KABANATA 22

24 3 0
                                    

Ally and I didn't see each other. I packed all my things. Ayoko na muna makita mga kamag-anak ko, I will be with them. Hindi ako papaiwan, alam ko na may maiiwan ako pero ganito naman talaga ang buhay diba? Hindi sa lahat ng oras makakasama mo ang mga taong nakasanayan mo na.

"Anak, sorry." I sighed heavily. "I can't lose you that time. Nawala na sa akin ang mga kuya mo, ayoko na pati ikaw kunin sa akin."

"N-naintindihan ko na, Ma." Lumingon ako sa kanya ng may mga luha ang mga mata. "Pero ang sakit, Ma. Ang sakit-sakit kasi ako yung pinili niyong itago pero ako yung nasasaktan ng sobra. Ayaw mong mawala ako sa'yo pero hinahayaan mo akong mag-isa."

Naiwan ako mag-isa. Pinagpasa-pasahan ng mga kamag-anak. Pinag-uusapan ng mga kapamilya. Piniperahan lang nila ang pananatili ko sa bahay nila that's why I live alone.

"Ma, kakahanap mo kina kuya nakalimutan mo ako. Nakalimutan mo na naghahanap din ako ng ama, nakalimutan mo na dinaramdam ko na ang lahat."

What am I going to do if I feel like nobody wants me. All my life parang ako lang ito. No one wants to be with me.

"I'm sorry. N-napag-usapan na namin ng papa mo ang lahat," ang tanging sinabi ni mama.

Sa pagkikita naming lahat kagabi ay hindi naging madali. They are all fighting. My brothers gets mad with mom while I am here watching their rants to each other. Paalis na rin kasi sina kuya, maging si papa. Willing magstay si papa maging ang mga kapatid ko pero need na nila bumalik kasi nag-aaral ang mga kapatid ko.

Nag-away pa sina mama pero napagdesisyonan ko na sumama na lang sa Manila. Sasabay na ako sa kanila, kahit si mama sasama na. Gusto ni papa na magstay ako kasama sina kuya pero sabi ko na gusto ko mag-isa pero sa sobrang pilit nina kuya ay mag-istay tuloy ako sa bahay nila.

My mother will back in Canada while my father is working in Italy in one of the biggest construction corporations. He's an engineer while my mother is a nurse.

Matapos namin mag-usap ni mama ay sumama sina kuya sa akin sa paglabas. Magpapaalam lang ako kay Ally. Baka hindi ko na sila mapuntahang lahat kasi mamaya na ang alis namin. May sasakyan sina kuya at papa kaya sasabay na lang kami sa kanila.

"Kaya pala may hawig tayo sa isa't-isa, Maria." Gusto ko masuka sa tawag ni kuya Ace sa akin. "Kapatid pala kita," sabi niya pa.

Hindi ko na siya pinansin pa. Wala ako sa mood makipag-usap. Nang makarating kami sa bahay nila Ally ay pumasok na ako at nagbigay galang kina tita at tito.

"Tita, sina kuya Ace at kuya Aidan pala." Itinuro ko sina kuya na bahagya pang yumuko bilang pag-galang bago nagmano. "Mga kuya ko pala." Gulat ako tiningnan ni tita. "S-sila mga kuya ko, n-nahanap na sila ni mama."

"Nasaan ang mama mo?" tanong ni tita habang kumakagat sa apple na hawak niya. "Pupunta ba yun dito?"

"Pupunta raw po siya saglit mamaya rito. Nauna lang kami nina kuya. N-nasaan po si Ally?"

"Nasa kuwarto niya."

Mag-isa akong pumasok sa kuwarto ni Ally. Nakasubsob ang mukha niya sa unan. Sinabi ko na sa kaniya na aalis na ako sa chat kaya may idea na siya kung bakit ako ngayon dito.

Naupo siya ng mapansin ata ako. "Aalis ka na talaga? Tsaka sino ipapakilala mo? Sino ba yan?" I hugged her that's why she cried so much. "Sure ka na? Are you leaving? Sorry kahapon." Nakanguso na naman siya..

I nodded.

"I will try to take some College Admission test in a different school. Don't worry my brothers will help me."

"B-brothers? Kuya mo? Yung mga kuya mo na hinahanap mo? Blood related?" sunod-sunod na tanong niya kaya pagtango na lang ang nagawa ko. "Paano? Paanong nahanap mo? Ni tita? Totoo na talaga?"

"Baba tayo. Nasa baba sila." Ang kaninang tila walang buhay na Ally ay dali-dali umalis sa kama saka tumakbo, nauna pa siya sa akin.

"Bilis, Aishe!"

Literal na napanganga si Ally ng makita ang mga kapatid ko. Napapaypay pa siya sa sarili niya gamit ang sarili niyang mga kamay. Syempre kahit ako naman nagulat.

"Pinaglololoko mo na naman ako, Aishe! Baka nakakalimutan mo galit pa ako sayo!"

I sighed before walking towards her.

"Umuwi si mama ng makita niya pictures ko kasama sila. Nagkita at nagkausap na rin sila ni mama pero may sama ata ng loob ang mga ito pero ako ang ginagambala." Nakabusanngot ko silang tiningnan. "Treat them well. Alis lang ako saglit, babalik din kaagad ako."

"Pupuntahan mo?" tanong ni Ally. "Nasa bahay naman nila yun, busy sa manuscript. Balikan mo na lang mga kuya mo. Jojowain ko na sana isa dito kaso pinsan ko pala, first cousin pa." Tinawanan ko na lang si Ally kasi pati sina kuya ay parang diring-diri rin. "Grabe kayo sa akin. Pasalamat kayo sa akin ako nasa tabi ng kapatid niyo ng mga panahon na wala kayo."

Nagpaalam ako kina kuya, gusto nila sanang sumama pero hindi ako pumayag. Kakausapin ko lang naman si Worth at saka magpapaalam.

Sumakay ako ng jeep para mas mabilis. Nang makarating ako kay pinapasok din naman kaagad ako ng mga maid. Pinadiretso na nila ako sa kuwarto ni Worth, kumatok na lang daw ako.

"Wait." Nang buksan niya ang pinto ay laking gulat ko na nakatapis lang siya at tumutulo pa ang tubig galing sa buhok niya. "Wait lang, Neng. Bihis lang ako."

"Sa baba na lang kita hihintayin," sabi ko saka kaagad tumalikod sa kaniya. Narinig ko pa ang paghalakhak niya kaya lumingon ako sa kanya at sinaman ito ng tingin. "Bastos!"

Nasa trabaho sila tita kaya naman si Worth lang ang nandito kasama ang mga maids. Nang pagbaba niya ay nakapagbihis na siya at dala niya ang laptop niya saka naupo sa tabi ko.

Iniabot niya ang laptop sa akin habang nakangiti kaya kinuha ko ito saka ko tinitigan ang nasa screen. "Acknowledgement," I whispered. Binasa ko ito ng mabuti at isa ang pangalan ko sa mga taong pinasasalamatan niya.

To my girls, Allyson, Sharise, Chessca, Ecka, Jelayza, Joanne, and Maria Aishe thank you so much for all the support. I am thankful that I have you in my life, girls. I know it may sound gay but I love you all.

"Thank you so much for this, Worth. I am so happy for all your achievements. More published book for you soon."

"Salamat, Neng. I love you. Nga pala, ano ginagawa mo rito at dumayo ka? Makikikain ka ba? Nagugutom ka ba? Wala na bang makain sa inyo?" sunod-sunod na tanong niya.

"Aalis na ako mamaya, Worth." Gulat niya akong tinitigan. "Sasama na ako kina papa tsaka sasabay na rin si mama. Nasabi ko na rin naman sayo noon na sa Manila na ako after ng graduation diba? Sadyang napaaga lang talaga kasi nakita ko na sina papa."

"I understand. Magka-college na tayo, hindi na bago ang ganitong sitwasyon. J-just don't break up with me, babe. Can we at least try?"

Poor me. Hindi ko man lang naisip na makipagbreak sa kanya pero siya yun kaagad ang naisip niya. Ganoon ba ako kababaw sa paningin niya?

"W-we'll try."

Ipinagluto niya pa ako kaya kumain muna ako bago niya ako ihatid kina Ally. Nadatnan ko na si mama kaya naman pinakilala ko na si Worth ng personal. Alam na rin naman nila kuya na boyfriend ko si Worth pero iba na ngayon, masama na ang tingin nila rito.

"Dapat updated pa rin ako tungkol sayo. Tsaka mag-uupdate na ako after ko sa manuscript ko. Bili ka libro ko, Neng. Tsaka dadamihan ko freebies na makukuha mo, papadalhan kita."

"Hindi ka naman magseself-pub ah."

"Kaya nga. Ipapadala ko sayo mismo, ikaw lang meron noon." Ngumiti na lang ako saka yumakap sa kanya. "Mamimiss kita, Neng."

Natatakot ako, natatakot ako na sa pag-alis ko marealize mo na hindi pala dapat ako. Baka pagbalik ko, marealize mo na siya pala talaga ang nasa puso mo. Na hindi ako ang mahal niya.

"I will mis you too."
Sana sa pagbalik ko rito, ako pa rin Worth. Sana ako nga talaga. Ako na lang sana.

-------------------------------------------------------------

OVERFLOWING INKS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon