KABANATA 32

22 2 0
                                    

Perdix becomes the only one who I appreciate the most. He's the person who didn't leave me hanging alone. He keeps on mentoring me, guiding me, and always trying to cheer me up. I always found fun when I am with him. Even we didn't see each other for a week, or months our bond didn't change at all. He's the most valuable person I ever meet.


When I was in the third year of college, there's one publishing company that offered to publish our first collaboration story. Yun din ang unang story na natapos ko in 3 months with him. We accepted that opportunity and we are so thankful that they will not interfere in being us an anonymous writer.

The founder and CEO of the publishing company will be the ones who will meet us when we need to sign all the books. We can also hide our face from him too, all he has to do is to talk to us more nothing less. Naging busy kami sa pag,-proofreading at paggawa ng special chapter habang pareho kami busy sa school kasi pumasok siya sa law school.


Sabay kami nagpasa ng manuscript namin. Sa bawat paglipas ng buwan ay mas sobrang excited ako sa libro. Patuloy pa rin ako sa pagsusulat ng mga mystery-thriller romance. Habang si Perdix naman ay mga codes and chippers talaga ang kinahihiligan at the mystery-thriller genre.


Halos lahat akala ay magjowa kami. Blockmates ko man or maging sa kaniya. They shipping us together kaya tinatawanan ko na lang sila. Wala na rin akong naging boyfriend pa after ni Worth. Hindi ko alam kung assuming lang ako pero feeling ko may ibang agenda si Perdix, I mean parang naawkward siya sa akin.


***

"Hoy! Feeling ko lumalayo ka. Social distancing? What your problem, bebs?" I asked while we were here in my unit.

"Wala."

"Ano nga?" Lumapit pa ako lalo sa kaniya. "Galing ka? May nagawa ako? Nagtatampo ka?" Sunod-sunod ko na tanong. "Ba't naiilang ka na sa akin?"

He sighed deeply as he bites his lips.

"Stop it."

I chuckled.

Nang lumabas kami sa unit ko ay nakasuot ako ng hoodie jacket at shorts. Naka-eye glasses din ako at isinuot ko na ang facemask ko. Nakacap din ako para maganda ang dating. Ganoon din si Perdix, nakapants nga lang siya. Nagtaxi kami papunta sa publishing company.

Nang makarating kami ay hindi nakihalo sa amin ang mga tao sa loob. Dumiretso kami kaagad sa room na sinabi at kinausap ang CEO ng kompanya. Dahil sa dami ng pipirmahan at kaagad kaming nagsimula. Buti na lang malakas ang aircon kundi mamatay na ata ako sa init.


Pinagkatiwalaan namin ang CEO at may kontrata rin kami na pinirmahan na bawal sila maglabas ng tungkol sa amin, ni isa man sa kanila ay maaring kasuhan kapag lumabas kami sa social media at nalaman na kami ang mga katauhan sa likod ng mga penname namin ni Perdix.


Halos 5 days kami pabalik-balik sa publishing company na iyon. Matapos mapirmahan ang libro ay inayos ko na ang school works ko. Mindan na lang din ulit ako makapag-update dahil sa hassle ng schedule.

[Aishe. Ano kamusta book?] tanong ni Ally habang magkavideo call kami. [Musta? Magsalita ka.]



Nilunok ko muna ang kinakain ko na tinapay bagi ako nakapagsalita. "Tanga neto. Kumakain kasi ako. Okay naman. Maganda yung book parang yung author."

[Kadiri ka.]

Sobrang nakakaoverwhelmed na mahawakan mo ang sarili mong libro. Hindi lang ito nag-iisa kasi alam mo kung sino kasabay mo at nagturo sayo. Nang makita ko na hawak na ito ng karamihan sa readers namin, sobrang saya ko. Hindi ko kasi inaakala na marami ang oorder at nag-iisip pa ang publishing company if magrereprint sila.

Yung tipong akala mo wala talagang makaka-appriciate. Naranasan ko kung paano mabash the way I read, the way I started writing kasi kapit daw ako sa mataas dahil kay Perdix, at dahil sa babae ako. Kung paanong pagmadaliin ng reader sa pag-update at maiwan kasi raw sa katamaran ko mag-update sa mga story ko. Sa dami ng mga yun, nandito pa rin ako nakatayo at lumalaban gamit ang tinta ng aking panulat.

Yeah, sobrang toxic ng readers na mas sinusuportahan nila yung g'wapo't magaganda kaysa sa talino at talento. Wala naman na tayong magagawa kung bulok ang sistema nila. Like how Chessca being treated by Persues management, it sucks. Nakakalimutan ata nila na tao lang din ang binabangga nila, nasasaktan din. Yung mga fans na halos alipustahin na si Chessca dahil lang sa minamahal nilang artist. Nalaman ko ang issue na iyon dahil kay Ally, hindi na ako masyado updated sa nangyayari sa kanila pero ng marinig ko yun nakakasuka. Katulad kasi ni Ally sila rin ang gumagawa ng paraan para makausap ako.

Bakit kailangan kapag g'wapo at maganda lagi ng nasa taas at sinusuportahan? Bakit kapag maganda at g'wapo ang kalaban wala ng laban? This is how society works, yun ang totoo. Pagmaganda ka at g'wapo napakadami mong probilihiyo.


Na kapag iniidolo ka nawawalan ka na ng sarili mong mundo. Pati desisyon mo galing na sa ibang tao. para lang manatili ang imahe at kasikatan mo. Wala ka ng sariling opinion. Gugustohin mo pa ba na sumikat kung kapalit nito ay ang pagkakatali ng iyong mga paa sa loob ng isang hawla? 

Sa dami ng pinagdaanan ko sa mundong puno ng iba't-ibang tao sa wakas masasabi ko na rin ang katagang matagal ko ng inaasam.


"Sa wakas published author na ako," nakangiting sabi ko kay Perdix ng bumisita sila sa unit ko nina kuya. "Katulad na rin ako ni papa. Masaya ko na proud na proud sila sa akin ni mama. Nakakataba ng puso na makitang masaya sila ng sabihin ko ang mga katagang, Ma, pa published author na ako."

"At sobrang proud kami sayo. Sa inyo ni Perdix. Grabe, hindi ko alam na mamamana mo pala hilig ni papa. We're always here to support you, Aishe."

"Thank you, kuya Aidan at kuya Ace. Love na love niyo talaga ako. Super naappriciate ko lahat ng effort nuyo para sa akin kaya I'm doing my best to make an unforgettable plot twist."


Hindi karera ang pagsusulat. Maghintay lang na makaabot sa kung saan kakayanin ng talento. Basat paghihirap ay may kapalit na saya at katumbas nito ay ang alaalang may maiiwan ako sa mundo sakaling mawala ako. Nakaiwan ako ng isang lathala na sa buhay ko, minsan ginusto ko na lang din magi g character sa isang libro.

-------------------------------------------------------------

OVERFLOWING INKS [COMPLETED]Where stories live. Discover now