KABANATA 7

33 7 0
                                    

Ilang araw ng hindi pinapansin ni Worth si Ally. Sa tuwing magkakasama kaming tatlo, or maging kaming lahat ay hindi talaga sila nagpapansinan. Gustoin ko man sila pag-ayusin pero wala talagang pag-asa kasi pareho silang mapride.


"Una na ako," pamamaalam na sabi ni Ally.


"Saan ka? Andito pa si Worth, magko-commute ka?" tanong ko.


"Oo, parang hindi ko naman ito ginagawa dati. Tsaka busy din naman ang barkada, wala nga sila dito eh so... mauuna na ako." Ngumiti lang siya bago tuluyang umalis.


Hinintay ko na makita siyang makasakay ng jeep. Maraming istudyante naman ang kasabay niya so medyo panatag ako. Nang makaalis na ang jeep ay saka lang ako lumingon kay Worth.


"Pansinin mo na kasi," sabi ko kaya napaangat siya ng tingin sa akin.


"Nag-sikreto siya."


"Lahat ng tao nagkakamali, lahat din may kaniya-kaniyang privacy. Hindi dahil sa bestfriend ka niya at may pangako kayo sa isa't-isa ay hindi na iyon mababali. Ikaw ba? Kahit minsan ba hindi ka nag-sikreto sa kaniya kahit maliit na bagay pa yan?"


Natigilan siya sa mga sinabi ko at napaiwas na lang ng tingin. Lahat ng tao may sikreto, iba-iba nga lang ang dahilan kung bakit tayo naglilihim.


"Kausapin mo na siya. Alam ko na hindi ka rin sanay na ganito ang sitwasyon niyo."


"Grabe yung jeep na kaaalis pa lang, sumalpok daw sa isang track!" Napatingin ako kay ate na may kausap sa phone. "Buti na nga lang kamo ay hindi pa ako nakakasakay."


"Ally," sabay naming sambit ni Worth.

"Shit!" he cursed.


Tumakbo kaagad si Worth kaya maging ako ay sumunod na rin. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Nang matanaw na namin ang kumpol na mga tao ay lalo kaming nagmadali.


"Damn it! Ally!" sigaw ni Worth.


"Ally?" Pilit ko hinanap si Ally sa kumpol na mga tao.


"Ally!" Nakita ko na tumakbo si Worth sa part kung nasaan nakatayo si Ally.


Tila nadikit ako sa kinatatayuan ko ng makita ko siyang kaagad niyakap si Ally. Napahawak ako sa strap ng bag ko bago nag-iwas tingin. Napalunok pa muna ako bago ako lumapit sa kanila. Kita ng sarili kong mga mata ang pag-galaw ng balikat ni Ally dahil sa paghikbi.


"I'm sorry... shit! Hindi ko sinasadya," paulit-ulit na sambit ni Worth.


Nang mag-angat ng tingin si Ally ay agad siyang bumitaw sa pagkakayakap kay Worth bago tuluyang tumakbo papalapit sa akin at niyakap ako

"Natakot ako," humihikbing sabi niya sa akin.


Hinagod ko ang likod niya habang patuloy siya sa pag-iyak. Pinalapit siya sa isang medic para gamutin ang iilang mga sugat nito sa balikat, noo, braso, at maging sa paa nito ay may gasgas din.


Hawak ko lang ang kamay niya habang ginagamot siya ng mga medic. Medyo tumahan na rin siya sa pag-iyak.


Nakita ko si Worth na nakasandal lang habang nakayuko sa isang sasakyang malapit lang sa amin.


Nang matapos gamutin ay may kumausap pa sa kanyang pulis bago kami tuluyang makaalis.


"Parang tumigil ang mundo ko, hindi ko inaasahan ang lahat. Parang huminto ang oras ng sumalpok na yung sinasakyang jeep namin."


OVERFLOWING INKS [COMPLETED]Where stories live. Discover now