KABANATA 40

45 1 0
                                    

Naging busy kami pareho ni Perdix dahil sa preparation ng aming book signing event. Magreveal kami ng sabay. Busy siya sa part time job niya sa isang law firm at the same time sa study niya. Alam ko na pagod na siya pero nakikita ako ang determination niya sa mga ginagawa niya.

"Beb's kita na lang tayo doon. Mag-iingat ka. Hintayin mo raw si Ally." I nodded. "Bye, mauna na muna ako ah. Ingat ka."

Pagkaalis niya ay naiwan ako sa unit na sobrang kalat na kasi wala ng nakakapaglinis. Inayos ko muna ang iilang papers na nagkalat. Naglinis talaga ako kasi may one hour pa bago ako maligo. Si Ally ang makakasabay ko, may nakaabang naman na security guards bago pa man daw ako makapasok sa loob ng Arena.

Isinuot ko ang dress na ipinadala ni Chessca, coral pink ang kulay niya at super cute. Sa pumps naman ang ibinigay ni Worth, sa earrings ang ipinadala ni Sharise, sa bracelet ang ipinadala ni Joanne, sa lipstick at flower headdress ay ang ibinigay ni ate Jelayza at sa makeups ay ang ipinabigay ni ate Ecka, at last ipinasuot din sa akin Ally ang necklace na ibinigay niya.

Dapat daw lahat ng gamit na ibinjgay nila para sa book signing at face revelation ay gamit ko. Hindi ko alam if makakasama sila but it's okay for me. I know busy din silang tao.

"Hoy, ayos na ba ang lahat?" tanong ni Ally. Siya ang driver ko for today. "Ang ganda ah."

"Well, ako lang ito. Tara na, ayos naman na ang lahat. Grabe naman ang ngiti na 'yan." Nang iniabot niya ang isang mask ay kaagad ko na lang kinuha. "Para saan ito? Need pa?"

"Tatanggalin niyo raw yan ng sabay sa gitna ng stage."

"Okay."

Ilang minuto lang naman ang naging pagb'yahe namin. Hindi kaagad ako pinalabas ni Ally sa sasakyan, kay Worth daw ang sasakyan na gamit namin since tinted daw. Sana all kasi yayamanin.

Marami ako nakikkita na papasok pa rin sa loob. Halos makatulog na nga ako sa loob ng sasakyan sa kakahintay sa signal ni Ally. Dahil sa nakaidlip na ako ay ginising ako ni Ally. May mga kasama na siyang security personnels.

"Igaguide ka nila. Hihintayin kita sa loob." I nodded. "Good luck. I love you." Humalik pa siy sa pisngi ko bago ako tuluyang iwan.

"Ilang minuto pa po?" tanong ko.

"3 minutes, ma'am."

Nagpicture-picture na lang muna ako sa labas sa tagal. Hindi ko rin alam kung bakit hindi kami sabay ni Perdix. Hindi ko rin akam kung nasaan na siya. Baka late siya sa event na ito lagot kami pareho.

Nang iguide na ako na papasok sa loob ay nagulat ako ng wala man lang dumumog kasi nasa kani-kaniya silang upuan. Kuya Aidan gives a bouquet of flower to me and kuya Ace give a pen before they walk on the red carpet. Nagulat ako ng nasa nagkabilang side ko na sina nama at papa. Ang mga tao ay nakangiti at sumasabay sa kanta habang iwinawagayway sa ere ang kanilang mga kamay.

"Ma, umuwi ka?" She just smiled. "Pa, ano meron?" Ni isa walang sumagot sa akin.

Kinuha ni papa ang kamay ko saka niya iyon inilagay sa braso niya ganoon din si mama. Nang sa oras na nag-angat ako ng tingin sa stage ay nandoon sina Worth, Ally, Kuya Aidan, kuya Ace, Sharise, Chessca, Joanne, ate Ecka, at ate Jelayza. Sa sandaling nakita ko si Perdix ay kusa na lang nagsituluan ang mga luha ko. Nandoon din ang pamilya ni Perdix at ang pamilya ni Ally.

"Nahuhulaan mo na ba? Tutuloy ka ba?" tanong ni papa pero nanatili lang ang paningin ko kung nasaan si Perdix. "Aishe?" Tumango lang ako saka ngumiti kay papa.

Naging emosyonal ang paglalakad ko dahil sa kantang si Persues at Chessca ang kumakanta. Nagulat ako ng itaas ng mga readers namin ang phone nila kung saan naka-on ang screen nito na puso ang nakalagay. Hindi na tumigil pa ang mga luha ko hanggang sa makarating kami sa stage at nang sandaling inilahad na niya ang kamay niya ay tumingin ako kina mama at papa bago ako yumakap sa kanila bago ko tinanggap ang kamay ni Perdix.

"Anong pakulo ito?" tanong ko habang natatawa pero lumuluha. "Ano?"

"Will you marry me, bebs?" he asked. "Dito mismo, sa harap ng mga taong sumusuporta sa atin. Masasaksihan nila ang pag-iisang dibdib natin. Payag ka ba na ikasal sa akin ngayon sa araw ng face reveal natin?" I nodded.

"Yes," ang tanging salitang nabitawan ko.

Judge ang nagkasal sa amin. Sa harap ng mga taong importante sa amin at sa harap ng mga readers na noon pa man ay sumusuporta sa amin, masasaksihan nila ang kakaibang collab namin ni Perdix, yun ay ang pag-iisang dibdib naming dalawa.

Dahan-dahan niyang isinuot ang singsing sa daliri ko. "I Perdix Rafael Santos, accept Maria Aishe Salcedo as my lawfully wedded wife, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, 'till death do us part. And lastly, until our pen will stop bleeding but our books will always remember, I am always with you."

I smiled while I am holding his hands tightly. Kagat-kagat ko ang labi ko habang isinusuot ko sa kaniya ang singsing. This is satisfying event for me.

"I Maria Aishe Salcedo, accept you Perdix Rafael Santos as my lawfully wedded husband, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, 'till death do us part. And lastly, until our pen will stop bleeding but our books will always remember, I will always here for you and I will always love you the way you love me."

"By the power vested in me, I now pronounce you husband and wife. Congratulation, Mr. and Mrs Santos." Gamit ko ang ballpen na ibinigay ni kuya Ace kanina sa pagpirma sa marriage certificate namin. "You may now kiss the bride."

Kung sa iba veil ang inaalis sa amin mask. Dahan-dahan niyang inalis ang mask ganoon din ako sa kaniya. He smiled before he kissed my lips just a second.

"Maraming bata," sabi niya na ikinatawa ko.

Nagsiingayan ang paligid. Marami ang sumisigaw ng sana all. Matapos ang kasal ay naupo na kami sa at saka nagpakilala.

"Okay, hi guys. I just want to say thank you for putting your time on this event. Alam niyo ba ito? Kasi ako hindi. Nabigla na lang din ako kasal ko pala ito. So ayon na nga... thank you so much sa mga taon na nakalipas na sinusuportahan niyo kami, sa kabila ng issue at kung anu-ano pa, I am here standing in the front of you now as an published author. Thank you so much." Kumaway-kaway ako sa kanila bago ako naupo.

"So yeah, grabe kasal na talaga kami." Natawa pa siya kaya maging ang mga tao ay natawa rin. "Salamat sa co-operation niyo. Wala ito kung wala kayo. Salamat, huwag na natin pang patagalin ito. Nice to meet you all."

Kinausap pa ako ng kaunti ng boss namin at hindi makapaniwala na ako iyon. Natawa na lang ako sa reaksyon nila. Busy kami sa pakikipagpapicture at pagpirma ng mga libro.

"So Mr. Perdixtheseeker, may balak pa ba kayo na ikasal daw sa simbahan?" tanong ng emcee.

Kinuha ni Perdix ang mic niya saka ngumiti. "Of course, mas maganda pa rin na ikasal sa simbahan."

"Hala! Grabe ang swerte mo naman ate. Ang alam ko naging jowa mo si kuya Worth tapos ngayon ang asawa mo si kuya Perdix na. Ano po shampoo mo? Pakiapakan na nga lang din ako." Natawa ako sa mga sinabi niya. Wala na talaga para sa akin kung anu man ang nangyari noon, ngayon na lang ang kailangan pag-isipan.

Lumapit sa akin si Perdix saka bumulong. "I love you. Sobrang saya ko. Mahal na mahal talaga kita."

"I love you too."

"Grabeng langgam naman. Gusto ko na lang din magsulat baka makuha ko na rin ang true loves ko."

"Darating din ang araw na iyan. Huwag kayo magmadali," singgit ni Perdix.

Wala na. Napakas'werte ko na ngang tao. Masayang-masaya ako at masyado ako nagiging emosyonal, hindi ko inaakala na aabot ako sa punto na bubuo na rin pala ang ng pamilya sa piling ng manunulat na minahal ko ng sobra.

-------------------------------------------------------------

OVERFLOWING INKS [COMPLETED]Where stories live. Discover now