KABANATA 13

19 4 0
                                    

Matapos ang mga pangyayari sa condo ay nakaayos naman na kami ni Worth. Ito ang dahilan, marupok kasi talaga kasi ako. Nilalandi-landi lang ako tapos ayon bumigay na.



"Ako na lang ang hindi marupok," mayabang na sabi ni Ally.


"In your dreams. Tanungin ko kaya si Kurt." Nakapangalumbaba ako habang pinaglalaruan ko ang singsing na nasa ibabaw ng desk ko.


"Binabawi ko na talaga lahat ng mga sinabi ko," sabi ni ate Jelayza habang nakalapat sa palapagan ng eroplano ang kamay niya.


Humagalpak kami ng tawa ni Ally, sabay pa talaga kami. Pinagbabato niya pa kami ng gamit niya na nasa ibabaw ng desk niya. Ipinagpatuloy na lang ni ate ang paglalaro niya ng online games.



Alams na what it means.



"Gala naman tayo sa Saturday," pag-aanyaya na naman ni ate habang nasa phone niya ang atensyon niya.


"Hindi pwede, may lakad kami nila kuya, kasama ko si Aishe."


"Saan kayo?"



"May kukunin lang na gamit sa bahay ng tita namin."


Isasama raw niya ako. Naiwan kasi yung mga gamit niya doon. Nagpapasama siya kay kuya Gael dahil nga sa may pagkamaattitude mga tao doon.


***

Nang dumating ang 2:30 pm ay nakarating ako kina Ally, nagcommute na kasi ako. Nagbibihis pa lang daw si kuya kaya nagstay muna kami sa k'warto niya.


"I'm inlove with Tatang's word of wisdom. Alam mo yun, ang daming lesson. Gusto ko na talaga siyang mameet. Syempre pati yung mga anak niya," kinikilig niyang sabi.


"True, bet ko na rin." Pagsasang-ayon ko sa kanya.


"Si Worth kasi expose ang mukha. Hindi nagpaka-anonymous ang gago."


Hindi nagpaka-anonymous si Worth, pero hindi niya rin naman daw ginagamit ang mukha niya for fame. Kahit dumadami ang followers niya hindi niya talaga pinapansin yun, mas sumasaya siya kapag reads yung dumadami. Hindi followers, votes, at comments sa pictures niya ang nagpapagaan ng loob niya kundi yung comment tungkol sa kung paano may nakakapansin na nag-iimprove na siya at sa mga reads na totoong may nagbabasa talaga.



"I'm a writer not a model pero pwede rin naman pero ibang usapan na yun. Makuha kayo sa akda ko huwag sa mukha ko. I deserve to he lobe by my piece, not my face," sabi niya yan noon sa isang reader na nagtanong sa kanya.



Mula noon, we help him. Pinopromote namin story niya hanggang sa dumadaki na nga talaga ang nakakakilala sa kanya. Hanggang sa magkaroon na siya ng admin, pare-pareho kasi namin ayaw nila Ally. Syempre, sino ba naman ang hindi matutuwa kapag marami ang sumusuporta sa iyo.


"May new story siya, yung it's now broken. Excited na ako doon, feeling ko kasi tragic," I exclaimed.


"Sana all, bet ang tragic. Syempre ako rin." Akala ko pa naman ayaw niya. "Wala kasing forever, kung marupok ka now baka dumating ang time na hindi na."


"Karupokan talaga?" I asked. "Hindi ka pa sure," dagdag ko.


"So ang karupokan may forever?" she asked.


Nagkibit-balikat na lang ako habang nakanguso, samantalang naiwan na nag-iisip habang nakanguso rin.


May forever nga ba sa pagiging marupok?


OVERFLOWING INKS [COMPLETED]Where stories live. Discover now