KABANATA 26

20 2 0
                                    

"Ano na, Bebs?"

Kanina pa kami nandito ni Perdix sa isang coffee shop. Sabay daw kami mag-aral pero wala naman ako aaralin. Gagawa lang ako ng PowerPoint presentation ko na kailangan ko ireport by tomorrow.

"Tapusin mo na iyan. Hindi tayo aalis ng hindi mo yan natatapos para pag-uwi mo wala ka na masyado iisipin."

Kanina pa siya basa ng basa, highlight ng highlight, sulat ng sulat. Kanina ko pa siya pinapanood dahil sa malapit na rin matapos ang ginagawa ko. Akala niya ay hindi pa ako patapos. Nakaayos na rin ang lahat.

"Bebs, magkriminal ka na lang kaya." Nag-angat siya ng tingin saka natawa bahagya. "Naisip mo ba na mas okay na lang maging criminal kaysa maging attorney?"

"Paano ang future? Paano ako magkaka-asawa? Tumigil ka diyan. Ihambalos ko sa'yo itong binabasa ko eh."

Kanina pa kami pinagtitinginan dito. Perdix wearing a white hoodie jacket without zipper and denim ripped jeans pants and a pair of white shoes. Habang sumisimsim siya ng iced coffee na inorder niya ay tutulo na ata ang mga laway ng nakatingin sa kaniya kaya natawa ako bigla dahilan para mag-angat siya ng tingin sa akin.

"Focus, Aishe. What's happening to you? Kanina ka pa. May problema ka ba sa akin? Nagga-g'wapohan ka ba sa akin? Kanina ka pa kasi titig ng titig sa akin."

Hindi ko alam kung naiinis ba siya o gusto niya naman. Kanina ko pa kasi napapansin na pati mga may edad na nakatitig sa kaniya. Hindi ko talaga mapigilan na hindi matawa.

"Ang g'wapo mo kasi. Kanina pa may napapaso ang dila kakatingin sayo. Naglalaway na ata sayo," natatawang sambit ko kaya sinamaan niya ako ng tingin. "Ano?"

"Uwi na tayo. I don't feel safe here anymore. Tara na nga, nawalan na ako ng gana magbasa."

Nawalan na nga ako tuluyan ng communication kay Ally. Hindi ko alam if sinadya niya ba or sinasadya niya. Natitiis niyang lahat ng yun kahit simpleng bagay lang naman ang pinag-aawayan namin. Magdadalawang linggo pa lang ang klase naistress na ako dahil kay Worth.

Pareho kami busy sa school. Walang sumusuyo isa man sa aming dalawa. Pinaplano ko pa lang na tawagan or ichat siya may bago na naman ako gagawin. Minsan din napapaisip ako. Bakit ako? Ano kasalanan ko?

Wala ako balita. Nakikita ko lang na panay update niya at promote niya sa story niya. Panay mukha ni Ally nakikita ko sa comment section na nagpapakita na hindi ako ang bet niya para kay Worth. Parang kailan lang okay naman kami. Ayos lang kami ng umalis ako pero bakit naman bigla na lang nawala? Ano yun, nanlamig kaagad?

Pinipilit ko na lang ifocus ang isip ko sa studies ko. Lagi rin ako binibisita ng mga kapatid ko at laging natawag sina mama at papa sa akin. Sa tanang buhay ko, now lang ako nakuntento kahit na malayo sa akin si mama. Siguro kasi alam ko na ang iilang parte ng k'wento pero alam ko na hindi pa iyon buo.

"What do you think?" tanong ko sa kaniya habang sumisimsim siya ng kape bago ako samaan ng tingin. "What?! I am just asking here, bebs."

"Alam mo yang jowa mo hindi jowa ang trato sayo. Ako ang magtatanong total... bida-bida ako. Ramdam mo ba na may jowa ka pa?" Dahilan para umiling kaagad ako kasi yun ang totoo. "You're now just like his reader and a fan, bebs."

"Hindi kaya."

"Paniwalaan mo sarili mo."

"Dali na. Ano yung ayaw mong nararamdaman mo bilang isang writer na ayaw mo na ulit maencounter."

He sighed before sipping his coffee.

"May jowa kasing soon to be published author ako pa ang tinatanong." I just gave him a smile. "Fine, ayoko na ulit maramdaman yung pakiramdam na nandiyan sila kapag napagdesisyonan ko na sumuporta pero wala sila kapag ako yung nangangailangan ng support." He smiled but I saw how he dissapounted. "Why they can't support some writer dahil sa support sila? I am still anonymous coz I don't want to deal with some people who will be based on my physical appearance not through my talent."

Ibang-iba sila ni Worth ng pananaw. Siya ayaw niyang makipagdeal sa ibang tao samantalang si Worth naman kaya niyang makipagsabayan.

Bakit ko ba sila pinagkokompara? Malayong-malayo sila sa isa't-isa. Si Perdix ang kasama ko at nakakausap ko samantalang ang jowa ko busy sa iba.

"Why do you keep on asking?" he asked. "May plano ka ba na magsulat? I'll support you if ever. I will be your first follower, reader, voter, mentor, and fanboy." Natawa ako sa sinabi niya. "Handa ako magpaka-fanboy basta sayo."

"Ewan. I'm just curious. I don't know how Worth dealing being a writer everyday. Sobrang hirap ba na dahilan para mawalan siya ng oras sa akin? Mas masaya ba magbigay ng paliwanag sa fan or readers kaysa sa girlfriend?"

"Ang toxic na ng relasyon niyo. Mas okay pa na maging single ka na malaya kaysa may jowa ka na walang silbi. Busy rin akong tao, bebs. Pero... why am I here?" he asked. "Kasi sobrang busy man ako hindi naman kita kayang tiisin na mag-isa lalo pa at may pinagdadaanan ka. That's simple if you love someone whether it is your girlfriend, friend, bestfriend you'll make a way to be with them. Kapag mahal mo, mahal mo. Hindi mo makakayang tiisin. Marupok ka kasi mahal mo."

Inayos niya ang gamit niya saka tumayo. "I'll leave a piece of advice. Don't stick to someone who'll just know how to give some false hope into your life. Love yourself, that's the best thing you can guarantee na may mapupuntahang mabuti. I'll leave you here. Think it again. Huwag ka ng magpakatanga, matalino ka ibuhos mo sa utak mo huwag sa puso mo."

Nang tuluyan na siyang umalis ay doon lang ako kamuntikan maluha. I open my Twitter account and I am so shaking that I see the hashtag. It is #KeepOnSailingAllysonWorth at may picture pa doon na animation ng dalawa.

;Akala ko ba may girlfriend si Worth?
:Ewan, wala naman na siyang nababanggit if si Aishe ba or si Ally.

;Grabe, mahal ko talaga sila ni Ally.
: Seym, bakit kaya si Aishe ang niligawan? Sabi si Aishe raw eh pero tahimik na sina Ally at Aishe sa buhay ni Worth.

;Hala! Ang unfair naman niyan kay ate Aishe.
: Why? May sila pa ba? Baka nga niligawan lang siya ni Worth kasi hindi niya matanggap na si Ally ang mahal niya.

;Ally and Worth lang malakas
: Sana sila hanggang dulo. Miss ko na magkasama sila.

;How to be ate Ally?
: Hanap ka rin sarili mong Worth.

Nagulat na lang ako ng biglang may humablot sa cellphone ko. "Punasan mo sarili mong luha. Wala ako panyo para sayo," sabi ni Perdix. "Ayoko rin maging panyo mo."

Hirap naman pala magmahal ng writer. Dami mo na nga kaagaw sa mga characters niya pati sa kaniya hindi pa ikaw nag choice para sa idolo nila. Ayoko ng parati na lang ganito. Akala mo hindi ako nasasaktan pero pinsan ko pa yun eh. Bakit kailangan pinsan ko pa?

-------------------------------------------------------------

OVERFLOWING INKS [COMPLETED]Where stories live. Discover now