KABANATA 29

19 2 0
                                    

Nagpalipas ako ng oras sa isang tindihan. Hindi ko alam kung kakayanin ko ba humarap kay Ally. Ang bigat-bigat sa dibdib, na hindi ko na malaman pa kung paano ako tatayo. As a reader sobrang swerte ko na nagkajowa ako ng isang writer, kahit papano naranasan ko kiligin sa isang writer.

Date sa mga bookstore. Kasama sa tuwing may book signing event. Nakakasama sa tuwing naglalive at kung anu-ano pa. Maswerte nga ba ako?

"Aishe!" Napalingon ako sa tumawag s akin. "Ang tagal mo. Kakain na. Akin na nga yan. Why are you still here?" kuya Ace asked.

"Nagpahangin ako. Sorry, tara na." Tumayo ako saka niya kinuha sa akin ang dala kong soft drinks. "Dumating na ba si Ally?" pasimpleng tanong ko.

He nodded. "Feeling ko umiyak siya. Dumiretso siya kaagad sa kuwarto niya ng makita kami. May problema ba siya?" Kibitbalikat lang ang tanging naisagot ko.

Once na malaman ng mga kuya ko tiyak na magkakagulo. Uuwi kami ng linggo after lang ng libing. Hindi na kami dapat na magtagal pa. Sapat na lahat ng nalaman ko na wala na akong babalikan pa rito. Sino pa nga ba ang naghihintay sa akin?

Tahimik kami habang kumakain. Nanatili lang akong nakafocus sa pagkain ko. Hindi ko alam kung kaya ko mag-angat ng tingin.

Tanging mga kubyertos lang ang maingay. Siguro ay napansin ito ni kuya Gael kaya bahagya siyang nag-open ng topic. Pareho pa rin kami naging tahimik ni Ally.

I don't know how am I going to ask. Should I ask? I already know, pero feeling ko kulang pa. I don't know how should I act.

"Ma, labas lang kami. Sa may malapit lang kami na park ni Aishe. Babalik din kaagad kami." Napaangat ako ng tingin sa sinabi ni Ally. "Tara," tanging sambit niya bago tumayo upang mauna maglakad.

Pareho kaming tahimik ni Ally habang naglalakad papunta sa park. Nasa loob ng bulsa ng hoodie jacket ko ang mga kamay ko. Pareho kaming walang imik sa isa't-isa.

"Narinig mo siguro," sabi niya habang nasa daan pa rin ang paningin. "Since hindi ka nagtataong, I'll tell you what happened. At first ng umalis ka, halos same kaming school na inaapplyan for college. You know naman na nangako kami sa isa't-isa na magtatry kami na mag-entrance exam ng magkasama. We did it."

Nang makarating kami sa park ay naupo siya sa concrete chair kaya naupo na rin ako.

"Hanggang sa narinig ko silang nag-uusap ng mga kaibigan niya. Nabanggit nila name natin kaya nagtago ako palihim na nakinig. Mahal ko si Aishe sabi niya pero tinanong siya ng kaibigan niya kung ikaw ba raw talaga. Then sabi ng isa, gago ka pare, kung confuse ka pala sa nararamdaman mo bakit mo niligawan yung pinsan?"

Kagat-kagat na ni Ally ang labi niya pero wala akong pakialam gusto ko malaman ang lahat bago ako lumuwas ulit.

"Gusto raw ako ni Worth noon pa pero pilit niyang kinakalimutan ang nararamdaman niya kasi kaibigan ko lang siya. Nag-away kami ng araw na iyon, pero dahil kailangan niya rin ayusin ang manuscript niya minsan niya lang ako naabutan. Palihim ako nagtake ng exam online. Hanggang sa makuha ko ang result na nakapasa ako kaya sinabi ko kina mama kung saan ko gusto mag-aral, pumayag naman sila."

Kaya pala hindi siya nakastay sa kanila. So iyon ang reason, why she left.

"Nalaman iyon ni Worth, nagdadrive siya minsan para makausap ako pero sarado ang isip ko. Hindi ko magawa buksan lahat ng social media accounts ko dahil doon. Weeks na rin ano? Galit ang barkada sa kaniya. Inilayo ko sarili ko sa lahat. Ayoko kasi, ayoko na may issue na nakikita tapos ganoon ang nangyayari." Kaagad siyang lumingon sa gawi ko habang umiiyak. "Hindi ako nagkamali, wala akong ibang kasalanan kundi ang itinago ko sayo ang lahat. Hindi ko kaya, natatakot ako na ako pagbuntungan mo ng galit mo. Natatakot ako na yung favorite pinsan ko, hindi na ako papansinin. Na ako pala ang dahilan bakit ganoon ang asta ng lalaking yun. Hindi ko kaya, hindi."

Nilalabanan ko ang mga luhang kanina pa nagbabadya. Naawa kasi ako sa sarili ko. Wow! Ang gandang plot naman ng story ko. Grabe naman, bakit puro na lang sa iyakan nauuwi ang lahat.

"Nagmukha akong tanga, Ally. Ang tanga-tanga ko na isisi sa sarili ko ang nangyayari. Hindi naman pala ako yung may problema. Gusto ko maintindihan kung saan siya nanggagaling pero wow hindi pala ganoon. Habang nahihirapan ako isipin kung saan ako pwede makabawi, iba naman ang pinagkakaabalahan niya."

"I'm sorry."

"I don't need your sorry. And sorry din, hindi ko kaya tumayo sa harapan mo. Wala kang ngang kasalanan pero pinagmukha mo akong tanga ng ilang buwan. Alam niyo pero ni isa walang nagsabi sa akin. Dalawang linggo, Ally. Dalawang linggo akong tanga."

Umuwi ako ng mag-isa. Nilipat ko ang gamit ko kung nasaan nag-istay sina kuya. Hindi rin ako sumama sa last night at pinili ko na lang magpahinga. Iyak lang ako ng iyak sa kuwarto hindi dahil sa niloko ako kundi bakit ba kasi ang tanga ko? Pansin ko naman na noon pa bakit ko pa minahal ng husto? Nadaan lang ba ako sa libro? Kasi bakit? Bakit ganito?

9:30 pm na ng tumayo ako galing sa pagkakahiga. Kaagad ako naghanap ng masasakyan, buti na lang at may bike ako na nakita kaya kaagad ko itong kinuha. Halos isang oras ako nagpedal hanggang makarating ako sa harap ng bahay nila. Kaagad ako tumawag para sabihin na nasa labas ako.

Pagkalabas niya ay hindi ko na napigilan ang sarili ko. Dumampi ang palad ko sa pisngi niya at napahawak siya doon. Kulang pa yun. Kulang na kulang pa sa lahat ng ginawa niya.

"Gago ka! Sana nakipagbreak ka na lang noong umalis ako. Ako? Ako ba yung nanlalalaki? Bawal na ba ako sumama sa mga lalaki? Funny ka," sabi ko habang natatawa. "Salamat nga sa lalaki ko kasi sinasamahan niya ako kahit napakabusy niyang tao. Naging mabait lang naman siya sa akin pero nahuhusgahan niyo na pala ng mga toxic mong readers."

"What do you mean?"

"Tanga ka! I mean ako pala. Kung noon hinihintay kita kung susuko ka pwes ako ngayon, ako ngayon ang magdedesisyon. Sorry kung hindi kita feel as a writer, nakasama pala ako sa mga readers mo. Pero wala na akong pakialam ngayon. Mula ngayon, wala na tayo. Hindi ka na mag-eexist sa mundong binubuo ko. All you have to do is enjoy your life," sabi ko. "Wala na tayo, tinatapos ko na. Darating ang araw, maiintindihan ko rin siguro ang kahalagahan ng masasabi ng may matatawag na readers. You cheated, Worth. Sana nakipagbreak ka na lang eh."

"Gulong-gulo na ako, Aishe. Mahal kita alam mo yun."

Hahawakan niya sana ako pero lumayo ako. "Minahal mo ako dahil lang sa ideya mo na mahal mo ako, Worth. Tanga rin naman kasi ako kasi nagbulag-bulagan pa ako. Wala ng kwenta ang sasabihin mo. Wala ng k'wenta lahat. Ako ang magdedesisyon, ngayon malaya ka ng habulin ang gusto nong habulin. Ngayon, marami ng magsusupport sa inyo kasi ship naman nila kayo, bakit hindi niyo pa totohanin ng kiligin sila sa inyo. Huwag kang susunod sa pagtalikod ko kasi kahit hindi ka sumunod o sumunod ka man, hindi na ako haharap pa sayo, gago!"

Sa oras ng pagtalikod ko saka bumuhos ang mga luha ko. Sumakay ako sa bike at nagsimula na akong mapedal. Nanlalabo man ang paningin ay pinilit ko pa rin makalayo. Gustong-gusto ko ng makalayo sa kanilang lahat. Sa lahat-lahat ng sakit at nanakit sa akin. Ayoko ng ipinipilit ang sarili ko sa isang taong hindi naman na ako ang gusto.

Kahit naman kailan hindi ko naramdaman na ako ang mahal niya eh. Akala ko lang, binulag ko lang ang sarili ko.

-------------------------------------------------------------

OVERFLOWING INKS [COMPLETED]Where stories live. Discover now