Chapter 1: "First Encounter"

30.4K 1K 663
                                    

a/n: Hisashiburi, mga senpai! Bagong istorya, bagong journey. Let's all have fun! Tanoshinde!

*****

Ngayon ay araw ng entrance exam sa Royalonda Academy, isa sa pinaka-pristehiyosong paaralan sa buong bansa. Taon-taon, inaabangan ang mala-licensure exam na entrance exam ng Royalonda dahil ito lang ang pagkakataon ng mga nangangarap na estudyante na makapasok sa nasabing eskwelahan.

Sa daan, kapag naglakad ka na suot ang uniporme ng Royalonda, dalawang senaryo lang ang pwedeng mangyari. Una, kabibiliban ka. Pangalawa, kaiinggitan ka.

Sa taon na ito, dumoble ang dami ng kukuha ng exam. Kahit na may policy na hindi na pwedeng kumuha ulit ng exam ang nakakuha na noon, hindi pa rin bumababa ang bilang ng examiners. Nand'yan ang mga honor students, anak ng mga politiko, tagapagmana ng hacienda, unico hijo at unico hija ng mga matatagumpay na businessman. Meron pa ngang celebrities. Ang entrance exam ay parang naging malawakang gathering ng mga mahahalagang tao.

Kung may mga anak mayaman, nand'yan rin ang mga anak na 'hatid-pawis'. Sa ilang taong nakatayo ang Royalonda, ni isa sa libo-libong mahihirap na estudyanteng sumubok sa entrance exam, walang pinalad na makapasa. Pero kahit na gano'n, padami pa rin nang padami ang sumusubok. Ang iba nga ay nanggaling pa sa malalayong lugar.

Dahil sa dumadaming examiners, napagdesisyonan ng Royalonda na gamitin ang grounds at gymnasium para sa lugar ng paggaganapan ng exam. Ang lahat ng maagang pumuntang examiners ay nakatambay na malapit sa mga nasabing lugar maliban sa walong taong nasa lobby ngayon ng main building.

Isa na sa walong tao na 'yon si Dylan Summers. Habang suot ang wireless headphones, binagtas n'ya ang daan papuntang elevator. Nakapamulsa ang isang kamay n'ya sa suot na coffee-brown short sleeves hoodie habang ang isang kamay naman ay hawak ang cellphone. Simula grade school, hinahangaan na ng mga kaklase n'ya ang pisikal na kaanyuan ni Dylan. Matangkad, makinis at maputing balat, mga matang boring kung tumingin na matatakot at kikiligin ka ng sabay kapag tinignan ka. Idagdag mo pa ang pagiging misteryoso at bad boy n'ya na gustong-gusto ng mga babae, sino nga namang hindi mahuhumaling?

Sunod ay si Zendra Mendia. Si Zendra ang tipo ng babaeng lalaki kung gumalaw. Sisiga-siga, boyish ang pananamit tulad ng suot n'ya ngayong itim na pantalon, snickers at gray t-shirt. Naka-ponytail pa ang buhok n'ya na hanggang likod. Sports prodigy kung ituring si Zendra Mendia. Halos lahat na ata ng sports, nasubukan na n'ya kahit 15 years old pa lang s'ya. At hindi lang basta nasubukan, matuturing s'yang magaling. Undefeatable. Badminton, Volleyball, Soccer, Basketball, Taekwondo, Chess, name it all. Kaya n'ya 'yan lahat o matututunan n'ya agad. Meron s'yang magandang mukhang pang-model ang kaso lang ay maangas. Dahil do'n, madaming nanghihinayang.

Tulad ni Dylan Summers, naglalakad din si Zendra papuntang elevator habang iniisip kung anong sports naman ang susubukan n'ya ngayong school year.

Then, there is Chloe Zamora. The bunny lover. Parang lumiliwanag ang parte ng lugar na nadadaanan n'ya. Sa suot n'yang light pink dress at sandals, with bunny ears headband, she looks like a fresh and pretty flower in the middle of chaos. Hindi nawawala ang ngiti sa mukha ni Chloe. Sumisigaw ang kasiyahan sa buong katauhan n'ya kasabay ng full bangs n'yang parang hindi nagugulo. Kumakandirit pa s'ya at nagha-hum ng nursery rhymes habang patungo sa elevator.

Leeroi De Villa. Ang 'Mr. Perfect' na hinahanap ng 90% ng kababaihan sa mundong ibabaw. Best friend material? Boyfriend material? Husband material? Lahat na ng 'material' na naisip mo, nasa kan'ya na. Mayaman, mabait, magalang, gwapo kahit may suot na makapal na eyeglasses at magaling magluto. Ano pa bang hahanapin mong kulang sa isang Leeroi De Villa? Wala na.

Sa 'di sinasadyang pagkakataon, papunta rin s'ya sa elevator.

Next, Ayuri Alvarez. How to describe her? Hm.. She's a goddess. A girl with pretty light brown eyes, snow-like skin, butt-length shiny and silky chestnut brown hair. Dahil sa maganda at mahaba n'yang buhok, madami nang shampoo company ang sumubok na kunin s'yang model pero wala s'yang tinanggap na offer ni isa. Isa s'ya sa mga taong hindi magaling pagdating sa pakikipagkaibigan. Ilan na ba ang sumubok na makipagkaibigan sa kan'ya kaso laging nauuwi sa disaster? Oh, oo nga pala. Chef din s'ya like Leeroi. Ang pinagkaiba lang, tao ang niluluto n'ya at hindi pagkain. She cooks people alive on the spot. Roasting is her expertise.

FEIGHT (Famous Eight)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon