KABANATA 19

16 3 0
                                    

Naging mabilisan na lang ang mga buwan. Maayos naman kami ni Worth at nagkikita-kita pa rin ang barkada. Kailangan na rin ayusin ang final projects at maging ang verification slipt ko. Minsan masyadong busy si Worth, minsan nakakaselos ang mga babae na kinakausap niya pero anong magagawa ko eh umiikot diyan mundo dahil nagsusulat siya.


Hindi talaga maiiwasan na marami gusto makakausap sa kaniya. Sinabi niya rin naman na girlfriend niya naman na may girfriend na siya pero alam ko, ramdam ko na kung may gugustohin man silang girlfriend ni Worth ay hindi ako iyon.



Minsan nag-aaway rin kami for some reason. Akala nila okay lang kasi wow si Worth yan, pinapangarap ng karamihan. Gusto maging boyfriend ng halos lahat ng sumusuporta sa kanya tapos ako ito parang tanga na sige ayos lang tayo.



Si Worth yan, writer yan. Yung aspiring na undiscovered na at patungo na sa stage ng underrated or baka nga dumiretso na sa overrated author na. Syempre proud ako kasi oy boyfriend ko yan pero habang tumatagal hindi ko na alam.



"Aishe, hindi raw makakasama si Worth. Kailangan daw niya mag-edit ng manuscript niya mukhang may nag-aaya na sa kaniyang publishing house." I smiled at what Ally's said. "Pa-author stage na boyfriend mo, girl. Sana all may boyfriend na writer, hanggad ng karamihan si Maria Aishe Salcedo ang natipuhan."


Natawa ako kay Ally kaya hinila ko na lang siya papasok sa national book store. Magdidate raw kami.



"Wala na akong pera," sabi niya habang nakatingin sa bagong mukha ng libro. "Sayang, gusto ko sana ng copy niyan."


"Ipagbili mo yung luma tapos bili ka ng bagong copy na yun." Sinamaan niya ako ng tingin kaya bahagya akong napaatras. "Bakit?"


"Lahat ng binili ko ayoko ipagbili noh! Bakit ko pa binili kung ipagbibili ko rin naman pala! Hindi dahil sa may bago pababayaan ko na yung luma at ipagbibili para lang makabili ng bago! No! I love my books! Mangailangan man ako then gagawa ako ng paraan para kumita huwag lang mawala ang libro ko."



Para siyang tanga na grabe kong magpaliwanag. Kahit din naman ako, kapag may bago bibilhin ko pero yung luma mananatili pa rin sa tabi ko.



"Yan naman kasi talaga ang buhay noh?" Taka ko siyang tiningnan. "Kapag may bago na syempre makakalimutan na yung luma, mawawalan na ito ng k'wenta."



Hinila ko na lang siya at binili ko yung bagong copy at mukha ng libro na mayroon naman na kami.


Nang papalabas na kami ay nakita namin yung nakabanggaan ni Ally noing last naming pumunta sa NBS.


"Kuya Ace!" Ally shouted. "Kuya!" Nang mapalingon na ito sa gawi namin ay kumaway ito at naglakad papalapit sa amin. May kasama pa siya na mukhang kuya niya ata. "Kamusta?" masiglang tanong ni Ally.




"Ayos naman. Nagkita ulit tayo. Nga pala, kuya." Lumingon siya sa kuya niya saka itinuro ako. "We're look-alike. See, parang girl version ko siya."




"Baka tadhana mo na," walang prenong sabi ng kuya niya.


"Ay naku! Hindi single 'tong pinsan ko mga kuya. May boyfriend 'to." Sabay akbay ni Ally. "Kinaiingitan ng karamihan kasi sana all daw may jowang writer."



Kung anu-ano na ang mga sinabi ni Ally sa dalawa. Parang may kakaiba sa kanila. Binigay ni kuya Ace number niya sa amin tatawag raw siya at manonood ng graduation namin sasama rin daw si kuya Aidan. Alam ko na may iba pero hindi ko nga lang talaga mawari kung ano pero alam ko na may iba akong nararamdaman sa kanila.



OVERFLOWING INKS [COMPLETED]Where stories live. Discover now