalaga kay Chloe kapag nasa loob 'to ng bahay.

Tumawa ng medyo nahihirapan si Chloe. "Okay lang akooo. Hinahabol ko si Carson!"

"Carson?" sabay-sabay na tanong ng mga kasambahay sabay lingon sa konehong nasa ilalim pa rin ng lamesa. As if on cue, sabay-sabay silang nagsitakbo para hulihon 'yon. Si Meling, inupo pa muna ng maayos si Chloe sa isang single couch at binigyan ng strawberry drink bago nakisali sa iba pang maid sa paghuli kay Carson.

Humahagikgik na pinanood ni Chloe ang mga kasama nila sa bahay. Natatawa s'ya dahil wala man lang ni isa sa mga 'to ang makawak sa bunny n'ya. Minsan, nagchi-cheer s'ya pag malapit na nila 'tong mahuli. Tapos ay bumalik ang atensyon n'ya sa cellphone n'ya no'ng tumunog ulit 'yon.

Sin: Tulad nung sinabi ng bunny na busy ngayon, marami nga raw nawawala sa building na yan.
Roi: Nawawala?
Sin: Oo. Kapag daw may pumasok dyang isang grupo, laging may isang kasamahan nilang nawawala. Sabi nila, yung isa daw na yun ang kapalit para makalabas ng ligtas ang iba.
Zen: Parang mag-aalay muna bago makalabas? Sige, puntahan natin yan.
Sin: Alam ko kung anong nasa isip mo, Zen.
Zen: Tss.
Han: Goodness. Baka gawa-gawa lang ng students yan kasi malapit na yung Halloween?
Sin: Siguro? But this is a nice place para sa darating na Halloween Festival. Di ba kailangan na nating pagplanuhan yun sabi ni Sir Estebar?
Sin: Kailangan nating i-check yung lugar bago natin gamitin.
Roi: Hm.. Stable naman ang building na yan. Hindi na lang talaga nagagamit. Safe naman sigurong pumasok sa loob but with those rumors..
Sin: Come on, Roi.
Zen: Ang lakas mag-aya sa ganyan ni Sindrick, duwag naman.
Sin: Oy, hindi ako duwag, ha.
Zen: Sino kaya yung muntik nang batuhin ng lamesa si Misha sa sobrang takot?
Sin: ...
Yuri: We need to have a main event for the Halloween Festival. Tingin ko, perfect ang building na yan para doon.
Sin: Oh! Ayuri is with me.

FEIGHT (Famous Eight)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon