KABANATA 3

38 7 0
                                    

It was a long and tiring day. Halos sumakit ang buong katawan ko, maging ang leeg ko ay nanakit. Since 3 pm ay nakaupo lang kami at halos lahat ng subject ay naglesson at nagpa-activity. Nawala ang antok ko dahil sa mga activities.


"Nasa labas na raw si Worth," sabi ni Ally. "May sasabihin daw siya sayo," dagdag niya pa.


Kinuha ko ang bag ko at mukha ng zombie maglakad.


"May date ako bukas." Siya na lang may energy. "Igoodl uck mo naman ako," dagdag niya pa.


"Good luck," tanging sabi ko.


"Yung senior yan, Neng?" Ate Jelayza asked.

"Oo, yung taga STEM."

Halatang-halatang excited ang babae.


Nang makalabas kami ay pumasok na kaagad si Ally sa shotgun seat at si ate Jelayza naman ay sa backseat.


Naiwan kami ni Worth sa labas kaya isinandal ko ang likuran ko sa sasakyan niya.


"Are you free tomorrow?" he asked.


"Why?" nagugulohang tanong ko naman.


"Labas tayo, my treat." Nagtataka ko siyang tiningnan. "Okay... consider it as a date."


Kagimbal-gimbal na pang-aanyaya ata ito.


"What? Seriously?"


"Basta, sunduin na lang kita tomorrow." Pumasok na kaagad siya sa driver seat kaya napaayos na ako ng tayo.


So wala akong choice?


Why did he ask me suddenly?


Umuwi ako na lutang, hindi ata magsink in sa isip at sa buong sistema ko kung bakit siya ganoon.


***


Nagising ako na masakit ang ulo ko. Inayos ko muna ang k'warto ko bago ko napagdesisyonan na magluto ng breakfast. No choice, kailangan gumalaw kasi mag-isa lang ako.


Tok tok tok


Napatingin ako sa may pintuan, wala naman akong inaasahan na bisita. Kakatapos ko lang din ayusin ang pagkain ko sa mesa.


"Worth?"


"You're not yet ready?" he asked.


"Ang aga pa kasi tsaka hindi ako sasama. I'm not feeling well right now. "


"Then, dito na lang ako tatambay sa unit mo."


Ginagawa mo ba ito dahil sa may kadate siyang iba?


Kahit pa magtanong-tanong ako pare-pareho ang nakakahalata.


"Stop this game of yours, Worth." Hindi na kasi talaga ako natutuwa.


"Game?" Nagugulohan niyang tanong. "You think... I'm playing?" I nodded. "Of course not!"


"Then why are you like this? Kagabi iniisip ko na talaga ito. Huwag mo naman ako gawing tanga... I think too much because of your sweet actions... please... stop this." Isasara ko na sana ang pinto ng harangin niya ito ng kamay niya. "Leave."


"Fine, if you don't want to believe me... let me court you."


"Ang bilis mo," I said sarcastically.


OVERFLOWING INKS [COMPLETED]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora