KABANATA 20

23 3 0
                                    

Worth is my ideal boyfriend. Our love story is my ideal love story too. Sa nagdaan na mga buwan we became happy and I felt his care and love. Bigla-bigla na lang mag-aaya na magdate sa NBS, magkasamang umaattend book signing, sa tuwing mag-uupdate siya kasama ako kapag gusto niya iexperience ang mga bagay-bagay tulad ng magstargazing, magjogging, magdate na inilalagad niya mismo sa story niya.

[Ano, kamusta lovelife mong palubog? Bukas na graduation niyo ah. Uwi ba mama mo?] tanong ni Perdix habang kausap ko siya sa phone. [Ano? Magsalita ka naman ang ganda ng boses hindi ako sinasagot.]

I chuckled.

"First of all lumalabo lang, magagawan pa ng paraan." I lied. "Hindi pa ako tinatawagan ni mama, sanay naman na ako mag-isa. Alam ko naman na busy siya. Maganda talaga boses ko parang tanga baka inlove ka na nga sa akin," natatawang sabi ko kaya narinig ko ang pagtawa niya.

[I'm so proud of you, Bebs. Asa ka pa, 'kala mo ikinaganda mo yan? Pero kung malapit lang ako, sana ako na magsasabit ng medals mo.]

"Baliw. Pero... thank you for being my living diary, Dix."

Tumawag si kuya Ace at sinabi na aattend sila. Hindi ko nga ineexpect na tututohanin nila ang promise nila, sasama raw si kuya Aidan. Tumawag si mama na hindi raw talaga siya napayagan kaya sabi ko okay lang. Sanay naman na ako, ayos lang ako.

Maaga ako nagising, inayos ko mga dapat gagamitin ko mamaya. Black lace casual dress with belt lace is what I will wear under my blue graduation robes and with caps. I also prepared my pumps and I sighed heavily. May mass pa naman kasi sa umaga at uniform lang naman ang suot namin. Hindi rin ako nagtagal umuwi rin ako after mass.

Hindi pa naman college, ayos lang yan. Siguro kapag saka na pag-college, dapat hindi ko iyakan ito. Ang simple lang naman nito. Kaya ko pa naman. Kailangan ko na lang sigurong sarili ko ang isipin ko.

Mag-isa ko inayusan ang sarili ko. Kamuntikan pa ako maiyak habang naglalagay ako ng mascara buti na lang nagvedio call si Perdix pero syempre nakamask siya, paanonymous pa rin. Next time na lang daw ang reveal. Dahil marunong naman ako magmake-up naging maayos naman ang naging resulta.

[Ang ganda naman, huwag ka umiyak ah. Send me some pictures, I'm gonna post in pero syempre tatakpan ko mukha mo, isipin mo na lang na napakasupportive boy space friend mo ako.]

Kamuntikan na ata ako masuka sa sinasabi niya.

"Oo na. Sige na, aalis na ako. May kikitain pa ako sa labas eh."

[Bye. You're strong, Bebs. You can do it. I'm so proud of you. Congratulation.]

Nakasabit sa braso ko ang graduation robes ko habang hawak ko ang school memorial at cap ng dalawa kong kamay. Confident naman akong naglalakad na walang pakialam sa paligid.

"Aishe!" Napalingon ako sa kabilang kalsada ng may tumawag sa akin at nakita ko sina kuya Aidan at kuya Ace kaya kumaway ako at dali-dali silang tumawid. "You're beautiful. Where are your parents?" Napawi ang ngiti ko sa tanong ni kuya Ace.

Well wala naman silang alam.

"Wala po. I mean, I don't know where my dad is and my mom is in Canada and hindi siya makakauwi so I'm all alone."

"No, you're not. May award ka ba? Sasamahan kita. Ako magsasabit ng medal mo tapos ako kasama mo sa pagpila tapos-aray ko, kuya!" hasik niya sa kapatid.

"You have us. Kami sasama sayo, baka magselos pa itong kapatid ko. Kunwari kami pamilya mo, kami muna makakasama mo."

Kahit hindi ko pa sila masyado kakilala ay masyado na nila pinapagaan ang loob ko. "Can I hug you guys?" I asked in a teary eye.

OVERFLOWING INKS [COMPLETED]Where stories live. Discover now